111 Lumalakad Ako sa Daan Tungo sa Kaharian
1 Lumalakad ako sa daan tungo sa kaharian, nagbabasa ng mga salita ng Diyos habang Siya ay tinitingala. Makahulugan at taimtim ang Kanyang mga salita; nakaukit sa aking puso ang Kanyang mga tagubilin. Nag-aalala sa akin ang Diyos, ang Kanyang puso ay nagkapira-piraso sa pag-aalala, at natatakot Siya na baka ako ay malinlang at mawasak ni Satanas. Pinatnubayan ako ng mga salita ng Diyos at binigyan ng direksiyon ang aking buhay; noon ko lamang nagawang umapak sa landas na ito.
2 Nagbabalik-tanaw ako sa mga taon ng pagtakbo sa hangin at ulan. Sa pagsunod sa masasamang kalakaran, naiwala ko ang wangis ng tao. Bilang isang manlalakbay, nilibot ko ang mundo, puno ng kadiliman ang puso ko at wala ni katiting na pag-asa. Ang paghatol at pagbubunyag ng mga salita ng Diyos ang nagpahintulot sa aking maunawaan ang kadiliman at kasamaan ng mundo. Iniligtas ako ng Diyos mula sa mga pasakit ni Satanas, at sa yakap ng mga salita ng Diyos, lumaki akong malusog at malakas.
3 Ang katunayang ibinunyag ng paghatol ng mga salita ng Diyos ay ang kapangitan ng aking katiwalian. Ako ay mapagmataas, sakim, at makasarili, at sa lubusang pagkapuno ng mga kasinungalingan at panlilinlang, wala na akong wangis ng tao. Puno ng pagsisisi, nagpapatirapa ako sa harap ng Diyos, handang magpasakop sa Kanyang paghatol. Determinado akong hanapin ang katotohanan at maging bagong tao, isagawa ang mga salita ng Diyos, at isabuhay ang wangis ng tao.
4 Lumalakad ako sa daan tungo sa kaharian, masayang ipinapalaganap ang ebanghelyo at pinatototohanan ang Diyos. Ang landas tungo sa kaharian ay may pambihirang hirap at panganib, at bawat araw ay lalong tumitindi ang mga pag-aresto at pag-uusig ng Partido Komunista ng Tsina. Kung walang pananampalataya at tapang, hindi ako makagagalaw ni isang hakbang pasulong; ang mga salita ng Diyos ay nagpapalakas ng loob ko at nagbibigay sa akin ng lakas. Kasama ang Diyos para gabayan ako, sumusulong akong matatag ang mga hakbang, matapat na sumusunod sa Kanya hanggang sa katapusan.