518 Hindi Madaling Bagay ang Pag-unawa sa Katotohanan

1 Sa sandaling tunay nang naunawaan ng mga tao ang katotohanan, nahihiwatigan nila ang katayuan ng kanilang kabuuan bilang tao, nakikita ang kailaliman ng mga kumplikadong bagay, at nalalaman ang angkop na paraan ng pagsasagawa. Kung hindi mo nauunawaan ang katotohanan, hindi mo magagawang mahiwatigan ang katayuan ng iyong kabuuan bilang tao. Nanaisin mong maghimagsik laban sa iyong sarili nguni’t wala kang ideya kung paano gawin ito o kung ano ang ipinaghihimagsik mo. Nanaisin mong talikuran ang iyong sariling kalooban, nguni’t kung iniisip mo na naaayon sa katotohanan ang iyong sariling kalooban, paano mo matatalikuran iyon? Sa gayon, kapag hindi taglay ng mga tao ang katotohanan, malamang na isipin nila na anuman ang kalabasan ng kanilang sariling kagustuhan, ang kanilang mga karumihan bilang tao at mabubuting hangarin, ang kanilang litong pagmamahal at mga pagsasagawa bilang tao ay tama, at na ang mga ito ay naaayon sa katotohanan. Kung gayon ay paano ka makapaghihimagsik laban sa mga bagay na ito?

2 Kung hindi mo nauunawaan ang katotohanan o nalalaman ang kahulugan ng isagawa ang katotohanan, at kung nalalabuan ang iyong mga mata at wala kang ideya kung saan babaling at samakatuwid ay nagagawa mo lamang ang mga bagay-bagay batay sa kung ano ang inaakala mong tama, kung gayon makagagawa ka ng ilang pagkilos na wala sa lugar at mali. Ilan sa mga pagkilos na ito ay makakasunod sa mga panuntunan, ang ilan ay magmumula sa kasigasigan, at ang ilan ay nagmula kay Satanas at magsasanhi ng mga kaguluhan. Ang mga taong hindi nagtataglay ng katotohanan ay kumikilos nang ganito: kaunting pakaliwa, at saka kaunting pakanan; tama sa isang minuto, at saka lihis sa sumunod; ni wala man lang katumpakan. Mayroong kakatwang pananaw sa mga bagay-bagay ang mga hindi nagtataglay ng katotohanan. Kung gayon, paano nila mapapangasiwaan nang wasto ang mga bagay-bagay? Paano nila malulutas ang anumang mga problema?

3 Ang pag-unawa sa katotohanan ay hindi madaling gawin. Ang magawang unawain ang mga salita ng Diyos ay depende sa pag-unawa sa katotohanan, at ang katotohanang kayang unawain ng mga tao ay may mga limitasyon. Magiging limitado pa rin ang kanilang pagkaunawa sa mga salita ng Diyos kahit buong buhay na silang naniniwala sa Kanya. Kahit yaong mga medyo bihasa na, sa abot ng kakayahan, ay nakakarating kung saan nakakatigil sila sa paggawa ng mga bagay-bagay na malinaw na lumalaban sa Diyos, at nakakatigil sa paggawa ng mga bagay-bagay na malinaw na masasama. Imposibleng marating nila ang isang katayuan na walang kahalong sarili nilang kalooban. Gayunman, ang susi ay mahiwatigan ang mga bahagi ng sariling kalooban na taliwas sa mga salita ng Diyos, laban sa katotohanan, at laban sa kaliwanagan mula sa Banal na Espiritu. Samakatuwid ay kailangan mong pagsikapang alamin ang mga salita ng Diyos, at sa pag-unawa sa katotohanan ka lamang magkakaroon ng paghiwatig.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahanap sa Katotohanan Makakagawa ng Pagbabago sa Disposisyon ang Isang Tao

Sinundan: 517 Hanapin Mo ang Katotohanan sa Lahat ng Bagay Upang Makasulong Ka

Sumunod: 519 Anong Makakamit sa Katotohanan?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito