391 Ang Unang Prayoridad ng Pananampalataya sa Diyos
Unawain ang ginagawa ng Diyos,
umayon sa Kanyang salita,
sa pagtindig sa Kanyang panig.
Pananaw mo’y magiging tama. Magiging tama.
Ⅰ
Lahat ng ginagawa mo’y dapat sukatin
ayon sa normal na kaugnayan sa Diyos.
Kung ang kaugnayan ay normal
ito’y gawin kung intensyon mo’y tama.
Para normal ang relasyon mo sa Diyos,
‘wag matakot na mawalan ka.
Unang prayoridad ng isang nananalig sa Kanya
relasyon sa Diyos, maging maganda.
Gawaing ito dapat ituring ng lahat,
na pinakamahalaga sa buhay nila.
Ⅱ
‘Di mo puwedeng si Satanas ay hayaang,
daigin ka’t ikaw ay pagtawanan.
Ang intensyong ‘yon ay tanda
na relasyon mo sa Diyos ay normal.
Hindi ‘to para sa laman kundi para espiritu’y mapayapa.
Ito’y para matamo ang gawain ng Banal na Espiritu
upang kalooban ng Diyos ay mabigyang-kasiyahan.
Ⅲ
Para makapasok sa tamang kalagayan,
patatagin mo ang kaugnayan mo sa Diyos.
Itama ang pananaw sa pananalig sa Kanya.
Iyo’y para ang Diyos ay matamo ka,
ihayag ang bunga sa ‘yo ng Kanyang salita.
Para ang Diyos, higit ka pang maliwanagan.
Sa gayo’y makakapasok ka sa tamang paraan.
Ⅳ
Palaging kumai’t uminom
ng mga umiiral na salita ng Diyos.
Pasukin ang kasalukuyang daan
ng gawain ng Banal na Espiritu.
Kumilos ayon sa ipinagagawa ng Diyos ngayon,
hindi ayon sa mga gawi at paraan noon.
Sa gayo’y magiging normal ang kaugnayan mo sa Diyos.
At tamang landas ng pananalig sa Diyos, iyong matatahak.
Unang prayoridad ng isang nananalig sa Kanya
relasyon sa Diyos, maging maganda.
Gawaing ito dapat ituring ng lahat,
na pinakamahalaga sa buhay nila.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kumusta ang Kaugnayan Mo sa Diyos?