735 Ang Kailangang Landas sa Pagkatakot sa Diyos at Paglayo sa Kasamaan
Matakot sa Diyos hindi ibig sabihin ay
walang katulad na pagkasindak,
pag-iwas, pagdambana o pamahiin.
Sa halip, matakot sa Diyos ibig sabihin ay
humanga, magtiwala, paggalang,
pag-unawa, pagmamalasakit, pagsunod.
Ito’y pagtatalaga, pag-ibig, lubos na pagsamba,
ganti, pagsukong walang daing.
Ⅰ
Kung walang tunay na kaalaman sa Diyos,
tao’y hindi maaaring humanga
o magtiwala, umunawa,
o tunay na magmalasakit o sumunod,
ngunit mapupuno ng pangamba at pagkabalisa,
puno ng pagdududa, maling pagkaunawa,
malamang tumalilis at gustong umiwas.
Kung walang tunay na kaalaman sa Diyos,
pagtatalaga’t ganti hindi mangyayari,
at hindi magkakaroon ang sangkatauhan
ng pagsamba at pagsuko na tunay,
bulag na pagdambana lang,
walang iba kundi patay na pamahiin.
Ⅱ
Kung walang tunay na kaalaman sa Diyos,
tao’y hindi makakalakad sa paraan N’ya,
matakot sa Diyos, lumayo sa kasamaan.
Sa halip, lahat ng ginagawa nila’y mapupuno
ng paghihimagsik at paglaban,
puno ng mapanirang-puring bintang,
maling mga paghatol tungkol sa Kanya,
at masamang asal salungat sa katotohanan
at kung ano ang tunay na kahulugan
ng mga salita ng Diyos.
Pero sa tunay na tiwala sa Diyos,
malalaman nila kung paano sumunod
at umasa sa Kanya.
Saka lang mauunawaan ng tao,
maiintindihan ang Diyos,
magsimulang magmalasakit para sa Kanya.
Ⅲ
Sa tunay na pagmamalasakit lang sa Diyos
magkakaroon ang tao ng tunay na pagsunod.
At mula sa pagsunod aagos
ang tunay na pagtatalaga sa Diyos,
at mula sa ganitong tunay na pagtatalaga,
ganting walang kondisyon.
Sa gayon lang makikilala ng tao diwa ng Diyos,
disposisyon, at kung sino Siya.
Kapag kilala nila ang Manlilikha,
kung gayon mapupukaw
ang tunay na pagsamba at pagsuko.
Kapag umiiral lang ang mga ito
tunay na maisasantabi ng tao
masasamang gawain nila.
Ⅳ
At ang mga bagay na ito
ang bumubuo sa buong proseso
ng “pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan”
at nagbibigay rin ng nilalaman sa kabuuan ng
“pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan.”
Ito rin ang landas na kinakailangang bagtasin
para maging isang natatakot sa Diyos
at lumalayo sa kasamaan.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Paunang Salita