Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Mga Tupa ng Diyos ay Naririnig ang Tinig ng Diyos

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Kabanata 3 Dapat Mong Malaman ang Mga Katotohanan Tungkol sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos

5. Bakit Sinasabing ang Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan sa Pagkakilala sa Diyos?

(Piniling Talata ng Salita ng Diyos)

Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos

Ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto, na nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto. Hindi kabilang sa tatlong mga yugtong ito ang gawain ng paglikha ng mundo, kundi ang tatlong mga yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian. Ang gawain ng paglikha ng mundo ay ang gawain ng pagbubunga ng buong sangkatauhan. Hindi ito ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at walang kinalaman sa gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, sapagka’t noong ang mundo ay nilikha ang tao ay hindi pa natiwali ni Satanas, at sa gayon walang pangangailangan na isagawa ang gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan. Ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nag-umpisa lamang noong ang tao ay naging tiwali, at sa gayon ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nag-umpisa rin lamang noong ang sangkatauhan ay naging tiwali. Sa madaling salita, ang pamamahala ng Diyos sa tao ay nag-umpisa bilang resulta ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at hindi nagmula sa gawain ng paglikha sa mundo. Pagkatapos lamang na ang tao ay nagkaroon ng tiwaling disposisyon kaya ang gawain ng pamamahala ay dumating sa pag-iral, at sa gayon ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay sumasaklaw sa tatlong bahagi, sa halip na apat na mga yugto, o apat na kapanahunan. Ito lamang ang wastong paraan ng pagtukoy sa pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan. Kapag ang huling panahon ay malapit nang matapos, ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay darating na sa ganap na katapusan. Ang konklusyon ng gawain ng pamamahala ay nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa buong sangkatauhan ay ganap nang natapos, at narating na ng sangkatauhan ang katapusan ng kanyang paglalakbay. Kung wala ang gawain ng pagliligtas sa buong sangkatauhan, ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay hindi iiral, hindi rin magkakaroon ng tatlong mga yugto ng gawain. Tiyak na ito ay dahil sa kasamaan ng sangkatauhan, at dahil ang sangkatauhan ay nasa gayong madaliang pangangailangan ng kaligtasan, na winakasan ni Jehova ang paglikha ng mundo at sinimulan ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahong iyon pa lamang nag-umpisa ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan, na nangangahulugang sa panahong iyon lamang nag-umpisa ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang “pamamahala sa sangkatauhan” ay hindi nangangahulugang paggabay sa buhay ng sangkatauhan, bagong-likha, sa lupa (ibig sabihin, ang sangkatauhang hindi pa nagiging tiwali). Bagkus, ito ang pagliligtas ng isang sangkatauhan na natiwali ni Satanas, na ibig sabihin, ito ay ang pagpapabagong-anyo sa tiwaling sangkatauhang ito. Ito ang kahulugan ng pamamahala sa sangkatauhan. Hindi kabilang sa gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ang paglikha ng mundo, at sa gayon ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay hindi nagsasama sa gawain ng paglikha sa mundo, at kabilang lamang ang tatlong mga yugto ng gawain na hiwalay mula sa paglikha sa mundo. Upang maunawaan ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan, kailangang malaman ang kasaysayan ng tatlong mga yugto ng gawain—ito ang dapat malaman ng lahat upang maligtas. Bilang mga nilalang ng Diyos, dapat ninyong kilalanin na ang tao ay nilikha ng Diyos, at dapat kilalanin ang pinagmulan ng katiwalian ng tao, at, bukod doon, dapat kilalanin ang paraan ng pagliligtas sa sangkatauhan. Kung nalalaman lamang ninyo kung paano kumilos nang ayon sa doktrina upang makamtan ang pabor ng Diyos, nguni’t walang alam tungkol sa kung paano inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan, o sa pinanggalingan ng katiwalian ng sangkatauhan, kung gayon ito ang inyong kakulangan bilang isang nilalang ng Diyos. Hindi ka lamang dapat makuntento sa pagkaunawa sa mga katotohanang maaaring maisagawa, habang nananatiling mangmang tungkol sa mas malawak na sakop ng gawaing pamamahala ng Diyos—kung ito ang katayuan, ikaw ay masyadong dogmatiko. Ang tatlong mga yugto ng gawain ay ang napapaloob na kasaysayan ng pamamahala ng Diyos sa tao, ang pagdating ng ebanghelyo ng buong sansinukob, ang pinakamalaking hiwaga sa gitna ng buong sangkatauhan, at siya ring saligan ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Kung ikaw ay nakatuon lamang sa pag-unawa ng mga payak na katotohanan na may saysay sa iyong buhay, at walang alam tungkol dito, ang pinakamalaki sa lahat ng mga hiwaga at mga pangitain, kung gayon hindi ba ang iyong buhay ay tulad ng isang sirang produkto, walang silbi kundi ang matingnan lamang?

Kung ang tao ay tumutuon lamang sa pagsasagawa, at nakikita ang gawain ng Diyos at kaalaman ng tao bilang pangalawa lamang, kung gayon hindi ba ito tulad ng pagiging matipid sa maliit na gastusin at maluho sa malaking paggasta? Yaong dapat mong malaman, ay dapat mong alamin, at yaong dapat mong maisagawa, ay dapat mong isagawa. Sa gayong paraan ka lamang magiging taong nakakaalam kung paano habulin ang katotohanan. Pagdating ng araw na palalaganapin mo ang ebanghelyo, kung ang kaya mo lamang sabihin ay na ang Diyos ay isang dakila at matuwid na Diyos, na Siya ay ang kataas-taasang Diyos, isang Diyos na hindi kayang tumbasan ng sinumang dakilang tao, at Siya na walang sinuman ang mas nakatataas pa..., kung ang kaya mo lamang sabihin ay ang mga walang-saysay at mabababaw na salitang ito, at lubos na walang kakayanang sabihin ang mga salitang pinakamahalaga, at na may diwa, kung wala kang masabi tungkol sa pagkakilala sa Diyos, o sa gawain ng Diyos, at, bukod dito, walang kakayanang ipaliwanag ang katotohanan, o magbigay ng kung ano ang kakulangan sa tao, kung gayon ang isang tulad mo ay walang kakayanang gampanan ang kanilang tungkulin nang may kaayusan. Ang pagtataglay ng patotoo sa Diyos at ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ay hindi isang payak na bagay. Dapat ka munang masangkapan ng katotohanan, at ng mga pangitain na dapat maunawaan. Kapag ikaw ay malinaw tungkol sa mga pangitain at katotohanan ng iba’t ibang mga aspeto ng gawain ng Diyos, sa iyong puso ay dumarating ka sa pagkaalam sa gawain ng Diyos, at kahit na ano pa ang ginagawa ng Diyos—maging ito man ay matuwid na paghatol o pagpipino ng tao—taglay mo ang pinakadakilang pangitain bilang iyong pundasyon, at taglay ang tamang katotohanan na isasagawa, kung gayon kakayanin mong sundin ang Diyos hanggang sa katapus-katapusan. Dapat mong malaman na kahit ano ang gawain na Kanyang ginagawa, ang layunin ng gawain ng Diyos ay hindi nagbabago, ang puso ng Kanyang gawain ay hindi nagbabago, at ang Kanyang nais para sa tao ay hindi nagbabago. Kahit gaano kabagsik ang Kanyang mga salita, kahit gaano kasalungat ang kapaligiran, ang mga panuntunan ng Kanyang gawain ay hindi magbabago, at ang Kanyang pakay na pagliligtas sa tao ay hindi magbabago. Kung hindi ito ang pagbubunyag ng katapusan ng tao o ng hantungan ng tao, at hindi ang gawain ng huling yugto, o ang gawain ng pagdadala ng buong plano ng pamamahala ng Diyos sa katapusan, at kung ito’y sa panahong gumagawa Siya sa tao, kung gayon ang puso ng Kanyang gawain ay hindi magbabago: Ito ay laging magiging ang kaligtasan ng sangkatauhan. Ito ang nararapat na pundasyon ng inyong paniniwala sa Diyos. Ang layunin ng tatlong mga yugto ng gawain ay ang kaligtasan ng buong sangkatauhan—na nangangahulugang ang ganap na kaligtasan ng tao mula sa sakop ni Satanas. Bagaman ang bawa’t isa sa tatlong mga yugto ng gawain ay may ibang layunin at kabuluhan, ang bawa’t isa ay bahagi ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at ito ay naiibang gawain ng pagliligtas na isinasakatuparan ayon sa mga pangangailangan ng sangkatauhan. Sa sandaling alam mo na ang layunin ng tatlong mga yugto ng gawaing ito, kung gayon malalaman mo kung paano pahalagahan ang kabuluhan ng bawa’t yugto ng gawain, at malalaman mo kung paano kumilos sa paraang magbibigay-kasiyahan sa naisin ng Diyos. Kung mararating mo ang puntong ito, kung gayon ito, ang pinakadakila sa lahat ng mga pangitain, ang magiging saligan mo. Huwag mo lang dapat hanapin ang madadaling paraan ng pagsasagawa, o malalalim na katotohanan, ngunit dapat isama ang mga pangitain sa pagsasagawa, upang magkaroon kapwa ng mga katotohanang maaaring maisagawa, at kaalamang batay sa mga pangitain. Sa gayon ka lamang magiging isang taong lubos na naghahabol sa katotohanan.

Ang tatlong mga yugto ng gawain ay nasa puso ng buong pamamahala ng Diyos, at sa mga ito ay ipinahayag ang disposisyon ng Diyos at kung ano Siya. Yaong mga hindi nakaaalam tungkol sa tatlong mga yugto ng gawain ng Diyos ay walang kakayanang tantuin kung paano ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang disposisyon, hindi rin nila alam ang karunungan ng gawain ng Diyos, at nananatili silang mangmang tungkol sa maraming mga paraan ng Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan, at sa Kanyang kalooban para sa buong sangkatauhan. Ang tatlong mga yugto ng gawain ay ang lubos na pagpapahayag ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Yaong mga hindi nakaaalam ng tatlong mga yugto ng gawain ay magiging mangmang tungkol sa iba’t ibang mga paraan at prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu; yaong mga mahigpit na kumakapit lamang sa doktrina na naiiwan mula sa isang yugto ng gawain ay mga taong nililimitahan ang Diyos sa doktrina, at ang kanilang paniniwala sa Diyos ay malabo at alanganin. Ang mga taong ganoon ay hindi kailanman makatatanggap ng kaligtasan ng Diyos. Ang tatlong mga yugto ng gawain ng Diyos lamang ang lubos na makapaghahayag ng kabuuan ng disposisyon ng Diyos, at ganap na makapaghahayag ng hangarin ng Diyos na pagliligtas ng buong sangkatauhan, at ng buong proseso ng pagliligtas ng sangkatauhan. Ito ang katunayan na natalo na Niya si Satanas at nakamit ang sangkatauhan, ito ay katunayan ng tagumpay ng Diyos, at ang pagpapahayag ng kabuuang disposisyon ng Diyos. Yaong mga nakakaunawa ng isang yugto lamang sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay bahagi lamang ang alam tungkol sa disposisyon ng Diyos. Sa pagkaintindi ng tao, madali para sa nag-iisang yugto ng gawaing ito na maging doktrina, marahil ang tao ay magtatakda ng mga alintuntunin tungkol sa Diyos, at ginagamit ng tao itong nag-iisang bahagi ng disposisyon ng Diyos bilang isang pagkatawan sa buong disposisyon ng Diyos. Higit pa riyan, malaking bahagi ng imahinasyon ng tao ang kahalo sa loob, sa gayon ay mahigpit niyang pinipigilan ang disposisyon, pag-iral, at karunungan ng Diyos, gayundin ang mga prinsipyo ng gawain ng Diyos, sa loob ng limitadong mga hangganan, naniniwala na kung ang Diyos ay naging ganito minsan, kung gayon Siya ay mananatiling ganito habang panahon, at hinding-hindi kailanman magbabago. Yaong mga nakakaalam lamang at nagpapahalaga sa tatlong mga yugto ng gawain ang may kakayanang lubos at tiyak na kilalanin ang Diyos. Gayunpaman, hindi nila bibigyang-kahulugan ang Diyos bilang ang Diyos ng mga Israelita, o mga Hudyo, at hindi Siya makikita bilang isang Diyos na walang-hanggang nakapako sa krus para sa kapakanan ng tao. Kung nakikilala mo lamang ang Diyos mula sa isang yugto ng Kanyang gawain, kung gayon ang iyong pagkakilala ay masyadong, masyadong kaunti. Ang iyong pagkakilala ay isang patak lamang sa dagat. Kung hindi, bakit marami sa mga relihiyosong konserbatibong ayaw sa pagbabago ang nagpako sa Diyos nang buhay sa krus? Hindi ba dahil ikinukulong ng tao ang Diyos sa loob ng tiyak na mga parametro? Hindi ba maraming mga tao ang sumasalungat sa Diyos at hinahadlangan ang gawain ng Banal na Espiritu dahil hindi nila alam ang iba’t-iba at malawak na gawain ng Diyos, at, higit pa, dahil sila ay nagtataglay ng napakaliit na kaalaman at doktrina na ginagamit bilang panukat sa gawain ng Banal na Espiritu? Kahit na ang mga karanasan ng mga taong iyon ay mababaw, sila ay mayabang at likas na abusado, at hinahamak nila ang gawain ng Banal na Espiritu, hindi pinapansin ang mga disiplina ng Banal na Espiritu, at, bukod dito, ginagamit nila ang kanilang mga walang halagang lumang argumento upang pagtibayin ang gawain ng Banal na Espiritu. Sila rin ay nagkukunwari, at lubos na naniniwala sa kanilang sariling natutunan at kaalaman, at sila ay nakakapaglakbay sa ibang dako ng mundo. Ang ganoong mga tao ba ay hindi yaong mga kinasuklaman at tinanggihan ng Banal na Espiritu, at hindi ba sila ang mga aalisin ng bagong kapanahunan? Hindi ba silang mga taong lumalapit sa Diyos at lantarang sinasalungat Siya ay mga hamak na taong makitid ang pananaw, na nagpapakita lamang kung gaano sila katalino? Sa kanilang kaunting kaalaman sa Biblia, sinusubukan nilang sakupin ang mga “academia” sa mundo, may angking mababaw na doktrina na ituturo sa mga tao, sinusubukan nilang baligtarin ang gawain ng Banal na Espiritu, at sinusubukan nilang paikutin ito sa kanilang mga pansariling proseso ng pag-iisip, at bilang sila ay maigsi ang pananaw, sinusubukan nilang makita sa isang tingin ang 6,000 taong gawain ng Diyos. Mayroon bang katuwirang magsalita ang mga taong ito? Sa katunayan, mas malawak ang pagkakilala ng mga tao sa Diyos, mas mabagal nilang huhusgahan ang Kanyang gawain. Bukod dito, kaunti lamang ang kanilang sinasabi tungkol sa kaalaman nila sa gawain ng Diyos ngayon, nguni’t hindi sila padalus-dalos sa kanilang mga paghatol. Kapag mas kaunti ang pagkakilala ng tao sa Diyos, mas mayabang sila at may labis-labis na pagtitiwala sa sarili, at mas lalo nilang walang-pakundangang inihahayag ang kabuuan ng Diyos—nguni’t ang kanila lamang sinasalita ay teorya, at walang tunay na katibayang ipinakikita. Sila ang mga taong walang halagang anuman. Silang nagtuturing sa gawain ng Banal na Espiritu bilang isang laro ay di-seryoso! Silang mga hindi maingat kapag kanilang nakakatagpo ang bagong gawain ng Banal na Espiritu, mabibilis ang mga bibig na magsalita, ay mabibilis humusga, na malayang hinahayaan ang kanilang likas na pakiramdam na tanggihan ang pagkamatuwid ng gawain ng Banal na Espiritu, at iniinsulto rin at nilalapastangan ito—ang mga ganoong napakawalang-galang na tao ba ay hindi mangmang sa gawain ng Banal na Espiritu? Hindi ba sila, bukod dito, ang mga mayayabang, likas na mapagmataas at hindi nagpapasakop? Kahit na dumating ang araw na ang ganoong uri ng mga tao ay tumanggap sa bagong gawain ng Banal na Espiritu, hindi pa rin sila palalampasin ng Diyos. Hindi lamang nila hinahamak ang mga taong gumagawa para sa Diyos, nilalapastangan din nila ang Diyos Mismo. Ang ganoong mga mapangahas na hangal na mga tao ay hindi patatawarin, maging sa kapanahunang ito o sa darating mang kapanahunan at sila ay walang-hanggang mamamatay sa impiyerno! Ang ganoong napakawalang-galang at maluhong mga tao ay nagpapanggap na naniniwala sa Diyos, at habang mas lalo nilang ginagawa ito, maaaring mas lalo nilang malalabag ang mga kautusan ng Diyos sa pangangasiwa. Hindi ba lahat yaong mga mayayabang na likas na pakawala, at hindi pa kailanman sumunod sa kahit kanino, ay lalakad lahat sa landas na ito? Hindi ba nila sinasalungat ang Diyos sa bawa’t araw, Siya na laging bago at hindi kailanman luma? Ngayon, dapat ninyong maunawaan ang kahalagahan ng kung bakit kailangan ninyong malaman ang tatlong mga yugto ng gawain ng Diyos. Ang mga salitang Aking sinasabi ay may pakinabang sa inyo, at hindi lamang mga walang-saysay na pagsasalita. Kung mamadaliin ninyo ang mga bagay-bagay, hindi ba ang lahat ng Aking pinaghirapan ay mapupunta sa wala? Ang bawa’t isa sa inyo ay dapat alamin ang inyong sariling kalikasan. Karamihan sa inyo ay mahusay sa pakikipagtalo, ang mga sagot sa mga katanungang teorya ay lumalabas sa inyong dila, nguni’t wala kayong masabi tungkol sa mga katanungang may kabuluhan. Kahit ngayon, sumasali pa rin kayo sa mga walang-saysay na usapan, walang kakayanang baguhin ang inyong lumang kalikasan, at karamihan sa inyo ay walang hangaring baguhin ang paraan ng paghahabol upang makamit ang mas mataas na katotohanan, ipinamumuhay lamang ang inyong mga buhay nang hindi taos sa kalooban. Paano makakaya ng mga taong iyon na sumunod sa Diyos hanggang sa katapus-katapusan? Kahit na marating ninyo ang katapusan ng landas, anong pakinabang ang makukuha ninyo? Mas mabuting baguhin ninyo ang inyong mga kaisipan bago mahuli ang lahat, alinman sa tunay na naghahabol, o dili kaya ay maagang sumusuko. Habang lumilipas ang panahon kayo ay magiging dapo kung saan-saan—kayo ba ay papayag na gampanan ang ganitong kababa at hamak na papel?

Ang tatlong mga yugto ng gawain ay isang talâ ng buong gawain ng Diyos, ang mga ito ay talâ ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, at hindi kathang-isip ang mga ito. Kung tunay na nagnanais kayong maghanap ng kaalaman sa kabuuang disposisyon ng Diyos, kung gayon ay dapat ninyong alamin ang tatlong mga yugto ng gawain na isinasakatuparan ng Diyos, at bukod dito, wala kayong dapat tanggaling yugto. Ito ang pinakamaliit na dapat makamit ng mga nagnanais na makilala ang Diyos. Ang tao mismo ay walang kakayanang magbunga ng totoong pagkakilala sa Diyos. Ito ay hindi isang bagay na kayang wariin ng tao mismo, hindi rin ito ang bunga ng natatanging pabor ng Banal na Espiritu para sa isang tao. Bagkus, ito ay pagkakilala na dumarating matapos maranasan ng tao ang gawa ng Diyos, at ito ay isang pagkakilala sa Diyos na dumarating lamang matapos maranasan ng tao ang mga katotohanan ng gawain ng Diyos. Ang ganoong pagkakilala ay hindi makakamit nang biglaan, hindi rin ito isang bagay na maituturo. Ito ay lubos na may kaugnayan sa personal na karanasan. Ang pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan ay nasa kaibuturan nitong tatlong mga yugto ng gawain, ngunit sa loob ng gawain ng pagliligtas ay kasama ang maraming mga paraan ng paggawa at paraan kung paano ang disposisyon ng Diyos ay inihahayag. Ito ang pinakamahirap na tukuyin ng tao, at ito ay mahirap maunawaan ng tao. Ang pagkakahiwa-hiwalay ng mga kapanahunan, mga pagbabago sa gawain ng Diyos, mga pagbabago sa kinaroroonan ng gawain, mga pagbabago sa mga tagatanggap nitong gawain, at iba pa—lahat ng mga ito ay kasama sa tatlong mga yugto ng gawain. Sa partikular, ang pagkakaiba ng paraan ng paggawa ng Banal na Espiritu, gayundin ang mga pagbabago sa disposisyon ng Diyos, anyo, pangalan, pagkakakilanlan, o ang iba pang mga pagbabago, ay bahagi lahat ng tatlong mga yugto ng gawain. Ang isang yugto ng gawain ay maaari lamang kumatawan sa isang bahagi, at ito ay limitado sa loob ng isang tiyak na saklaw. Wala itong kaugnayan sa pagkakahiwa-hiwalay ng mga kapanahunan, o mga pagbabago sa gawain ng Diyos, lalong wala sa ibang mga aspeto. Ito ay malinaw na nakikitang katotohanan. Ang tatlong mga yugto ng gawain ay ang kabuuan ng gawain ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan. Dapat malaman ng tao ang gawain ng Diyos at disposisyon ng Diyos sa gawain ng pagliligtas, at kung wala ang katotohanang ito, ang iyong pagkakilala sa Diyos ay mga hungkag na salita lamang, hindi higit sa isang nakalikmuang pananalitang pagtataas-sa-sarili. Ang ganoong pagkakilala ay hindi makahihikayat ni makalulupig sa tao, ang ganoong pagkakilala ay lihis sa katunayan, at hindi ang katotohanan. Maaaring ito ay napakarami, at kaaya-ayang pakinggan, nguni’t kung ito ay salungat sa likas na disposisyon ng Diyos, kung gayon hindi ka patatawarin ng Diyos. Hindi lamang Niya hindi pupurihin ang iyong pagkakilala, kundi Siya ay gaganti rin sa iyo sa pagiging isang makasalanan na lumapastangan sa Kanya. Ang mga salita ng pagkakilala sa Diyos ay hindi binibigkas nang gayon-gayon lamang. Kahit na ikaw ay matabil at makatang magsalita, at ang iyong mga salita ay kayang bumuhay ng mga patay, at kayang pumatay ng mga buhay, ikaw pa rin ay walang kalaliman pagdating sa pagsasalita tungkol sa pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos ay hindi isa na mahuhusgahan mo nang padalus-dalos, o purihin nang may kababawan, o basta-basta maliitin. Pinupuri mo ang kahit sino at ang lahat, datapwa’t nahihirapan kang hanapin ang tamang mga salita upang ilarawan ang dakilang pagkamatuwid at kagandahang-loob ng Diyos—at ito ang natutunan ng bawa’t talunan. Kahit na marami ang mga dalubhasa sa wika na may kakayanang ilarawan ang Diyos, ang kawastuhan ng kanilang paglalarawan ay ikasandaang bahagi lamang ng katotohanang binibigkas ng mga taong pag-aari ng Diyos at may limitadong bokabularyo lamang, datapwa’t nagtataglay ng mayamang karanasan. Sa gayon, makikita na ang pagkakilala sa Diyos ay nakabatay sa kawastuhan at katunayan, at hindi sa listong paggamit ng mga salita o mayamang bokabularyo. Ang kaalaman ng tao at ang pagkakilala sa Diyos ay ganap na walang kaugnayan. Ang aral sa pagkilala sa Diyos ay mas mataas kaysa alinman sa mga likas na agham ng sangkatauhan. Ito ay isang aral na makakamtan lamang ng napakaliit na bilang niyaong nagnanais na makilala ang Diyos, at hindi makakamtan ng kahit na sinong taong may talento lamang. Kaya’t hindi ninyo dapat itinuturing ang pagkilala sa Diyos at ang paghahabol sa katotohanan na para bang kayang makamtan ng isang bata lamang. Marahil ikaw ay lubos na naging matagumpay sa iyong buhay pampamilya, o sa iyong hanapbuhay, o sa iyong pag-aasawa, nguni’t pagdating sa katotohanan, at sa aral ng pagkilala sa Diyos, wala kang maipakitang iyo, wala kang narating. Ang pagsasagawa ng katotohanan, masasabing, napakahirap nito para sa inyo, at ang pagkilala sa Diyos ay ang mas malaki pang suliranin. Ito ang inyong paghihirap, at ito rin ay ang paghihirap na kinakaharap ng buong sangkatauhan. Sa kanilang nagkaroon ng ilang mga katagumpayan sa adhikain ng pagkilala sa Diyos, halos walang umabot sa pamantayan. Hindi alam ng tao kung ano ang kahulugan ng pagkakilala sa Diyos, o kung bakit kailangang makilala ang Diyos, o kung anong hangganan ang maituturing na pagkilala sa Diyos. Ito ang nakapagpapalito sa sangkatauhan, at ito lamang ang pinakamalaking palaisipan na hinarap ng sangkatauhan—at wala kahit isang may kakayahang sumagot sa tanong na ito, o may sinumang pumapayag na sagutin ang tanong na ito, dahil, hanggang sa araw na ito, walang sinuman sa sangkatauhan ang nagkaroon ng anumang katagumpayan sa pag-aaral ng gawaing ito. Marahil, noong ang palaisipan ng tatlong mga yugto ng gawain ay ipinakilala sa sangkatauhan, magpapakita nang sunod-sunod ang isang pangkat ng mga talentong nakakakilala sa Diyos. Mangyari pa, inaasahan Ko na ganito ang kaso, at, bukod pa riyan, Ako ay nasa proseso ng pagsasakatuparan ng gawaing ito, at umaasang makita ang paglitaw ng marami pang ganoong mga talento sa nalalapit na panahon. Sila ay magiging yaong mga tagapagdala ng patotoo sa katunayan nitong tatlong mga yugto ng gawain, at, mangyari pa, ang mauunang magdadala ng patotoo dito sa tatlong mga yugto ng gawain. Kung walang ganoong mga talento, sa araw na dumating na sa katapusan ang gawain ng Diyos, o mayroon lamang isa o dalawa, at natánggáp nila nang personal ang pagiging ginawang perpekto ng Diyos na nagkatawang-tao, kung gayon wala nang mas nakakapagpadalamhati at nakapanghihinayang kaysa rito—kahit na ito lamang ang pinakamasamang maiisip na sitwasyon. Kung ano man ang kaso, umaasa pa rin Ako na silang tunay na nagnanais ay makakatamo ng pagpapalang ito. Simula noong unang panahon, hindi pa nagkaroon ng gawaing tulad nito, ang ganoong pagsasagawa ay hindi pa nangyari kahit kailan sa kasaysayan ng pagsulong ng tao. Kung tunay na maaari kayong maging isa sa mga naunang nakakilala sa Diyos, hindi ba ito ang pinakamataas na parangal sa gitna ng lahat ng mga nilalang? Mayroon bang sinumang nilalang na kabilang sa sangkatauhan ang mas pupurihin ng Diyos? Ang ganoong uri ng gawain ay hindi madaling matamo, nguni’t sa huli ay aani pa rin ng mga gantimpala. Kahit ano pa ang kanilang kasarian o lahi, lahat ng may kakayanang makamtan ang pagkakilala sa Diyos ay, sa katapusan, tatanggap ng pinakamalaking parangal ng Diyos, at tanging sila lamang ang magtataglay ng awtoridad ng Diyos. Ito ang gawain ngayon, at ito rin ang gawain ng hinaharap; ito ang huli, at pinakamataas na gawain na maisasagawa sa 6,000 taong gawain, at ito ay isang paraan ng paggawa na nagbubunyag ng bawa’t kategorya ng tao. Sa pamamagitan ng gawain ng pagsasanhi sa tao na makilala ang Diyos, ang mga iba’t-ibang katayuan ng tao ay ibinubunyag: Silang mga nakakakilala sa Diyos ay may kakayahang makatanggap ng mga pagpapala ng Diyos at tanggapin ang Kanyang mga pangako, samantalang silang hindi nakakakilala sa Diyos ay walang kakayahang tumanggap ng mga pagpapala ng Diyos at tanggapin ang Kanyang mga pangako. Silang mga nakakakilala sa Diyos ay ang mga kaniig ng Diyos, at silang hindi nakakakilala sa Diyos ay di-maaaring tawaging mga kaniig ng Diyos; ang mga kaniig ng Diyos ay maaaring tumanggap ng kahit na anong pagpapala sa Diyos, nguni’t silang mga hindi Niya kaniig ay hindi karapatdapat sa kahit alin sa Kanyang gawain. Maging ito man ay mga kapighatian, pagpipino, o paghatol, ang lahat ay para mapayagan ang tao na makamtan sa bandang huli ang pagkakilala sa Diyos at sa gayon upang ang tao ay magpailalim sa Diyos. Ito lamang ang bunga na makakamtan sa huli. Wala sa tatlong mga yugto ng gawain ang nakatago, at ito ay mainam sa pagkakilala ng tao sa Diyos, at tinutulungan ang tao na makamtan ang mas ganap at lubos na pagkakilala sa Diyos. Lahat ng gawaing ito ay kapakipakinabang sa tao.

Ang gawain ng Diyos Mismo ay ang pangitain na dapat malaman ng tao, sapagka’t ang gawain ng Diyos ay hindi matatamo ng tao, at hindi tinataglay ng tao. Ang tatlong mga yugto ng gawain ay ang kabuuan ng pamamahala ng Diyos, at walang mas dakilang pangitain ang dapat pang malaman ng tao. Kung hindi alam ng tao ang makapangyarihang pangitaing ito, kung gayon hindi madali na makilala ang Diyos, at hindi madaling maintindihan ang nais ng Diyos, at, bukod dito, ang landas na nilalakaran ng tao ay nagiging pahirap nang pahirap. Kung walang mga pangitain, ang tao ay hindi kakayaning makarating sa ganito kalayo. Ang mga pangitain ang nag-ingat sa tao hanggang ngayon, at nagbigay ng pinakamalaking pag-iingat sa tao. Sa hinaharap, ang inyong pagkakilala ay dapat lumalim, at dapat ninyong malaman ang kabuuan ng Kanyang kalooban at ang sangkap ng Kanyang matalinong gawain sa tatlong mga yugto ng gawain. Ito lamang ang inyong tunay na tayog. Ang huling yugto ng gawain ay hindi tumatayong mag-isa, bagkus ito ay bahagi ng kabuuan na hinulma kasama ng dalawang naunang mga yugto, ibig sabihin nito ay imposibleng maganap ang kabuuang gawain ng pagliligtas sa pamamagitan lamang ng paggawa ng isa sa tatlong mga yugto ng gawain. Kahit na ang huling yugto ng gawain ay kayang lubos na iligtas ang tao, hindi ibig sabihin na kailangang ipatupad lamang itong nag-iisang yugto nang mag-isa, at na ang dalawang naunang mga yugto ng gawain ay hindi kinakailangan para iligtas ang tao mula sa impluwensya ni Satanas. Walang nag-iisang yugto sa tatlong mga yugto ang maaaring itaas bilang ang tanging pangitain na dapat malaman ng buong sangkatauhan, sapagka’t ang kabuuan ng gawain ng pagliligtas ay ang tatlong mga yugto ng gawain, hindi ang isang yugtong kabilang sa kanila. Habang ang gawain ng pagliligtas ay hindi pa natatapos, ang pamamahala ng Diyos ay hindi makakarating sa ganap na katapusan. Ang kabuuan, disposisyon, at karunungan ng Diyos ay inihahayag sa buong gawain ng pagliligtas, hindi ibinunyag sa tao sa pinakasimula, nguni’t unti-unting nahahayag sa gawain ng pagliligtas. Ang bawa’t yugto ng gawain ng pagliligtas ay naghahayag ng bahagi ng disposisyon ng Diyos, at bahagi ng Kanyang kabuuan; hindi lahat ng yugto ng gawain ay maaaring tuwiran at ganap na maghayag ng kabuuan ng pagiging-Diyos. Dahil dito, ang gawain ng pagliligtas ay maaari lamang matupad nang lubusan kapag ang tatlong mga yugto ng gawain ay naganap na, at sa gayon ang kaalaman ng tao tungkol sa kabuuan ng Diyos ay di-maihihiwalay mula sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos. Ang natatamo ng tao mula sa isang yugto ng gawain ay tanging ang disposisyon ng Diyos na inihayag sa iisang bahagi ng Kanyang gawain. Hindi nito makakatawan ang disposisyon at kabuuan na inihayag sa mga yugto bago o pagkatapos nito. Iyan ay dahil sa ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay hindi matatapos agad sa isang panahon, o sa isang lugar, kundi unti-unting nagiging mas malalim ayon sa antas ng pagsulong ng tao sa iba’t-ibang panahon at mga lugar. Ito ay gawain na isinasakatuparan sa mga yugto, at hindi natatapos sa iisang yugto. Sa gayon, ang buong karunungan ng Diyos ay pinagbubuu-buo sa tatlong mga yugto, sa halip na sa isang indibiduwal na yugto. Ang Kanyang kabuuan at buong karunungan ay inilatag sa tatlong mga yugtong ito, at ang bawa’t yugto ay naglalaman ng kabuuan Niya, at ito ay talâ ng karunungan ng Kanyang gawain. Dapat malaman ng tao ang buong disposisyon ng Diyos na inihayag sa tatlong mga yugtong ito. Lahat nitong tungkol sa kabuuan ng Diyos ay ang sukdulang pinakamahalaga sa buong sangkatauhan, at kung ang mga tao ay wala nitong kaalamang ito kapag sumasamba sila sa Diyos, kung gayon sila ay walang pagkakaiba sa mga sumasamba kay Buddha. Ang gawain ng Diyos sa gitna ng tao ay hindi itinatago sa tao, at dapat malaman ng lahat niyaong mga sumasamba sa Diyos. Dahil tinupad ng Diyos ang tatlong mga yugto ng gawain ng pagliligtas sa gitna ng tao, dapat malaman ng tao ang kahayagan ng kung ano ang mayroon Siya at kung ano Siya sa panahon ng tatlong mga yugtong ito ng gawain. Ito ang dapat na gawin ng tao. Ang itinatago ng Diyos sa tao ay yaong hindi kayang makamtan ng tao, at yaong mga bagay na hindi dapat malaman ng tao, samantalang yaong mga ipinakikita ng Diyos sa tao ay yaong mga dapat malaman ng tao, at yaong mga dapat taglayin ng tao. Ang bawa’t isa sa tatlong mga yugto ng gawain ay isinasakatuparan salig sa naunang yugto; hindi ito isinasakatuparan nang paisa-isa, na hiwalay sa gawain ng pagliligtas. Kahit na mayroong mga malalaking pagkakaiba sa kapanahunan at uri ng gawain na isinasakatuparan, sa ubod nito ay ang kaligtasan pa rin ng sangkatauhan, at ang bawa’t yugto ng gawain ng pagliligtas ay mas malalim kaysa nauna. Ang bawa’t yugto ng gawain ay nagpapatuloy mula sa saligan ng huling sinundan, na hindi binuwag. Sa ganitong paraan, sa Kanyang gawain na laging bago at hindi naluluma, ang Diyos ay laging nagpapahayag ng aspeto ng Kanyang disposisyon na hindi kahit kailan naihahayag sa tao, at laging ibinubunyag sa tao ang Kanyang bagong gawain, at ang Kanyang bagong kabuuan, at kahit na ang mga relihiyosong konserbatibo ay gawin ang sukdulan para labanan ito, at hayag na sinasalungat ito, ang Diyos ay laging gumagawa ng bagong gawain na hinahangad Niyang gawin. Ang Kanyang gawain ay laging nagbabago, at dahil dito, ito ay laging sinasalubong ng pagsalungat ng tao. Gayon din, ang Kanyang disposisyon ay laging nagbabago, tulad ng kapanahunan at mga tagatanggap ng Kanyang gawain. Bukod dito, Siya ay laging gumagawa ng gawain na hindi pa kailanman nagawa noong una, at nagsasakatuparan din ng gawain na sa tao ay tila sumasalungat sa gawain na natapos na dati, upang salungatin ito. Ang kaya lamang ng tao ay tumanggap ng isang uri ng gawain, o isang uri ng pagsasagawa. Mahirap para sa tao ang tumanggap ng gawain, o mga paraan ng pagsasagawa, na laban sa kanila, o mas mataas sa kanila—nguni’t ang Banal na Espiritu ay laging gumagawa ng bagong gawain, at sa gayon ay lumilitaw ang pangkat-pangkat ng mga dalubhasa sa relihiyon na kumokontra sa bagong gawain ng Diyos. Ang mga taong ito ay naging “mga dalubhasa” tiyakang dahil ang tao ay walang kaalaman tungkol sa kung paano ang Diyos ay laging bago at hindi kailanman naluluma, at walang kaalaman tungkol sa mga prinsipyo ng gawain ng Diyos, at, higit pa rito, walang kaalaman sa maraming mga paraan kung paano inililigtas ng Diyos ang tao. Dahil dito, hindi lubos na masabi ng tao kung ito ay gawain na galing sa Banal na Espiritu, at kung ito ay gawain ng Diyos Mismo. Maraming tao ang nakakapit sa pag-uugali na, kung ito ay umaayon sa mga naunang salita, kung gayon tinatanggap nila ito, at kung mayroong mga pagkakaiba sa mga naunang gawain, kung gayon sinasalungat at tinatanggihan nila ito. Ngayon, hindi ba kayong lahat ay sumusunod sa mga prinsipyong ito? Ang tatlong mga yugto ng gawain ng pagliligtas ay hindi nagkaroon ng malaking epekto sa inyo, at mayroon yaong mga naniniwala na ang naunang dalawang yugto ng gawain ay isang pasanin na hindi na kailangang alamin pa. Iniisip nila na ang mga yugtong ito ay hindi dapat ipahayag sa mga masa at dapat na bawiin sa lalong madaling panahon, upang ang mga tao ay hindi magimbal ng nakalipas na dalawang mga yugto sa tatlong mga yugto ng gawain. Karamihan ay naniniwala na ang paghahayag sa dalawang nakalipas na yugto ng gawain ay lubusang hindi kailangan, at hindi nakatutulong sa pagkilala sa Diyos—iyan ang iniisip ninyo. Ngayon, naniniwala kayong lahat na wasto ang ganitong pagkilos, nguni’t ang araw ay darating na matatanto ninyo ang kahalagahan ng Aking gawain: Alamin na hindi Ako gumagawa ng anumang gawain na walang kabuluhan. Dahil Ako ay naghahayag ng tatlong mga yugto ng gawain sa inyo, kaya dapat maging kapakipakinabang ang mga iyon sa inyo; dahil ang tatlong mga yugto ng gawaing ito ay nasa kaibuturan ng buong pamamahala ng Diyos, kaya ang mga iyon ay dapat maging tuon ng lahat sa buong sansinukob. Isang araw, matatanto ninyong lahat ang kahalagahan ng gawaing ito. Alamin na sinasalungat ninyo ang gawain ng Diyos, o ginagamit ang inyong sariling mga pagkaintindi upang sukatin ang gawain ngayon, dahil hindi ninyo alam ang mga prinsipyo ng gawain ng Diyos, at dahil hindi ninyo siniseryoso nang husto ang gawain ng Banal na Espiritu. Ang inyong pagsalungat sa Diyos at paghadlang sa gawain ng Banal na Espiritu ay sanhi ng inyong mga pagkaintindi at likas na kayabangan. Hindi ito dahil sa ang gawain ng Diyos ay mali, kundi dahil kayo ay likas na mga napakasuwail. Matapos masumpungan ang kanilang paniniwala sa Diyos, hindi man lamang masabi ng ibang tao nang may kasiguruhan kung saan nanggaling ang tao, bagkus malakas ang loob nilang gumawa ng mga pampublikong talumpati na sinusukat ang mga tama at mali sa gawain ng Banal na Espiritu. At pinagsasabihan pa nila ang mga apostol na may bagong gawain ng Banal na Espiritu, nagpapasa ng puna at nagsasalita nang wala sa lugar; ang kanilang pagkatao ay masyadong mababa, at walang kahit kaunting katinuan sa kanila. Hindi ba darating ang araw kung kailan ang mga taong ganoon ay itinakwil ng gawain ng Banal na Espiritu, at sinunog ng mga apoy ng impiyerno? Hindi nila alam ang gawain ng Diyos, nguni’t sa halip ay pinipintasan pa ang Kanyang gawain, at sinusubukan ding turuan ang Diyos kung paano gagawa. Paano ba makikilala ng ganoong di-makatwirang mga tao ang Diyos? Nakikilala ng tao ang Diyos habang hinahanap at nararanasan Siya; hindi sa pamamagitan ng pagpintas sa Kanya ayon sa kapritso na nakikilala niya ang Diyos sa pamamagitan ng pagliliwanag ng Banal na Espiritu. Kung mas tiyak ang pagkakilala ng tao tungkol sa Diyos, mas hindi nila Siya sinasalungat. Sa kaibahan, kapag mas kaunti ang pagkakilala ng tao sa Diyos, mas lalo nila Siyang sasalungatin. Ang iyong pagkaintindi, ang iyong lumang kalikasan, at ang iyong katauhan, asal at moral na pananaw ay ang “puhunan” na ipinanlalaban mo sa Diyos, at habang ikaw ay mas tiwali, hamak at mababa, mas kaaway ka ng Diyos. Silang mga nagtataglay ng nakahahapis na mga pagkaintindi at mayroong sariling-pagkamatuwid na disposisyon ay mas lalong kaaway ng Diyos na nagkatawang-tao, at ang mga taong ganoon ay ang mga anticristo. Kung ang iyong mga pagkaintindi ay hindi naitama, kung gayon ang mga ito ay laging magiging laban sa Diyos; hindi ka kailanman magiging angkop sa Diyos, at laging malalayo sa Kanya.

Sa pamamamagitan lamang ng pagsasantabi ng iyong lumang mga pagkaintindi makakamtan mo ang bagong kaalaman, datapwa’t ang lumang kaalaman ay hindi kailangang mga lumang pagkaintindi. Ang “mga pagkaintindi” ay tumutukoy sa mga bagay na nawari ng tao na taliwas sa katotohanan. Kung ang lumang kaalaman ay laos na sa lumang panahon, at pinigilan nito ang tao sa pagpasok sa bagong gawain, kung gayon ang ganoong kaalaman ay isa ring pagkaintindi. Kung kayang tahakin ng tao ang tamang paglapit sa ganoong kaalaman, at kayang makilala ang Diyos mula sa iba’t-ibang aspeto, pinagsasama ang luma at ang bago, kung gayon ang lumang kaalaman ay nagiging tulong sa tao, at nagiging batayan ng kung paano ang tao ay pumapasok sa bagong kapanahunan. Ang aral sa pagkilala sa Diyos ay nangangailangan sa iyo na maging dalubhasa sa maraming prinsipyo: paano pumasok tungo sa landas para makilala ang Diyos, aling mga katotohanan ang dapat mong maintindihan upang makilala ang Diyos, at kung paano gawin ang inyong mga pagkaintindi at lumang kalikasan na magpailalim sa lahat ng mga pagsasaayos ng bagong gawain ng Diyos. Kung ginagamit mo ang mga prinsipyong ito bilang saligan para sa pagpasok tungo sa aral ng pagkilala sa Diyos, kung gayon ang iyong pagkakilala ay magiging mas palalim nang palalim. Kung ikaw ay may malinaw na kaalaman sa tatlong mga yugto ng gawain—na sa madaling salita, sa buong plano ng pamamahala ng Diyos—at kung kaya mong lubusang iugnay ang naunang dalawang yugto ng gawain ng Diyos sa pangkasalukuyang yugto, at makikitang ito ay gawaing ginawa ng isang Diyos, kung gayon hindi ka magkakaroon ng mas matibay na saligan. Ang tatlong mga yugto ng gawain ay ginawa ng isang Diyos, ito ang pinakadakilang pangitain, at ito ang tanging daan upang makilala ang Diyos. Ang tatlong mga yugto ay maaari lamang magawa ng Diyos Mismo, at walang tao ang kayang gumawa ng gawaing iyon sa pangalan Niya—na ibig sabihin ang Diyos Mismo lamang ang makagagawa ng Kanyang sariling gawain mula sa umpisa hanggang sa ngayon. Kahit ang tatlong mga yugto ng gawain ng Diyos ay naisakatuparan sa magkakaibang mga kapanahunan at mga lugar, at kahit na ang gawain ng bawa’t isa ay magkakaiba, lahat nang ito ay ginawa ng isang Diyos. Sa lahat ng mga pangitain, ito ang pinakadakilang pangitain na dapat malaman ng tao, at kung ito ay maaaring ganap na maintindihan ng tao, kung gayon siya ay makakatayo nang matibay. Ngayon, ang pinakamalaking suliranin na hinaharap ng lahat ng mga denominasyon at mga sekta ay na hindi nila alam ang gawain ng Banal na Espiritu, at sila ay walang kakayanang makita ang kaibahan sa pagitan ng gawain ng Banal na Espiritu at gawain na hindi sa Banal na Espiritu—at sa gayon hindi nila masabi kung ang yugto ng gawaing ito ay, tulad ng dalawang lumipas na gawain, ginawa rin ng Diyos na Jehova. Kahit na sinusunod ng mga tao ang Diyos, karamihan ay hindi pa rin masabi kung ito ay ang tamang paraan. Ang tao ay nag-aalala kung itong paraan ay ang paraan na pinangungunahan ng Diyos Mismo, at kung ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay tunay, at karamihan ng mga tao ay wala pa ring palatandaan tungkol sa kung paano umarok pagdating sa mga bagay na ganoon. Yaong mga sumusunod sa Diyos ay hindi mapagpasiyahan ang paraan, kaya’t ang mga mensahe na binibigkas ay mayroon lamang bahagyang epekto sa gitna ng mga taong ito, at hindi kayang maging lubusang epektibo, sa gayon ito ay nakakaapekto sa buhay ng mga taong ganoon. Kung nakikita ng tao sa tatlong mga yugto ng gawain na ang mga iyon ay isinasakatuparan ng Diyos Mismo sa iba’t ibang panahon, sa iba’t-ibang lugar, at sa iba’t-ibang tao, kung gayon makikita ng tao na,[a] kahit iba ang gawain, lahat ng ito ay ginawa ng isang Diyos. Dahil ito ay gawain na ginawa ng isang Diyos, kung gayon tiyak na ito ay wasto, at walang kamalian, at kahit ito ay kontra sa mga pagkaintindi ng tao, hindi maipagkakaila na ito ay gawain ng isang Diyos. Kung tiyak na masasabi ng tao na ito ay gawain ng isang Diyos, sa gayon ang mga pagkaintindi ng tao ay magiging walang-kabuluhan, hindi karapat-dapat na banggitin. Dahil ang mga pananaw ng tao ay malabo, at kilala lamang ng tao si Jehova bilang Diyos, at si Jesus bilang ang Panginoon, at nahahati sa dalawang pag-iisip tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao ngayon, maraming tao ang nananatiling tapat sa gawain ni Jehova at Hesus, at sila ay nakakulong sa mga pagkaintindi tungkol sa gawain ngayon, karamihan ng tao ay laging nagdududa, at hindi sineseryoso ang gawain ng ngayon. Walang mga pagkaintindi ang tao tungo sa mga huling dalawang yugto ng gawain, na hindi nakikita. Iyan ay dahil hindi nauunawaan ng tao ang katotohanan ng mga huling dalawang yugto ng gawain, at hindi nasaksihan nang personal ang mga iyon. Ito ay dahil sa hindi makita ang mga ito kaya ginuguni-guni ng tao kung ano ang gusto niyang isipin; kahit ano pa ang mawari niya, walang mga katunayan na magpapatunay dito, at walang sinumang magtutuwid dito. Pinalalaya ng tao ang kanyang likas na kinasanayan, hindi nag-iingat at pinakakawalan ang kanyang imahinasyon, dahil walang mga katunayang magpapatotoo dito, at sa gayon ang mga naguguni-guni ng tao ay nagiging “katunayan,” di-alintana kung may anumang patunay sa mga iyon. Sa gayon naniniwala ang tao sa kanyang sariling naguni-guning Diyos sa kanyang isipan, at hindi hinahanap ang Diyos ng katotohanan. Kung ang isang tao ay may isang uri ng paniniwala, kung gayon sa isandaang tao mayroong isandaang uri ng paniniwala. Ang tao ay nagtataglay ng mga ganoong paniniwala dahil hindi niya nakikita ang katotohanan ng gawain ng Diyos, dahil naririnig lamang ito ng kanyang mga tainga at hindi nakikita ng kanyang mga mata. Naririnig ng tao ang mga alamat at mga kuwento—nguni’t bihira niyang naririnig ang kaalaman tungkol sa mga katunayan ng gawain ng Diyos. Sa pamamagitan ng kanilang sariling mga pagkaintindi kaya ang mga taong naging mananampalataya sa loob ng isang taon pa lamang ay naniniwala sa Diyos, at ganoon din sa kanilang mga naniwala sa Diyos sa buong buhay nila. Silang hindi nakakakita sa mga katunayan ay hindi kailanman makakatakas mula sa isang pananampalataya kung saan mayroon silang mga pagkaintindi sa Diyos. Naniniwala ang tao na napalaya niya ang kanyang sarili mula sa pagkabihag ng kanyang mga lumang pagkaintindi, at nakapasok sa bagong teritoryo. Hindi ba alam ng tao na ang pagkakilala nilang mga hindi nakakakita ng tunay na mukha ng Diyos ay walang-iba kundi mga pagkaintindi at sabi-sabi? Iniisip ng tao na ang kanyang mga pagkaintindi ay tama, at walang kamalian, at iniisip na ang mga pagkaintinding ito ay galing sa Diyos. Ngayon, kapag nasasaksihan ng tao ang gawain ng Diyos, pinakakawalan niya ang mga pagkaintinding nabuo sa maraming mga taon. Ang mga imahinasyon at mga ideya ng nakaraan ay naging hadlang sa gawain ng yugtong ito, at nagiging mahirap para sa tao na bitawan ang ganoong mga pagkaintindi at pasubalian ang mga ideyang ito. Ang mga pagkaintindi tungo sa isa-isang hakbang na ito ng gawain ng maraming sumunod sa Diyos hanggang ngayon ay mas lalo pang nakapagpapadalamhati at ang mga taong ito ay unti-unting nakabuo ng mapagmatigas na pagkapoot sa Diyos na nagkatawang-tao, at ang pinagmulan nitong kapootan ay ang mga pagkaintindi at mga imahinasyon ng tao. Ito ay tiyak na dahil ang mga katunayan ay hindi hinahayaan ang tao na bigyang-kalayaan ang kanyang imahinasyon, at, bukod diyan, hindi madaling mapasinungalingan ng tao, at ang mga pagkaintindi at naguguni-guni ng tao ay hindi isinasaalang-alang ang pag-iral ng mga katunayan, at bukod diyan, dahil hindi iniisip ng tao ang pagiging-tama o pagiging-totoo ng mga katunayan, at desidido lamang na pakawalan ang kanyang mga pagkaintindi, at gamitin ang kanyang sariling imahinasyon, na ang mga pagkaintindi at mga naguguni-guni ng tao ay naging kaaway ng gawain ngayon, gawain na salungat sa mga pagkaintindi ng tao. Ito ay masasabi lamang na kasalanan ng mga pagkaintindi ng tao, at hindi masasabing kasalanan ng gawain ng Diyos. Maaaring guni-gunihin ng tao ang kahit anong nais niya, nguni’t hindi niya maaaring malayang pasubalian ang kahit anong yugto ng gawain ng Diyos o kahit anong kapirasong bahagi nito; ang katunayan ng gawain ng Diyos ay hindi kayang sirain ng tao. Maaari mong palayain ang iyong imahinasyon, at maaari ding mag-ipon ng mahuhusay na kwento tungkol sa gawain ni Jehova at Jesus, nguni’t hindi mo mapapasinungalingan ang katunayan ng bawa’t yugto ng gawain ni Jehova at Hesus; ito ay isang prinsipyo, at ito rin ay isang kautusang pamamahala, at dapat ninyong maunawaan ang kahalagahan ng mga usaping ito. Naniniwala ang tao na ang yugto ng gawaing ito ay hindi kaayon sa mga pagkaintindi ng tao, at hindi ito ang katayuan sa dalawang naunang mga yugto ng gawain. Sa kanyang imahinasyon, naniniwala ang tao na ang gawain ng naunang dalawang mga yugto ay tiyak na hindi katulad ng gawain ngayon—nguni’t kahit kailan ba ay naituring mo na ang mga prinsipyo ng gawain ng Diyos ay pareho-pareho lahat, na ang Kanyang gawain ay laging praktikal, at, kahit na anong panahon pa, laging mayroong pag-apaw ng mga tao na lumalaban at sumasalungat sa katunayan ng Kanyang gawain? Lahat niyaong ngayon ay lumalaban at sumasalungat sa yugto ng gawaing ito ay walang-dudang sumalungat din sa Diyos sa mga naunang panahon, sapagka’t ang mga ganoong tao ay laging magiging mga kalaban ng Diyos. Ang mga taong alam ang katunayan ng gawain ng Diyos ay makikita ang tatlong yugto ng gawain bilang gawain ng isang Diyos, at bibitawan nila ang kanilang mga pagkaintindi. Ang mga ito ang mga taong nakikilala ang Diyos, at ang mga taong ganoon ay yaong tunay na sumusunod sa Diyos. Kapag ang buong pamamahala ng Diyos ay malapit na sa katapusan, uuriin ng Diyos ang lahat ng bagay ayon sa uri. Ang tao ay ginawa ng mga kamay ng Maylalang, at sa katapusan dapat Niyang ganap na ibalik ang tao sa ilalim ng Kanyang dominyon; ito ang konklusyon ng tatlong mga yugto ng gawain. Ang yugto ng gawain ng mga huling araw, at ang naunang dalawang yugto sa Israel at Judea, ay plano ng pamamahala ng Diyos sa buong sansinukob. Walang makatatanggi rito, at ito ang katunayan ng gawain ng Diyos. Kahit hindi naranasan o nasaksihan ng mga tao ang karamihan ng gawaing ito, ang mga katunayan ay mga katunayan pa rin, at ito ay hindi maitatanggi ng kahit na sinong tao. Ang mga taong naniniwala sa Diyos sa bawa’t lupain ng sansinukob ay tatanggap lahat ng tatlong mga yugto ng gawain. Kung alam mo lamang ang isang tanging yugto ng gawain, at hindi naiintindihan ang iba pang dalawang mga yugto ng gawain, hindi naiintindihan ang gawain ng Diyos sa mga lumipas na panahon, sa gayon ikaw ay hindi makapagsasalita ng buong katotohanan ng kabuuan tungkol sa buong plano ng pamamahala ng Diyos, at ang iyong pagkakilala sa Diyos ay isang panig lamang, sapagka’t sa iyong paniniwala sa Diyos hindi mo Siya kilala, o naiintindihan Siya, at sa gayon hindi ka karapat-dapat magdala ng patotoo sa Diyos. Kung ang iyong kasalukuyang kaalaman sa mga bagay na ito ay malalim man o mababaw, sa katapusan, dapat kayong magkaroon ng kaalaman, at dapat na lubusang napapaniwala, at ang lahat ng tao ay makikita ang kabuuan ng gawain ng Diyos at magpapasailalim sa dominyon ng Diyos. Sa pagtatapos ng gawaing ito, lahat ng mga denominasyon ay magiging isa, ang lahat ng mga nilalang ay babalik sa ilalim ng dominyon ng Maylalang, ang lahat ng nilalang ay sasamba sa isang tunay na Diyos, at ang lahat ng mga kulto ay mauuwi sa wala, hindi na lilitaw muli.

Bakit ganitong patuloy ang pagtukoy sa tatlong mga yugto ng gawain? Ang paglipas ng mga kapanahunan, panlipunang paglago, at ang pagpapalit ng anyo ng kalikasan ay lahat sumusunod sa mga pagbabago sa tatlong mga yugto ng gawain. Ang sangkatauhan ay nag-iiba ayon sa panahon kasama ang gawain ng Diyos, at hindi ito sumusulong nang nag-iisa. Ang pagbanggit ng tatlong mga yugto ng gawain ng Diyos ay upang dalhin ang lahat ng mga nilalang, at mga tao sa bawa’t relihiyon, sa ilalim ng dominyon ng isang Diyos. Kahit anong relihiyon ka man nabibilang, sa huli kayong lahat ay magpapasakop sa ilalim ng dominyon ng Diyos. Tanging ang Diyos Mismo ang makapagsasakatuparan nitong gawain; hindi ito magagawa ng kahit sinong relihiyosong pinuno. Maraming mga pangunahing relihiyon sa mundo, at ang bawa’t isa ay may sariling pinuno, o lider, at ang mga tagasunod ay nakakalat sa iba’t-ibang mga bansa at rehiyon sa buong mundo; sa bawa’t bansa, maging malaki man o maliit, ay may iba’t-ibang mga relihiyon sa loob nito. Gayunman, kahit gaano karami ang mga relihiyon sa buong mundo, ang lahat ng tao sa loob ng sansinukob sa katapusan ay iiral sa ilalim ng paggabay ng isang Diyos, at ang kanilang pag-iral ay hindi ginagabayan ng mga relihiyosong pinuno o lider. Na ibig sabihin, ang sangkatauhan ay hindi ginagabayan ng isang natatanging relihiyosong pinuno o lider; bagkus ang buong sangkatauhan ay pinamumunuan ng Maylalang, na lumikha ng mga kalangitan at lupa, at lahat ng mga bagay, at lumikha rin sa sangkatauhan—at ito ay isang katunayan. Kahit na ang mundo ay maraming mga nangungunang relihiyon, kahit gaano pa kalaki ang mga ito, silang lahat ay umiiral sa ilalim ng dominyon ng Maylalang, at wala sa kanila ang makalalampas sa saklaw ng dominyon na ito. Ang pag-unlad ng sangkatauhan, kaunlarang panlipunan, ang pag-unlad ng likas na agham—bawa’t isa ay hindi maihihiwalay mula sa mga pagsasaayos ng Maylalang, at ang gawaing ito ay hindi isang bagay na kayang gawin ng isang natatanging pinuno ng relihiyon. Ang mga relihiyosong pinuno ay mga pinuno ng isang natatanging relihiyon, at hindi maaaring kumatawan sa Diyos, o sa Isa na Siyang lumikha ng mga kalangitan at lupa at lahat ng mga bagay. Ang mga pinuno ng relihiyon ay makakapanguna sa lahat ng nasa loob ng buong relihiyon, nguni’t hindi makapag-uutos sa lahat ng mga nilalang sa ilalim ng mga kalangitan—ito ay isang pangsansinukob na tanggap na katotohanan. Ang mga relihiyosong pinuno ay pawang mga tagapanguna lamang, at hindi makapapantay sa Diyos (ang Maylalang). Ang lahat ng mga bagay ay nasa mga kamay ng Maylalang, at sa katapusan lahat ng mga ito ay babalik sa mga kamay ng Maylalang. Ang sangkatauhan ay orihinal na nilikha ng Diyos, at maging anupaman ang relihiyon, ang bawa’t tao ay babalik sa ilalim ng dominyon ng Diyos—ito ay hindi maiiwasan. Ang Diyos lamang ang Kataas-taasan sa gitna ng lahat ng mga bagay, at ang pinakamataas na pinuno sa gitna ng lahat ng mga nilalang ay dapat ding bumalik sa ilalim ng Kanyang dominyon. Kahit na gaano kataas ang katayuan ng tao, hindi niya madadala ang sangkatauhan sa angkop na hantungan, at walang kahit isang kayang uriin ang lahat ng bagay ayon sa uri. Si Jehova Mismo ang lumikha sa sangkatauhan at inuri ang bawa’t isa ayon sa uri, at kapag dumating ang katapusang panahon gagawin pa rin Niya Mismo ang Kanyang sariling gawain, inuuri ang lahat ng bagay ayon sa uri—at hindi ito magagawa ng kahit na sino kundi ng Diyos lamang. Ang tatlong mga yugto ng gawain na isinagawa simula sa umpisa hanggang ngayon ay isinakatuparang lahat ng Diyos Mismo, at isinakatuparan ng isang Diyos. Ang katunayan ng tatlong mga yugto ng gawain ay ang katunayan ng pangunguna ng Diyos sa buong sangkatauhan, isang katunayan na hindi maipagkakaila ng kahit sino. Sa katapusan ng tatlong mga yugto ng gawain, ang lahat ng bagay ay uuriin ayon sa uri at babalik sa ilalim ng dominyon ng Diyos, dahil sa lahat ng dako ng buong sansinukob ay nag-iisa lamang ang umiiral na Diyos, at walang ibang mga relihiyon. Siya na walang kakayanang lumikha ng mundo ay walang kakayanang tapusin ito, samantalang Siya na lumikha ng mundo ay tiyak na tatapusin ito, at sa gayon kung ang isa ay walang kakayanang tapusin ang kapanahunan at tutulungan lamang ang tao na payabungin ang kanyang isip, kung gayon tiyak na hindi siya magiging Diyos, at tiyak na hindi siya ang Panginoon ng sangkatauhan. Siya ay magiging walang kakayanang gawin ang ganoong dakilang gawain; mayroon lamang isa na kayang magsakatuparan ng ganoong gawain, at ang lahat ng walang kakayanang gawin itong gawain ay tiyak na sila ang mga kaaway bukod sa Diyos. Kung sila ay mga kulto, kung gayon sila ay hindi kaayon sa Diyos, at kung sila ay hindi kaayon sa Diyos, kung gayon sila ay ang mga kaaway ng Diyos. Ang lahat ng gawain ay ginagawa nitong isang tunay na Diyos, at ang buong sansinukob ay inuutusan nitong isang Diyos. Kahit na Siya man ay gumagawa sa Israel o sa Tsina, kahit na ang gawain man ay isinasakatuparan ng Espiritu o ng laman, ang lahat ay ginagawa ng Diyos Mismo, at hindi magagawa ng kahit na sino. Ito ay tiyak na dahil Siya ay ang Diyos ng buong sangkatauhan kaya Siya ay malayang gumagawa, hindi pinipigilan ng kahit anong kalagayan—at ito ang pinakadakila sa lahat ng mga pangitain. Bilang isang nilalang ng Diyos, kung nais mong gampanan ang tungkulin ng isang nilikha ng Diyos at maintindihan ang kalooban ng Diyos, dapat mong maintindihan ang gawain ng Diyos, dapat maintindihan ang nais ng Diyos para sa mga nilalang, dapat maintindihan ang Kanyang plano ng pamamahala, at dapat maintindihan ang lahat ng kabuluhan ng gawain na Kanyang ginagawa. Yaong mga hindi naiintindihan ito ay hindi angkop para maging mga nilalang ng Diyos! Bilang isang nilalang ng Diyos, kung hindi mo naiintindihan kung saan ka nagmula, hindi naiintindihan ang kasaysayan ng sangkatauhan at ang lahat ng gawaing ginawa ng Diyos, at, bukod dito, hindi nauunawaan kung paano umunlad ang tao hanggang sa ngayon, at hindi naiintindihan kung sino ang nag-uutos sa buong sangkatauhan, kung gayon ikaw ay walang kakayanang gawin ang iyong tungkulin. Ang Diyos ay pumatnubay sa sangkatauhan hanggang sa ngayon, at simula nang nilikha Niya ang tao sa lupa hindi Niya siya iniwan. Ang Banal na Espiritu ay hindi humihinto sa paggawa, hindi kailanman huminto sa paggabay sa sangkatauhan, at hindi kailanman iniwan ang sangkatauhan. Nguni’t hindi natatanto ng sangkatauhan na mayroong Diyos, lalong hindi niya kilala ang Diyos, at mayroon pa bang mas nakakahiya bukod dito para sa lahat ng mga nilalang ng Diyos? Ang Diyos ang personal na gumagabay sa tao, nguni’t hindi naiintinidihan ng tao ang gawain ng Diyos. Ikaw ay isang nilalang ng Diyos, nguni’t hindi mo nauunawaan ang iyong sariling kasaysayan, at hindi namamalayan kung sino ang gumabay sa iyo sa iyong paglalakbay, ikaw ay malilimutin sa mga gawain na ginagawa ng Diyos, at sa gayon hindi mo makikilala ang Diyos. Kung hindi mo kilala ngayon, kung gayon hindi ka magiging karapat-dapat na magtaglay ng patotoo sa Diyos. Ngayon, ang Maylalang ay muling personal na nangunguna sa lahat ng tao, at nagsasanhi sa lahat ng mga tao na mamasdan ang Kanyang karunungan, pagka-makapangyarihan, pagliligtas, at pagiging-kamangha-mangha. Nguni’t hindi mo pa rin natatanto o nauunawaan—at sa gayon hindi ba ikaw ang isa na hindi makakatanggap ng kaligtasan? Silang nabibilang kay Satanas ay hindi nakakaintindi ng mga salita ng Diyos, at silang nabibilang sa Diyos ay naririnig ang tinig ng Diyos. Lahat silang nakakatanto at nakakaunawa ng mga salita na Aking binibigkas ay silang mga maliligtas, at magdadala ng patotoo sa Diyos; lahat silang hindi nakakaunawa ng mga salitang Aking binibigkas ay hindi makapagdadala ng patotoo sa Diyos, at sila ang siyang mga aalisin. Silang mga hindi nakakaunawa sa kalooban ng Diyos at hindi natatanto ang gawain ng Diyos ay walang kakayanang makamtan ang pagkakilala sa Diyos, at ang mga taong ganoon ay hindi magdadala ng patotoo sa Diyos. Kung nais mong magdala ng patotoo sa Diyos, kung gayon dapat mong makilala ang Diyos, at ang pagkakilala sa Diyos ay natutupad sa pamamagitan ng gawain ng Diyos. Sa kabuuan, kung nais mong makilala ang Diyos, kung gayon dapat mong malaman ang gawain ng Diyos: Ang pag-alam sa gawain ng Diyos ay ang sukdulang pinakamahalaga. Kapag ang tatlong mga yugto ng gawain ay dumating sa katapusan, magkakaroon ng isang pangkat niyaong mga nagdadala ng patotoo sa Diyos, isang pangkat niyaong mga nakakakilala sa Diyos. Ang mga taong ito ay makikilala ang Diyos at makakayang isagawa ang katotohanan. Magtataglay sila ng pagkatao at katinuan, at malalaman lahat ang tatlong mga yugto ng gawain ng pagliligtas ng Diyos. Ito ang gawain na matutupad sa katapusan, at ang mga taong ito ay ang pagbubuu-buo ng gawain ng 6,000 taon ng pamamahala, at ang pinakamakapangyarihang patotoo sa sukdulang pagkatalo ni Satanas. Yaong makapagdadala ng patotoo sa Diyos ay makakatanggap ng pangako at pagpapala ng Diyos, at magiging ang pangkat na maiiwan sa katapus-katapusan, na nagtataglay ng awtoridad ng Diyos at nagdadala ng patotoo sa Diyos. Marahil silang lahat na mga kasama ninyo ay maaaring maging kasapi ng pangkat na ito, o marahil kalahati lamang, o kaunti lamang—depende sa inyong kalooban at inyong paghahabol.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Talababa:

a. Ang orihinal na teksto ay hindi kasama ang “kung gayon makikita ng tao na.”

Sinundan:Ang Kaugnayan sa Pag-itan ng Bawa’t Isa sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos.

Sumunod:Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos na Mga Salita.

Baka Gusto Mo Rin