191 Iisa ang Pinagmulan ng Dalawang Pagkakatawang-tao ng Diyos
Ang ginawa ni Jesus ay bahagi lang
ng gawain ng Diyos sa katawang-tao,
tinubos Niya lang ang tao, ‘di lubos na nakamit.
I
Kaya nagkatawang-taong muli ang Diyos.
Ito’y ginagawa sa normal na katawang-tao.
Siya’y naging ganap nang tao,
na gumagawa ng gawain sa anyo ng tao.
Nakikita ng tao’ng isang ‘di nangingibabaw
ngunit kayang magsalita ng wika ng langit,
na ‘di gumagawa ng mga himala,
ni naglalantad ng katotohanan
ng relihiyon sa simbahan.
Gawain ng dalawang nagkatawang-taong laman
ay magkaiba man,
diwa’t pinagmulan ng gawain Nila’y pareho.
Sila’y may dalawang magkaibang yugto ng gawain
at lumilitaw sa magkaibang panahon.
Ano’t anuman,
mga nagkatawang-taong laman ng Diyos
ay iisa ang diwa’t pinagmulan.
Ito’y katotohanang walang makapagkakaila,
at walang makapagsasabing ito’y walang saysay.
II
Sa tatlong yugto ng gawain Niya,
pangal’wang beses
nang nagkatawang-tao’ng Diyos.
Kapwa’y nagsisimula ng bagong panahon,
pinupunan ang ginagawa ng isa’t isa.
Imposibleng masabi
ng mga mata’t isip ng tao na ang
dalawang katawang-tao’y pareho’ng pinagmulan.
Ngunit sa diwa Nila, Sila’y iisa,
dahil gawain Nila’y galing sa iisang Espiritu.
Gawain ng dalawang nagkatawang-taong laman
ay magkaiba man,
diwa’t pinagmulan ng gawain Nila’y pareho.
Sila’y may dalawang magkaibang yugto ng gawain
at lumilitaw sa magkaibang panahon.
Ano’t anuman,
mga nagkatawang-taong laman ng Diyos
ay iisa ang diwa’t pinagmulan.
Ito’y katotohanang walang makapagkakaila,
at walang makapagsasabing ito’y walang saysay.
III
Kung pinagmulan
ng dalawang katawang-tao’y iisa ay
‘di kayang husgahan ng panahon,
o lugar ng kapanganakan,
o ng iba pang dahilan,
kundi ng banal na gawaing ‘pinapahayag Nila.
Gawain ng dalawang nagkatawang-taong laman
ay magkaiba man,
diwa’t pinagmulan ng gawain Nila’y pareho.
Sila’y may dalawang magkaibang yugto ng gawain
at lumilitaw sa magkaibang panahon.
Ano’t anuman,
mga nagkatawang-taong laman ng Diyos
ay iisa ang diwa’t pinagmulan.
Ito’y katotohanang walang makapagkakaila,
at walang makapagsasabing ito’y walang saysay.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos