128 Ang Gawain ng Diyos ay Patuloy sa Pagsulong

Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong;

bagamat ‘di nagbabago ang layunin,

paraan ng paggawa Niya’y patuloy sa pagbago,

at gayon din ang mga sumusunod sa Kanya.

Habang mas maraming gawain ang Diyos

mas maraming tao sa Kanya’y ganap na nakakakilala,

mas nababago ang disposisyon ng tao

kasama na ang Kanyang gawain.

Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong;

Kailanma’y gawain Niya’y di-luma, laging bago.

Hindi Niya inuulit ang gawaing luma,

tanging gawaing ‘di pa ginawa noon Kanyang gagawin.


Di-pananatilihin ng Diyos parehong gawain;

lagi itong nagbabago, laging bago.

Pareho ito sa mga bagong salita ng Diyos

at laging paggawa ng bagong gawain sa’yo.

Ito ang gawaing ginagawa ng Diyos;

ang susi’y nasa “nakakamangha,”

“nakakamangha” at “bago.”

“Di-nagbabago ang Diyos, Siya’y laging Diyos.”

Ito’y kasabihang tunay at totoo.

Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong;

Kailanma’y gawain Niya’y di-luma, laging bago.

Hindi Niya inuulit ang gawaing luma,

tanging gawaing ‘di pa ginawa noon Kanyang gagawin.


Ngunit habang nagbabago gawain ng Diyos,

para sa di-alam ang gawain ng Banal na Espiritu,

at kakat’wang tao na katotohana’y di-alam,

hahantong silang kalaban ng Diyos.

Kakanyahan ng Diyos kailanma’y di-magbabago;

Ang Diyos ay laging Diyos at kailanma’y di-Satanas.

Ngunit di-nangangahulugang gawain Niya’y di-nagbabago,

at patuloy ito tulad ng Kanyang kakanyahan.

Sinasabi mong Diyos kailanma’y di-nagbabago,

ngunit pa’no mo ipapaliwanag ang

“kailanma’y di-luma, laging bago, laging bago”?

Gawain ng Diyos ay patuloy sa paglawak at pagbago,

Ipinapakita Kanyang kalooban at ipinapaalam rin sa tao.

Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong;

Kailanma’y gawain Niya’y di-luma, laging bago.

Hindi Niya inuulit ang gawaing luma,

tanging gawaing di pa ginawa noon Kanyang gagawin.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Maaaring Tumanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Nililimitahan ang Diyos sa Kanyang mga Kuru-kuro?

Sinundan: 127 Inihayag na ng Diyos ang Kanyang Buong Disposisyon sa mga Huling Araw

Sumunod: 129 Hindi Nauulit ang Gawain ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

IKung ang tanongay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.Ang Diyos ay ‘di mapapabayaano maiiwan sa likod ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito