392 Dapat Maniwala ang mga Tao sa Diyos nang May Pusong May Takot sa Diyos

I

Kung mga tao’y walang pusong mapitagan,

at walang pusong masunurin,

susuwayin nila’t aabalahin

ang gawain ng Diyos.

‘Di sila makagagawa para sa Diyos,

para sa Diyos.


Kung tunay kang naniniwala sa Diyos,

dalhin Siya lagi sa puso mo,

pusong mapagpitagan at mapagmahal sa Diyos.

Dapat maniwala sa Diyos

na may pusong takot sa Diyos.


II

Yaong naniniwala’y dapat maingat.

Ginagawa nila’y dapat makalulugod

sa kalooban Niya.

‘Di dapat matigas ang ulo,

ginagawa’ng anumang gusto.

‘Di iyan nababagay sa banal na kaangkupan,

banal na kaangkupan.


Kung tunay kang naniniwala sa Diyos,

dalhin Siya lagi sa puso mo,

pusong mapagpitagan at mapagmahal sa Diyos.

Dapat maniwala sa Diyos

na may pusong takot sa Diyos.


III

Kung tao’y naniniwala sa Diyos

ngunit ‘di Siya sinusunod o pinagpipitagan,

sa halip ay nilalabanan,

ito’ng pinakamalaking kahihiyan sa nananalig.

Sila’y ‘di dapat magwala,

‘winawagayway ang bandila ng Diyos

habang nagyayabang at nanggagantso.

Ito’ng pinakasuwail na uri ng pag-uugali.


Mga pamilya’y may sariling panuntunan,

at may mga batas rin ang mga bansa,

ngunit mas lalo na sa tahanan ng Diyos.

Mga panuntuna’y mas mahigpit

na may atas na sinusunod.


IV

Kahit tao’y malayang gawin ang gusto nila,

mga atas ng Diyos ay ‘di mababago.

Diyos ay ‘di nalalabag,

pumapatay Siya ng tao.

Tao’y ‘di ba talaga alam

ang lahat ng ito, lahat ng ito?


Kung tunay kang naniniwala sa Diyos,

dalhin Siya lagi sa puso mo,

pusong mapagpitagan

at mapagmahal sa Diyos.

Dapat maniwala sa Diyos

na may pusong takot sa Diyos.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan

Sinundan: 391 Ang Unang Prayoridad ng Pananampalataya sa Diyos

Sumunod: 393 Sundan ang Landas na Pinangungunahan ng Banal na Espiritu sa Iyong Pananampalataya

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito