517 Hanapin Mo ang Katotohanan sa Lahat ng Bagay Upang Makasulong Ka
1 Kung isinasaayos ng Diyos ang ilang kapaligiran, tao, pangyayari at bagay para sa iyo, kung tinatabas at iwinawasto ka Niya at kung may natututuhan kang mga aral mula rito, kung natuto ka nang lumapit sa Diyos, natutong hanapin ang katotohanan, at, hindi mo alam, nililiwanagan at pinaliliwanag at nagtatamo ka ng katotohanan, kung nakaranas ka na ng pagbabago sa mga kapaligirang ito, nagantimpalaan, at sumulong, kung unti-unti ka nang nagkakaroon ng kaunting pagkaunawa sa kalooban ng Diyos at hindi ka na nagrereklamo, lahat ng ito ay mangangahulugan na nanindigan ka sa gitna ng mga pagsubok ng mga kapaligirang ito, at natiis mo ang pagsubok. Kung gayon, nalampasan mo na ang mahigpit na pagsubok na ito.
2 Yaong mga kayang tumagal sa pagsubok ay mayroong tapat na puso, kaya nilang tiisin ang ganitong uri ng pagdurusa at, sa kaibuturan ay mahal nila at gusto nila ang katotohanan. Kung mayroong ganitong uri ng pagtatasa sa iyo ang Diyos ay isa kang taong may tayog, isang taong may buhay. At paano makakamit ang ganitong buhay? Ito ay ipinagkakaloob ng Diyos. Ito ang Diyos na personal kang dinadalhan ng isang mangkok ng pagkain at inilalapit iyon sa iyong bibig upang pakainin ka, at sa sandaling makakain ka, mabubusog ka at tatatag. Ito ang ibig sabihin ng pagpapasakop sa lahat ng bagay na mula sa Diyos.
3 Ito ang uri ng pag-iisip at pag-uugaling dapat mong taglayin, at dapat mong matutuhang hanapin ang katotohanan. Hindi ka dapat laging naghahanap ng mga panlabas na sanhi o naninisi ng iba sa iyong mga suliranin; dapat kang magkaroon ng malinaw na pag-unawa sa kalooban ng Diyos. Mula sa labas, maaaring magkaroon ang ilang tao ng mga opinyon sa iyo o pagkiling laban sa iyo, ngunit hindi mo dapat tingnan ang mga bagay sa ganoong paraan. Kung titingnan mo ang mga bagay mula sa maling pananaw, ang tanging magagawa mo ay magdahilan, at wala kang makakamit na anuman. Dapat mong tingnan ang mga bagay nang walang pagkiling at patas; sa ganoong paraan, hahanapin mo ang katotohanan at mauunawaan ang hangarin ng Diyos. Sa sandaling maayos ang iyong pananaw at kalagayan ng pag-iisip, makakamtan mo ang katotohanan.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Para Matamo ang Katotohanan, Dapat Matuto ang Isang Tao mula sa mga Tao, Usapin, at Bagay sa Malapit