161 Ang Mga Salita sa Puso ng mga Kristiyano
1 Bakit napakahirap manalig sa Diyos at magpatotoo sa Diyos sa Tsina? Bakit napakalaki ng galit ng CCP sa Diyos at sa mga Kristiyano? Itinatakda ng Konstitusyon ang kalayaan sa paniniwalang panrelihiyon—bakit inuusig at hinuhuli ng CCP ang mga Kristiyano? Napakarami nang mga kapatid ang namanmanan at nasubaybayan ng mga pulis; napakarami nang nakulong at pinahirapan hanggang mamatay; napakarami nang napilitang umalis mula sa kanilang mga tahanan. Malinaw na ang pananampalataya sa Diyos ang tamang landas ng buhay, ngunit ito ay sinisiraan at minamasama; ang mga tagasunod ni Cristo na nagpapatotoo sa Diyos ay hinuhuli at inuusig. Kapag nag-uusap ang dalawa o tatlong tao tungkol sa kanilang pananalig sa Diyos, kinokondena sila sa pagsasagawa ng ilegal na pagpupulong. Kapag nagtitipon tayo upang magbasa ng mga salita ng Diyos, inaakusahan tayo na nanggugulo ng kaayusan ng publiko. Naglipana ang mga kamera sa bawat kalye at daanan, mayroong mga di-nakaunipormeng pulis at espiya kahit saan, at kung tayo ay hindi gaanong mag-iingat, tayong mga nananalig sa Diyos ay maaaring hulihin at ikulong. Kailan tayo makakapagpulong at makakapagbasa ng mga salita ng Diyos nang walang pag-aalala? Tumatangis ang puso ko. Tama at naaangkop na manalig sa Diyos, na sumunod at magpatotoo kay Cristo. Isa akong Kristiyano, at nag-aasam ako ng mundo na may kalayaan!
2 Walang humpay ang CCP sa pagkalaban nito sa Diyos at sinusubukang lipulin ang mga bahay iglesia. Sinisiraan nito ang mga Kristiyano sa pamamagitan ng internet at iba pang media; pinakikilos nito ang mga hukbo ng kapulisan sa isang masugid na pagtugis para sa mga Kristiyano, ikinakalat ang lambat nito nang malayo at malawak; hinihimok nito ang publiko na isuplong ang mga Kristiyano at bantayan tayo nang mabuti; walang tigil ito sa pag-usig kay Cristo, at sasaya lamang ito kapag napuksa na si Cristo; sinasalakay nito ang mga iglesia, at iniiwan ang mga Kristiyano na walang lugar na mapirmihan. Walang anumang di-makatwiran o ilegal sa pananalig natin sa Diyos at sa pagsunod natin kay Cristo; bakit inuusig ng CCP ang mga Kristiyano at pinagkakaitan tayo ng kalayaan sa buhay? Bakit nito nilalabanan at kinokondena ang pagpapahayag ni Cristo ng katotohanan upang iligtas ang sangkatauhan? Bakit nito pinipigilan ang mga tao na hanapin ang katotohanan, na sumunod kay Cristo at lumakad sa tamang landas ng buhay ng tao? Bakit nito pinagbabawalan ang pangangaral at pagpapatotoo sa pagdating ng Tagapagligtas sa kalagitnaan ng tao? Anong klaseng pambansang pamahalaan ito? Nasaan ang mga batas, ang katarungan? Nasaan ang mga karapatang pantao? Nasaan ang kalayaan? Ang Tsina ang yungib ng diyablo! Tama at naaangkop na manalig sa Diyos, na sumunod at magpatotoo kay Cristo. Isa akong Kristiyano, at karapatan kong mamili kung paano mabuhay!