110 Paglalakad sa Tamang Landas sa Buhay
1 Katotohanan ang lahat ng mga salita ng Diyos; mas binabasa ko ang mga ito, mas lalo akong naliliwanagan. Malinaw kong nakikita na ang pinagmumulan ng kasamaan at kadiliman ng mundo ay ang paghawak ni Satanas ng kapangyarihan. Walang ibang dinadala kundi pagdurusa ang pamumuhay sa ilalim ng dominyo ni Satanas at pag-aani sa kasiyahan ng kasalanan. Hinabol ko ang katanyagan at kapalaran, nagsumikap laban sa tadhana, at nagpakabusog sa mapait na lasa ng katiwalian. Nabubuhay para sa laman, sa mga pilosopiya ni Satanas, para akong isang hayop. Ang paglalantad at paghatol ng Diyos ang nagpakita sa akin kung gaano kalalim ang pagiging tiwali ng mga tao. Salamat sa Kaniyang paghatol at pagkastigo sa akin, isinasabuhay ko ang wangis ng tao. Sa pagsunod kay Cristo, naunawaan ko ang maraming katotohanan; biyaya ng Diyos ang lahat ng ito.
2 Sa pamamagitan ng mga pagsubok at paghihirap, nakita ko kung gaano karaming tiwaling disposisyon ang naibunyag sa akin. Nakita ko ang lahat batay sa aking imahinasyon at mga kuro-kuro, at inakalang mahusay ako. Mapagmataas at mapagmagaling ako, ginagawa ang anumang maibigan, at tumanggi akong sundin ang sinuman. Walang kamalay-malay kung paanong sinusuway at nilalabanan ko ang Diyos, ilang beses akong tinabas at iwinasto bago ako nagpasakop sa harap Niya at nakilala ang aking sarili. Sa gitna ng mga pagsubok at pagpipino, madalas akong nakaramdam ng pagiging negatibo at mahina, ngunit sa kaginhawaan at patnubay ng mga salita ng Diyos, gumawa ako ng isang matatag na kapasiyahan na hanapin ang katotohanan. Gaano man karami pa ang mga pagsubok na aking hinarap, hindi na ako magiging negatibo o aatras. Ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ang nagligtas sa akin, at sa kaibuturan, palagi ko Siyang papapurihan.