4. Ang Kaugnayan sa Pagitan ng Bawat Isa sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Mula sa gawain ni Jehova hanggang sa gawain ni Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa gawain sa kasalukuyang yugto, ang tatlong yugtong ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak ng pamamahala ng Diyos sa isang tuloy-tuloy na pagkakaugnay, at lahat ng ito ay gawain ng iisang Espiritu. Mula nang likhain ang mundo, palaging gumagawa ang Diyos sa pamamahala sa sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Wakas, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang Siyang nagpapasimula ng kapanahunan at Siyang naghahatid sa kapanahunan sa katapusan nito. Ang tatlong yugto ng gawain, sa magkakaibang kapanahunan at lugar, ay tiyak na gawain ng iisang Espiritu. Ang lahat ng naghihiwalay sa tatlong yugtong ito ay lumalaban sa Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)

Ang gawain na isinasagawa sa mga huling araw ay hindi maaaring pumalit sa gawain sa Kapanahunan ng Kautusan o doon sa Kapanahunan ng Biyaya. Gayunman, ang tatlong yugto, na magkakaugnay, ay bumubuo ng iisang entidad, at lahat ay gawain ng iisang Diyos. Natural, ang pagtupad ng gawaing ito ay nahahati sa magkakahiwalay na mga kapanahunan. Ang gawaing ginagampanan sa mga huling araw ay nagdadala sa lahat ng bagay sa katapusan; yaong ginawa sa Kapanahunan ng Kautusan ay ang gawain ng pagsisimula; at yaong ginawa sa Kapanahunan ng Biyaya ay ang gawain ng pagtubos. Para naman sa mga pangitain ng gawain sa buong anim na libong taong plano ng pamamahalang ito, walang maaaring magkaroon ng kabatiran o pagkaunawa, at ang mga gayong pangitain ay nananatiling mga palaisipan. Sa mga huling araw, tanging ang gawain ng salita ang isinasakatuparan upang ihatid ang Kapanahunan ng Kaharian, ngunit hindi ito kumakatawan sa lahat ng mga kapanahunan. Ang mga huling araw ay walang iba kundi mga huling araw at walang iba kundi Kapanahunan ng Kaharian, at hindi kumakatawan sa Kapanahunan ng Biyaya o sa Kapanahunan ng Kautusan. Sadya lamang na, sa mga huling araw, ang lahat ng gawain sa anim na libong taong plano ng pamamahala ay ibinubunyag sa inyo. Ito ang paglalantad ng hiwaga. …

Ang gawain sa mga huling araw ay ang huling yugto sa tatlo. Ito ay ang gawain ng isa pang bagong kapanahunan at hindi kumakatawan sa buong gawain ng pamamahala. Ang anim na libong taong plano ng pamamahala ay nahahati sa tatlong yugto ng gawain. Walang nag-iisang yugto ang kayang kumatawan sa gawain ng tatlong kapanahunan kundi kaya lamang kumatawan sa isang bahagi ng kabuuan. Ang pangalang Jehova ay hindi maaaring kumatawan sa buong disposisyon ng Diyos. Ang katunayan na nagsagawa Siya ng gawain sa Kapanahunan ng Kautusan ay hindi nagpapatunay na ang Diyos ay maaari lamang maging ang Diyos sa ilalim ng kautusan. Nagtakda si Jehova ng mga kautusan para sa tao at nagbaba ng mga utos sa kanya, nag-aatas sa tao na magtayo ng templo at mga altar; ang gawain na ginawa Niya ay kumakatawan lamang sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawain na ginawa Niya ay hindi nagpapatunay na ang Diyos ay isang Diyos lamang na nag-aatas sa tao na sumunod sa kautusan, na Siya ang Diyos sa templo, o ang Diyos sa harapan ng altar. Ang sabihin ito ay hindi katotohanan. Ang gawaing ginawa sa ilalim ng kautusan ay maaari lamang kumatawan sa isang kapanahunan. Samakatwid, kung ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan lang ang ginawa ng Diyos, lilimitahan ng tao ang Diyos, sasabihing, “Ang Diyos ay ang Diyos sa templo, at, upang makapaglingkod sa Diyos, kailangan nating magsuot ng mga kasuotang pangsaserdote at pumasok sa templo.” Kung ang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya ay hindi naisagawa kahit kailan at ang Kapanahunan ng Kautusan ay nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan, hindi malalaman ng tao na ang Diyos ay maawain din at mapagmahal. Kung ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan ay hindi nagawa, at tanging yaong sa Kapanahunan ng Biyaya ang nagawa, ang malalaman lamang ng tao ay na tinutubos lang ng Diyos ang tao at na pinapatawad ng Diyos ang mga kasalanan ng tao. Ang malalaman lamang ng tao na banal ang Diyos at walang-sala, at na kaya Niyang isakripisyo ang Sarili Niya at mapako sa krus para sa tao. Ito lamang ang malalaman ng tao at wala nang magiging kaunawaan ang tao sa iba pa. Kaya ang bawat kapanahunan ay kumakatawan sa isang bahagi ng disposisyon ng Diyos. Kinakatawan ng Kapanahunan ng Kautusan ang ilang aspekto ng disposisyon ng Diyos, gayundin ang Kapanahunan ng Biyaya at ang kasalukuyang yugtong ito—maibubunyag lamang ang kabuuan ng disposisyon ng Diyos kapag pinagsama-sama ang lahat ng tatlong yugto. Tanging kapag nalalaman na ng tao ang buong tatlong yugto saka ito ganap na mauunawaan ng tao. Walang isa sa mga tatlong yugto ang maaaring hindi isama. Makikita mo lamang ang disposisyon ng Diyos sa kabuuan nito kapag nalaman mo itong tatlong yugto ng gawain. Ang katunayang natapos ng Diyos ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan ay hindi nagpapatunay na Siya ay Diyos lamang sa ilalim ng kautusan, at ang katunayang natapos Niya ang Kanyang gawain ng pagtubos ay hindi nangangahulugan na ang Diyos ay tutubos sa sangkatauhan magpakailanman. Ang lahat ng ito ay mga limitasyong itinakda ng tao. Sa pagtatapos ng Kapanahunan ng Biyaya, hindi mo masasabi sa gayon na ang Diyos ay ang Diyos lamang ng krus at na ang krus ang natatanging kumakatawan sa pagliligtas ng Diyos. Kung ginagawa mo ang ganoon, nililimitahan mo ang Diyos. Sa kasalukuyang yugto, ang Diyos ay pangunahing gumagawa ng gawain ng salita, ngunit hindi mo maaaring sabihin na ang Diyos ay hindi kailanman naging maawain sa tao at na ang tanging dinala Niya ay pagkastigo at paghatol. Ang gawain sa mga huling araw ay naghahayag sa gawain ni Jehova at ni Jesus at sa lahat ng hiwaga na hindi naintindihan ng tao, kaya nabubunyag ang mga hantungan at ang mga kinalabasan ng sangkatauhan at natatapos ang lahat ng gawain ng pagliligtas sa gitna ng sangkatauhan. Itong yugtong ito ng gawain sa mga huling araw ay naghahatid sa lahat ng bagay sa katapusan. Lahat ng hiwaga na hindi naintindihan ng tao ay dapat mahayag upang pahintulutan ang tao na makilatis ang mga ito at magkaroon ng pagkaunawa sa lahat ng ito sa kanyang puso. Saka lamang maaaring mabukod-bukod ang mga tao ayon sa kanilang uri. Pagkatapos lamang na maging ganap ang anim na libong taong plano ng pamamahala saka maiintindihan ng tao ang kabuuan ng disposisyon ng Diyos, dahil ang Kanyang pamamahala ay doon darating sa pagtatapos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)

Naisulong na ng gawain ngayon ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya; ibig sabihin, nakasulong na ang gawain sa ilalim ng buong anim-na-libong-taong plano ng pamamahala. Bagama’t natapos na ang Kapanahunan ng Biyaya, sumulong at lumalim ang gawain ng Diyos. Bakit Ko ba sinasabi nang paulit-ulit na ang yugtong ito ng gawain ay batay sa Kapanahunan ng Biyaya at sa Kapanahunan ng Kautusan? Sa ibang pananalita, ang gawain ng panahong ito ay pagpapatuloy ng gawaing ginawa sa Kapanahunan ng Biyaya, at isang pag-unlad doon sa ginawa sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang tatlong yugto ay mahigpit na magkakaugnay, na bawat kawing sa kadena ay nakarugtong na mabuti sa kasunod. Bakit Ko ba sinasabi rin na ang yugtong ito ng gawain ay batay sa ginawa ni Jesus? Ipagpalagay nang ang yugtong ito ay hindi batay sa gawaing ginawa ni Jesus, kakailanganing maganap ang isa pang pagpapapako sa krus sa yugtong ito, at ang gawain ng pagtubos ng naunang yugto ay kakailanganing uliting muli. Magiging walang saysay ito. Kaya nga hindi sa ganap nang natapos ang gawain, kundi nakasulong na ang kapanahunan at ang gawain ay naiangat na nang mas mataas kaysa dati. Masasabi na ang yugtong ito ng gawain ay nakabatay sa pundasyon ng Kapanahunan ng Kautusan at nakasalig sa bato ng gawain ni Jesus. Ang gawain ng Diyos ay itinatatag nang yugto-yugto, at ang yugtong ito ay hindi isang bagong simula. Ang pinagsamang tatlong yugto ng gawain lamang ang maaaring ituring na anim na libong taong plano ng pamamahala.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kinokompleto ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao

Ang huling yugto ng gawain ay hindi umiiral nang nakahiwalay, kundi bahagi ng kabuuan na binuo kasama ng naunang dalawang yugto, na ibig sabihin ay imposibleng makompleto ang buong gawain ng pagliligtas sa pamamagitan lang ng paggawa ng isa sa tatlong yugto ng gawain. Kahit kayang lubos na iligtas ang tao ng huling yugto ng gawain, hindi ibig sabihin nito na kailangan lamang isagawa ang iisang yugtong ito, at na hindi kinakailangan ang naunang dalawang yugto ng gawain para iligtas ang tao mula sa impluwensiya ni Satanas. Walang kahit isa, nang ito lang, sa tatlong yugto ang maaaring ituring bilang tanging pangitaing kailangang malaman ng buong sangkatauhan, sapagkat ang kabuuan ng gawain ng pagliligtas ay ang tatlong yugto ng gawain, hindi ang iisang yugto sa mga ito. Basta’t hindi pa naisasakatuparan ang gawain ng pagliligtas, hindi ganap na matatapos ang pamamahala ng Diyos. Ang pagiging Diyos ng Diyos, ang Kanyang disposisyon, at ang Kanyang karunungan ay ipinapahayag sa kabuuan ng gawain ng pagliligtas; hindi ipinapaalam ang mga ito sa tao sa pinakasimula, kundi unti-unting ipinahayag sa gawain ng pagliligtas. Bawat yugto ng gawain ng pagliligtas ay nagpapahayag ng bahagi ng disposisyon ng Diyos, at bahagi ng Kanyang pagiging Diyos; walang isang yugto ng gawain ang maaaring tuwiran at ganap na magpahayag ng kabuuan ng pagiging Diyos ng Diyos. Dahil dito, yamang maaari lamang matapos nang lubusan ang gawain ng pagliligtas kapag natapos na ang tatlong yugto ng gawain, ang pagkakilala ng tao tungkol sa kabuuan ng Diyos ay hindi maihihiwalay mula sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos. Ang natatamo ng tao mula sa isang yugto ng gawain ay ang disposisyon lamang ng Diyos na ipinapahayag sa iisang bahagi ng Kanyang gawain. Hindi ito maaaring kumatawan sa disposisyon at pagiging Diyos na ipinapahayag sa mga yugto bago o pagkatapos nito. Iyon ay dahil ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay hindi natatapos kaagad sa isang panahon, o sa isang lugar, kundi unti-unting mas lumalalim ayon sa kalagayan ng pag-unlad ng tao sa magkakaibang panahon at lugar. Ito ay gawaing isinasagawa nang yugto-yugto, at hindi natatapos sa iisang yugto. Kaya, napapamalas ang kristalisasyon ng buong karunungan ng Diyos sa tatlong yugto, sa halip na sa isang indibidwal na yugto. Ang Kanyang buong pagiging Diyos at buong karunungan ay inilalaan sa loob ng tatlong yugtong ito—ang bawat yugto ay naglalaman ng Kanyang pagiging Diyos, at bawat yugto ay isang tala ng karunungan ng Kanyang gawain. Dapat makilala ng tao ang buong disposisyon ng Diyos na ipinapahayag sa tatlong yugtong ito. Ang pagiging Diyos na ito ng Diyos ay napakahalaga sa buong sangkatauhan, at kung ang mga tao ay walang ganitong pagkakilala kapag sumasamba sila sa Diyos, wala silang ipinagkaiba sa mga sumasamba kay Buddha. Ang gawain ng Diyos sa gitna ng tao ay hindi itinatago sa tao, at dapat makilala ng lahat ng sumasamba sa Diyos. Yamang naisagawa ng Diyos ang tatlong yugto ng gawain ng pagliligtas sa gitna ng tao, dapat malaman ng tao ang pagpapahayag ng mga tinataglay ng Diyos at ang Kanyang pagiging Diyos sa panahon ng tatlong yugtong ito ng gawain. Ito ang kailangang gawin ng tao. Ang itinatago ng Diyos sa tao ay yaong hindi kayang maabot ng tao, at yaong hindi dapat malaman ng tao, samantalang yaong ipinapakita ng Diyos sa tao ay yaong dapat malaman ng tao, at yaong dapat taglayin ng tao. Bawat isa sa tatlong yugto ng gawain ay isinasagawa batay sa pundasyon ng naunang yugto; hindi ito isinasagawa nang nagsasarili, na hiwalay sa gawain ng pagliligtas. Bagama’t may malalaking pagkakaiba sa kapanahunan at sa gawaing isinasagawa, nasa kaibuturan pa rin nito ang pagliligtas sa sangkatauhan, at bawat yugto ng gawain ng pagliligtas ay mas malalim kaysa sa nauna.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas Tungo sa pagkakilala sa Diyos

Ang buong pamamahala ng Diyos ay nahahati sa tatlong yugto, at sa bawat yugto, ang mga angkop na hinihingi ay itinatakda sa tao. Higit pa rito, habang lumilipas at umuusad ang mga kapanahunan, ang mga hinihingi ng Diyos sa buong sangkatauhan ay nagiging lalong mas mataas. Kaya, unti-unting naaabot ng gawain ng pamamahala ng Diyos ang rurok nito, hanggang sa makita ng tao ang katunayan ng “pagpapakita ng Salita sa katawang-tao,” at sa paraang ito ang mga hinihingi sa tao ay mas tumataas pa, gayundin ang patotoong hinihingi sa tao na ibigay. Habang mas nakakaya ng tao na tunay na makipagtulungan sa Diyos, mas nakakapagkamit ng kaluwalhatian ang Diyos. Ang pakikipagtulungan ng tao ay ang patotoo na hinihingi sa kanya na ibigay, at ang patotoong ibinibigay niya ay ang pagsasagawa ng tao. Samakatwid, magkakaroon man ng nararapat na bunga ang gawain ng Diyos o hindi, at kung magkakaroon man ng tunay na patotoo o hindi, ay sukdulang kaugnay ng pakikipagtulungan at patotoo ng tao. Kapag natapos ang gawain, na ang ibig sabihin, kapag narating na ang katapusan ng buong pamamahala ng Diyos, hihingin sa tao na magbigay ng mas mataas na patotoo, at kapag ang gawain ng Diyos ay nakakarating na sa katapusan nito, ang pagsasagawa at pagpasok ng tao ay makakarating sa rurok ng mga ito. Sa nakalipas, hiningi sa tao na sumunod sa batas at mga kautusan, at hiningi na siya ay maging matiisin at mapagpakumbaba. Ngayon, hinihingi sa tao na magpasakop sa lahat ng pagsasaayos ng Diyos at magtaglay ng napakadakilang pagmamahal sa Diyos, at sa kahuli-hulihan ay hinihingi sa kanya na mahalin pa rin ang Diyos sa gitna ng kapighatian. Ang tatlong yugto ay mga hinihingi ng Diyos sa tao, nang hakbang-hakbang, sa kabuuan ng Kanyang pamamahala. Ang bawat yugto ng gawain ng Diyos ay mas malalim kaysa sa nauna, at sa bawat yugto, mas mataas ang mga hinihingi sa tao kaysa sa nauna, at sa paraang ito, ang buong pamamahala ng Diyos ay unti-unting nabubuo. Talagang dahil sa ang mga hinihingi sa tao ay lalo pang mas mataas kung kaya ang disposisyon ng tao ay mas lalong lumalapit sa mga pamantayang hinihingi ng Diyos, at saka pa lamang unti-unting makaaalis ang buong sangkatauhan sa impluwensiya ni Satanas hanggang sa, kapag ganap nang natapos ang gawain ng Diyos, ang buong sangkatauhan ay mailigtas na mula sa impluwensiya ni Satanas.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao

Ang gawain ng buong plano ng pamamahala ng Diyos ay personal na ginagawa ng Diyos Mismo. Ang unang yugto—ang paglikha ng mundo—ay personal na ginawa ng Diyos Mismo, at kung hindi nangyari ito, walang sinumang may kakayahang likhain ang sangkatauhan. Ang ikalawang yugto ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan, at ito ay personal ding ginawa ng Diyos Mismo. Ang ikatlong yugto ay halatang-halata na: Mas malaki ang pangangailangan na ang Diyos Mismo ang gumawa ng pagtatapos ng lahat ng gawain ng Diyos. Ang gawain ng pagtubos, panlulupig, pagkamit, at pagpeperpekto sa buong sangkatauhan ay personal na isinasakatuparang lahat ng Diyos Mismo. Kung hindi Niya personal na gagawin ang gawaing ito, ang tao ay hindi makakatawan sa Kanyang pagkakakilanlan, o hindi magagawa ng tao ang Kanyang gawain. Upang talunin si Satanas, upang makamit ang sangkatauhan, at upang bigyan ang tao ng isang normal na buhay sa lupa, personal Niyang pinangungunahan ang tao at personal na gumagawa sa gitna ng tao; para sa Kanyang buong plano ng pamamahala, at para sa lahat ng Kanyang gawain, kailangang personal Niyang gawin ang gawaing ito.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan

Sinundan: 3. Ang Layunin at Kabuluhan ng Bawat Isa sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos

Sumunod: 5. Bakit Sinasabi na ang Pagkaalam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Daan Tungo sa Pagkilala sa Diyos?

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 1: Nananalig na tayo sa Panginoon sa loob ng napakaraming taon. Kahit maaari tayong mangaral at kumilos para sa Panginoon at magdusa nang husto, maaari pa rin tayong palaging magsinungaling, manloko at mandaya. Araw-araw, ipinagtatanggol natin ang ating sarili. Napakadalas, mayabang tayo, mapagmataas, pasikat, at mapanghamak sa iba. Namumuhay tayo sa sitwasyon ng pagkakasala at pagsisisi, at hindi tayo makaalpas sa pang-aalipin ng laman, at dumaranas at nagsasagawa ng salita ng Panginoon. Hindi pa natin nararanasan ang anumang realidad ng salita ng Panginoon. Sa kaso natin, madadala man lang ba tayo sa kaharian ng langit? Sabi ng ilang tao, gaano man tayo magkasala, gaano man tayo inaalipin ng laman, ang tingin sa atin ng Panginoon ay walang kasalanan. Sumusunod sila sa salita ni Pablo: “Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng trumpeta: sapagka’t tutunog ang trumpeta, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin” (1 Corinto 15:52). At ipinapalagay nila na agad babaguhin ng Panginoon ang ating anyo pagdating Niya at dadalhin tayo sa kaharian ng langit. Naniniwala ng ilang tao na ang mga tumatanggap ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya pero patuloy pa ring nagkakasala ay hindi karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng langit. Nakabatay ito unang-una na sa salita ng Panginoong Jesus: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). “Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t Ako’y banal” (Levitico 11:45). Ito ay dalawang magkakumpitensyang pananaw na hindi malinaw na masasabi ng sinuman, Makipag-usap naman kayo para sa amin.

Sagot: Noong araw, dati-rati’y itinuturing nating salita ng Diyos ang mga salita ng mga apostol na kagaya ni Pablo at sumusunod tayo sa...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito