127 Inihayag na ng Diyos ang Kanyang Buong Disposisyon sa mga Huling Araw

I

Ang Espiritu ng Diyos ay nakagawa na

ng dakilang gawain mula nang nilikha ang mundo.

Nakagawa na Siya ng iba’t ibang gawain

sa iba’t ibang bansa at panahon.

Mga tao ng bawat panahon ay nakikita

ang iba’t ibang disposisyon Niya

na likas na inihayag para makita ng tao

at inihahayag sa magkakaibang gawain.

Siya ay Diyos, puno ng awa at kagandahang-loob.

Siya ay handog sa kasalanan ng tao at pastol.

Ngunit bigay Niya’y paghatol, sumpa’t pagkastigo.

Isang sumpa sa tao.


II

Maaakay Niya’ng tao sa lupa sa loob

ng dal’wang libong taon o higit pa’t

matutubos ang tiwaling tao sa kasalanan.

Kaya Niyang lupigin ang tao,

na ‘di nakakakilala sa Kanya.

Nagagawa Niya silang mapagtirapa

upang lahat ay magpasakop.

Sa huli, susunugin Niya

ang dumi at pagiging ‘di-matuwid

sa mga tao sa buong mundo.

Para makita ng tao

na Siya’y banal at nakakamangha,

at Siya’y isang Diyos na humahatol sa tao.

Siya ay Diyos, puno ng awa at kagandahang-loob.

Siya ay handog sa kasalanan ng tao at pastol.

Ngunit bigay Niya’y paghatol, sumpa’t pagkastigo.

Isang sumpa sa tao.


III

Para sa masasamang tao,

Siya’y nagniningas na apoy,

Siya’y paghatol sa kasalanan,

at Siya’y kaparusahan.

Sa mga gagawing perpekto,

Siya’y kapighatian at pagsubok,

pagwawasto at pagtatabas,

pati ginhawa, suporta, at pagkakaloob ng salita.

Sa mga inalis, Siya ay kaparusahan at ganti.

Siya ay Diyos, puno ng awa at kagandahang-loob.

Siya ay handog sa kasalanan ng tao at pastol.

Ngunit bigay Niya’y paghatol,

sumpa’t pagkastigo. Isang sumpa sa tao.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawang Ganap ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao

Sinundan: 126 Hinahayag ng Cristo ng mga Huling Araw ang Misteryo ng Plano ng Pamamahala ng Diyos

Sumunod: 128 Ang Gawain ng Diyos ay Patuloy sa Pagsulong

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito