112 Ang Tinig ng Puso ng Isang Nilalang

I

Madalas ay gusto kong humiyaw,

nguni’t parang walang tamang lugar.

Gusto kong kumanta nang malakas,

nguni’t walang matagpuang himig.

Ninanais kong ipahayag

pag-ibig ng isang nilalang.

Ako ay naghanap sa lahat ng dako,

nguni’t nabigo ako ng mga salita.


Makapangyarihang Diyos,

ang pag-ibig sa aking puso.

Ito ang tinig ng puso ng isang nilalang.


II

Ang tao’y mula sa alabok,

walang buhay, mula sa alabok.

Nilikha Mo ang tao, binigyan ng hininga,

hininga ng buhay, Iyong ibinigay.

Nakakalungkot na ginawa kaming tiwali ni Satanas,

nawalan ng katwiran at budhi.

Sa bawat henerasyon,

at maraming higit pa ang napabagsak na mula noon.


Makapangyarihang Diyos, ang pag-ibig sa aking puso.

Ito ang tinig ng puso ng isang nilalang.


III

Masigla ang kamay, puso’y lumulundag

upang purihin, Iyong pagparito.

Tiwali ako, pero niligtas Mo.

Ngayo’y nakikita maluwalhating mukha Mo.

Plano Mo’y susundin, kalooban ay gagawin,

sarili’y ‘di na pipiliin.

Mula alabok; mahalin Ka’y malaking pagpapala.

Pa’nong di yuyuko’t sasamba sa Iyo?


Tao’y nilikha Mo’t minamahal.

Muling naging tao para iligtas kami.

Natiis Mo na lahat ng uri ng kahihiyan,

natiis na pag-usig,

nalasap na tamis at pait ng buhay,

upang ang tao ay may magandang hantungan.

Pa’nong di Ka pasasalamatan nang walang humpay

para sa aming kaligtasan?


Makapangyarihang Diyos,

ang pag-ibig sa aking puso.

Ito ang tinig ng puso ng isang nilalang.


IV

Ngayon ako’y ligtas at habol ay buhay

dahil lamang sa Iyong biyaya’t pagtataas.

Ako’y natutuwa sa ‘Yong

salita’t tanggap paghatol Mo.

Nalaman ko Iyong katuwiran at kabanalan.

Tiniis lahat ng sakit at pag-uusig,

aking natanto, Ika’y kaibig-ibig.

Dahil gawain Mo’y pinagdadaanan ko,

ako ay nasa liwanag, nililinis.


Makapangyarihang Diyos,

ang pag-ibig sa aking puso.

Ito ang tinig ng puso ng isang nilalang.


V

Obligasyon ng nilalang, sambahin ang Diyos,

obligasyon ng nilalang, Ika’y sambahin.

Si Satanas aking kinamumuhian.

Dahil ako’y inaakit nito.

Mas gusto kong mahalin Ka sa Iyong paghatol,

mas gusto kong mahalin Ka

sa lahat ng pagkastigo Mo,

di na hinahangad luho ng laman,

di na namumuhay sa ilalim ni Satanas.


Makapangyarihang Diyos,

ang pag-ibig sa aking puso.

Ito ang tinig ng puso ng isang nilalang.

Sinundan: 111 Lumalakad Ako sa Daan Tungo sa Kaharian

Sumunod: 113 Pinahahalagahan ng Puso Ko ang Salita ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

IKung ang tanongay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.Ang Diyos ay ‘di mapapabayaano maiiwan sa likod ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito