930 Lahat ng Bagay ay Nabubuhay sa mga Patakaran at Batas na Itinakda ng Diyos

Libu-libong taon ang lumipas,

natatamasa pa rin ng tao ang liwanag

at ang hanging kaloob ng Diyos.

Hinihinga pa rin ng mga tao

ang hiningang inihinga ng Diyos Mismo.

Tinatamasa pa rin ng tao

ang mga bagay na likha ng Diyos,

ang mga isda, ibon, bulaklak at insekto.

Tinatamasa ng mga tao ang lahat ng bagay,

lahat ng bagay na inilaan ng Diyos.

Araw at gabi’y patuloy sa pagpapalitan ang bawat isa.

Tulad ng dati, ang apat na panahon, ay halinhinan.

Lumilipad sa langit, umaalis ang gansa sa taglamig

at nagbabalik sa tagsibol.

Lumalangoy sa tubig, ang isda kailanma’y

‘di umaalis sa mga ilog at lawa, na tahanan nila.


Sa mga araw ng tag-init,

mga kuliglig sa lupa’y masayang umaawit.

Sa mga araw ng taglagas,

mga kuliglig sa damo’y umaawit sabay sa hangin.

Sama-sama ang mga gansa,

habang mga agila ay mag-isa.

Mga leon nabubuhay sa pangangaso,

usa’y ‘di lumalayo sa bulaklak at damo….

Bawat buhay na nilalang sa lahat ng bagay

ay paulit-ulit na dumarating at umaalis,

milyong mga pagbabago sa isang iglap.

Ang kanilang likas na ugali’t mga batas

para manatiling buhay ay ‘di nagbabago.

Nabubuhay sila sa pagpapalusog at pagtustos ng Diyos.

‘Di mababago ninuman ang likas nilang ugali.

Walang makalalabag sa mga patakaran nila para mabuhay.

Walang makalalabag sa mga patakaran nila para mabuhay.


Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I

Sinundan: 929 Ang Sangkatauhan ay ang Sangkatauhan pa ring Nilikha ng Diyos

Sumunod: 931 Ang mga Kamangha-manghang Gawa ng Diyos sa Pamamahala ng Lahat ng Bagay

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito