280 Ikaw ang Aking Tunay na Buhay
I
Maputlang mukha’t magulong buhok,
ako’y malungkot at malumbay.
Kaharap Ka mang nakatayo’y malayo pa rin,
dahil tayo’y ‘di magkakilala.
Kumikinang ang dangal sa mabait Mong mukha.
Puso Mo’y maganda’t malambot.
‘Di kayang ilarawan ng mga salita
ang kawalang-hanggan Mo.
Kwento ng mga gawa Mo’y
‘di maipapakita ng mga bagay.
Sa malalamig na mga gabi,
init Mo’y Aking tinatamasa.
Muling nabuhay,
sinalubong ko na’ng bagong buhay;
buhay ko’y puno ng sigla,
buhay ko’y puno ng sigla.
II
Binigyan Mo na ako ng hininga ng buhay.
Mga salita Mo’y pinagyaman ako.
Puso ko’y puno ng taos-pusong pasasalamat.
Binago Mo ang buong pagkatao ko.
Mga salita Mo’y mahalaga sa akin.
Walang yamang makakapalit nito,
ni bundok o distansya, ‘di Ka kayang iwanan.
Ito’y lihim sa puso ko.
Sa mga taon ng ugnayan,
natagpuan ko’ng Iyong kahalagahan.
Natagpuan ko’ng Iyong kahalagahan.
Sa lahat ng makamundong bagay,
walang makakapantay.
Ikaw ang natatangi ng sangkatauhan.
Ikaw ang natatangi ng sangkatauhan.
Sa mga taon ng ugnayan,
natagpuan ko’ng Iyong kahalagahan.
Natagpuan ko’ng Iyong kahalagahan.
Sa lahat ng makamundong bagay,
walang makakapantay.
Ikaw ang natatangi ng sangkatauhan.
Ikaw ang natatangi ng sangkatauhan.