929 Ang Sangkatauhan ay ang Sangkatauhan pa ring Nilikha ng Diyos
I
Tao’y dumanas man ng pang-aapi ni Satanas
at ‘di na sina Adan o Eba,
bagkus ay salungat sa Diyos sa pamamagitan ng
kaalaman, haka-haka’t imahinasyon,
puno ng tiwaling disposisyon,
sa mata ng Diyos,
siya pa rin ang taong ginawa Niya.
Tao’y pinamumunua’t isinasaayos ng Diyos,
namumuhay pa rin sa landas na kaloob Niya.
Sa mata ng Diyos, tiwaling tao’y
gutom lamang, madungis,
medyo mabagal ang reaksyon
at memorya’y humihina,
may katandaan na ang tao,
ngunit paggana’t
likas na ugali niya’y ‘di nagbabago.
Ito’ng sangkatauhang hangad iligtas ng Diyos.
Kailangan lamang marinig ng tao ang tawag
at tinig ng Lumikha,
tatayo siya’t magmamadaling hanapin
ang pinanggalingan ng tunog na ‘to.
Kailangan lang makita ng tao ang Lumikha’t
lahat ng iba pa’y ‘di na niya iintindihin.
Tatalikuran lahat, sarili’y itatalaga,
maiaalay pa nga ang kanyang buhay
para sa Diyos.
II
Kapag nauunawaan ng puso ng tao
ang taos-pusong mga salita ng Diyos,
tatanggihan nito si Satanas
at babaling sa panig ng Lumikha.
‘Pag nahugasan ng tao’ng
dumi sa katawan niya’t
siya’y natustusan ng Lumikha,
magbabalik ang memorya ng tao,
babalik siyang muli sa Lumikha.
Ito’ng sangkatauhang hangad iligtas ng Diyos.
Kailangan lamang marinig ng tao ang tawag
at tinig ng Lumikha,
tatayo siya’t magmamadaling hanapin
ang pinanggalingan ng tunog na ‘to.
Kailangan lang makita ng tao ang Lumikha’t
lahat ng iba pa’y ‘di na niya iintindihin.
Tatalikuran lahat, sarili’y itatalaga,
maiaalay pa nga ang kanyang buhay
para sa Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I