751 Ginugol ni Job ang Buong Buhay Niya sa Paghahangad na Makilala ang Diyos
1 Ang mayroon kay Job at lahat ng kanyang hinangad ay umiral nang hindi niya nakikita ang Diyos o naririnig Siyang magsalita. Bagaman hindi pa niya kailanman nakita ang Diyos, naintindihan niya kung paano pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng bagay, at naintindihan din niya ang karunungan na pinapairal ng Diyos. Kahit hindi niya kailanman narinig ang mga salita na sinabi ng Diyos, alam ni Job na ang mga gawa ng paggantimpala sa tao at pagbawi mula sa tao ay nanggagaling lahat sa Diyos. Bagama’t ang mga taon ng kanyang buhay ay hindi naiiba sa buhay ng mga pangkaraniwang tao, hindi niya hinayaan ang pagiging pangkaraniwan ng kanyang buhay na maapektuhan ang kanyang kaalaman sa dakilang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay, o maapektuhan ang kanyang pagsunod sa daan ng pagkakaroon ng takot sa Diyos at paglayo sa kasamaan.
2 Sa mga mata ni Job, ang mga batas ng lahat ng bagay ay puno ng mga gawa ng Diyos, at ang dakilang kapangyarihan ng Diyos ay maaaring makita sa anumang bahagi ng buhay ng isang tao. Hindi niya nakita ang Diyos, ngunit nagawa niyang maunawaan na ang mga gawa ng Diyos ay nasa lahat ng dako, at sa kanyang pangkaraniwang panahon sa lupa, sa bawat sulok ng kanyang buhay, nagawa niyang makita at maunawaan ang pambihira at kahanga-hangang mga gawa ng Diyos, at nagawa niyang makita ang nakamamanghang mga pagsasaayos ng Diyos. Ang pagkakatago at katahimikan ng Diyos ay hindi humadlang sa pagkaunawa ni Job sa mga gawa ng Diyos, at hindi rin nito naapektuhan ang kanyang kaalaman sa dakilang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay.
3 Ang buong buhay ni Job ang naging katuparan ng dakilang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, na nakatago sa gitna ng lahat ng bagay. Sa kanyang araw-araw na buhay narinig din niya at naintindihan ang tinig ng puso ng Diyos, at ang mga salita ng Diyos, na tahimik sa gitna ng lahat ng bagay, subalit nagpapahayag ng tinig ng Kanyang puso at ng Kanyang mga salita sa pamamagitan ng pamamahala sa mga kautusan sa lahat ng bagay. Kung gayon, nakikita mo na kung ang mga tao ay may pagkatao at paghahangad na katulad ng kay Job, maaari nilang makamit ang pagkaunawa at kaalaman na tulad ng kay Job, at maaari nilang makuha ang pagkaunawa at kaalaman tungkol sa dakilang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay, gaya ng nakuha ni Job.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II