192 Ang Dalawang Pagkakatawang-tao ng Diyos ay Maaaring Parehong Kumatawan sa Kanya

I

Noon, nang dumating si Jesus, Siya’y lalaki.

Sa pagdating ng Diyos ngayon, Siya’y babae.

Kapwa’y ginawa para sa gawain Niya’t

walang pagkakaiba ng kasarian.

Dal’wang beses Siyang naging tao

nang gawa Niya’y makilala.

Kung ‘di Siya naging tao sa yugtong ‘to,

tao’y magpakailanman maniniwalang

Diyos ay lalaki lang, ‘di babae.


Bawat yugto ng gawain Niya’y

may praktikal na kahulugan.

‘Pag Siya’y nagiging tao, lalaki o babae’ng

maa’ring kumatawan sa Diyos,

kumatawan sa Diyos.


II

Sa panahong nilikha ni Jehova ang tao,

nilikha Niya ang kapwa lalaki’t babae.

Kaya nagiging kapwa lalaki’t babae Siya

‘pag Siya’y nagkakatawang-taong laman.

Ang dal’wang beses

na nagiging tao Siya’y batay sa

pag-iisip Niya nang unang nilikha Niya’ng tao.

Dal’wang beses Siyang

nagkatawang-taong anyo’y

lalaki at babae na hindi natiwali.


Bawat yugto ng gawain Niya’y

may praktikal na kahulugan.

‘Pag Siya’y nagiging tao, lalaki o babae’ng

maa’ring kumatawan sa Diyos,

kumatawan sa Diyos.


III

‘Di mo naunawaan noong nakaraan,

ngayon ba’y malalapastangan

mo pa rin ang gawain Niya,

lalo na’ng katawang-taong laman Niya?

Manahimik ka kung ‘to’y ‘di malinaw sa ‘yo,

kundi kahangalan mo’y mahahayag

at kapangitan mo’y malalantad.


Bawat yugto ng gawain Niya’y

may praktikal na kahulugan.

‘Pag Siya’y nagiging tao, lalaki o babae’ng

maa’ring kumatawan sa Diyos,

kumatawan sa Diyos.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawang Ganap ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao

Sinundan: 191 Iisa ang Pinagmulan ng Dalawang Pagkakatawang-tao ng Diyos

Sumunod: 193 Ang Ipinapakita ng Diyos sa Lahat ay ang Kanyang Matuwid na Disposisyon

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito