129 Hindi Nauulit ang Gawain ng Diyos
I
Salita ng nagkatawang-taong Diyos
sa mga huling araw
ay ayon sa ugali, kalikasan,
at dapat pasukin ng tao ngayon.
Kanyang salita’y tunay at normal,
tungkol lang sa ngayon,
anong dapat pasukin, gawin, at matanto.
Kung may magpapalayas ng mga demonyo,
manggagamot at magmimilagro,
nagsasabing sila’y si Jesus na nagbalik,
panggagaya ito ng masasamang espiritu.
Tandaan: ‘Di umuulit ang gawain ng Diyos.
Tapos na ang gawain ni Jesus,
at ‘di na muling gagawin
ng Diyos ang yugtong ‘yon.
Sa bagong gawain lang ng Diyos
sa mga huling araw,
parte ng plano ng pamamahala Niya,
tao’y lalong makikilala Siya.
Kanyang plano’y saka lang matatapos.
II
Kung magpakita ang Diyos ng tanda’t hiwaga
nang tulad ng kay Jesus,
mauulit lang at mawawalang-
halaga ang nagawa ni Jesus.
Bawat panahon, may isang yugto ng gawain Niya.
Tapos, gagayahin ‘to ni Satanas.
Kaya babaguhin ng Diyos ang paraan Niya.
‘Di umuulit ang gawain ng Diyos.
Tapos na ang gawain ni Jesus,
at ‘di na muling gagawin
ng Diyos ang yugtong ‘yon.
Sa bagong gawain lang ng Diyos
sa mga huling araw,
parte ng plano ng pamamahala Niya,
tao’y lalong makikilala Siya.
Kanyang plano’y saka lang matatapos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Gawain ng Diyos Ngayon