752 Ang Halaga ng Buhay ni Job
I
Nasa’n ang halaga ng patotoo sa buhay ni Job?
Sa tao, kinatawan ni Job ang sangkatauhan,
ang mga taong nais iligtas ng Diyos,
sa maugong na pagpapatotoo sa Kanya.
Nagpatotoo si Job sa Diyos
sa harap ni Satanas at ng mundo,
at tinupad ang tungkuling dapat tuparin.
Siya’y huwaran sa mga yaong
nais iligtas ng Diyos
na matatalo nila si Satanas
kung magtitiwala sa Kanya.
Ang isinabuhay ni Job sa buong buhay niya’t
kahanga-hangang tagumpay laban kay Satanas
ay itatangi ng Diyos magpakailanman.
Ang pagkadalisay ni Job, pagkamatuwid,
takot sa Diyos ay ipagpipitagan, tutularan
at pupurihin ng henerasyong darating, darating.
II
Sa Diyos, ang halaga ng buhay ni Job
ay nasa takot;
takot at pagsamba sa Diyos,
pagpapatotoo sa mga gawa Niya.
Pinuri ni Job ang mga gawa ng Diyos,
dala ay ginhawa.
Nagdala si Job ng galak sa Diyos
at lubos Siyang napalugod.
Sa Diyos, ang halaga ng buhay ni Job
bago siya mamatay
ay sa pagharap niya ng pagsubok
at pagtalo kay Satanas,
at sa maugong na patotoo sa Diyos
sa harap ni Satanas at mga tao ng mundo.
Niluwalhati niya’ng Diyos sa gitna ng tao.
Dala niya’y ginhawa sa puso ng Diyos.
Napagmasdan ng puso ng Diyos
yaong kalabasan
at pag-asa’y nag-alab sa puso Niya.
Ang isinabuhay ni Job sa buong buhay niya’t
kahanga-hangang tagumpay laban kay Satanas
ay itatangi ng Diyos magpakailanman.
Ang pagkadalisay ni Job, pagkamatuwid,
takot sa Diyos ay ipagpipitagan, tutularan
at pupurihin ng henerasyong darating.
III
Patotoo ni Job ay nagtakda ng pamarisan
para manindigan sa patotoo sa Diyos,
nang maipahiya si Satanas para sa Diyos
sa Kanyang pamamahala sa tao.
Ginhawa’ng dala ni Job sa puso ng Diyos,
at bigay niya’y patikim sa saya ng niluluwalhati.
Bigay niya’y mabuting simula
sa plano ng pamamahala ng Diyos,
at pangalan niya’y simbolo
ng kaluwalhatian ng Diyos,
isang tanda ng tagumpay
ng tao laban kay Satanas.
Ang isinabuhay ni Job sa buong buhay niya’t
kahanga-hangang tagumpay laban kay Satanas
ay itatangi ng Diyos magpakailanman.
Ang pagkadalisay ni Job, pagkamatuwid,
takot sa Diyos ay ipagpipitagan, tutularan
at pupurihin ng henerasyong darating, darating.
Si Job ay laging itatangi ng Diyos,
tulad ng walang-kapintasan
at makinang na perlas,
at sa tao’y dapat pahalagahan.
Ito ang halaga ng buhay ni Job.
Ito ang halaga ng buhay ni Job.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II