160 Ang Isang Magulong Landas ay Lalo Akong Ginagawang Desidido
1 Para sa mga nasa Tsina na sumusunod kay Cristo, ang daan ay magulo. Tumatakas ako mula sa isang lungsod papunta sa isa pa, hindi makahanap ng ligtas na lugar na matutuluyan. Nakikita ko ang mga liwanag sa hindi mabilang na bintana, nagniningning lahat sa init, ngunit hindi ako makabalik sa aking tahanan. Kinasusuklaman ko ang mga demonyo na ginagamit ang kanilang kapangyarihan upang tugisin si Cristo at na napakalupit sa kanilang pag-uusig sa mga Kristiyano, na pinupuwersa akong tumakas paroo’t parito. Bawat araw, sa bawat sandali, nasa panganib akong madakip, maitapon sa kulungan, at mapatay. Nasaan ang kalayaan? Nasaan ang pagiging matuwid? Nasaan ang mga karapatang pantao? Sa bawat kalyeng nilalakaran ko, hindi ako kailanman nangangahas na huminto o magsalita tungkol sa aking pananampalataya; pigil ang bawat hininga, sinasamahan ako ng pagkabalisa at takot sa bawat hakbang. Patuloy na nagbabantay ang lahat ng kamerang pangmatyag, lihim na nag-uusisa ang lahat ng hindi naka-unipormeng pulis, at wala akong ideya kung saan ako mapupunta sa bawat sandali. Pinapalipas ko ang aking mga araw sa lungga ng mga diyablo; bawat araw at gabi ay paghihirap at lalo ko pang inaasam ang agad na paglitaw ng matuwid na kaharian ni Cristo.
2 Nagtiis na ako ng napakaraming paghihirap ng kagipitan at mga pagsubok, ngunit nararamdaman ko pa ring mapalad ako na nagagawa kong sumunod kay Cristo at nauunawaan ang maraming katotohanan. Pagkatapos danasin ang paghatol ng mga salita ng Diyos, nakikita ko kung gaano kalalim ang aking pagiging tiwali; nauunawaan ko ang katotohanan ng paniniwala sa Diyos, naranasan na ang totoong pagsisisi at pagbabago, at ngayon kalmado at payapa na ako. Habang sumusunod kay Cristo, gumugol ako ng napakaraming taon na nagmamadali paroo’t parito, ngunit ipinagmamalaki kong nakamit ang katotohanan at buhay, at hindi kailanman magkakaroon ng anumang pagsisisi, kahit na ako’y madakip, makulong at gawing martir para sa Diyos. Pinakamalaki kong pagpapala ang maranasan ang paghatol ng Diyos, malinis, at tumuntong sa landas ng kaligtasan. Dahil wala akong alinlangan na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, mayroon akong tapang na magpatuloy sa pagsunod sa Kanya sa magulong landas na ito. Sa bawat oras na dumaranas ako ng kagipitan at pag-uusig, at sa bawat sandaling sinusubok ako o nasa panganib, lumalago ang aking buhay. Kahit na dumanas ako ng matinding paghihirap o kailanganing ibigay ang aking buhay, ipinapanata kong mananatili akong matapat sa Diyos hanggang sa huli at malakas at umaalingawngaw na magpapatotoo.