69 Awitin ang Iyong Taos-pusong Pagmamahal para sa Diyos

1 Narinig natin ang tinig ng Diyos at nagbalik tayo sa bahay ng Diyos, kung saan namumuhay tayo ng buhay-iglesia. Habang pinapastol ni Cristo, araw-araw tayong kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos at dumadalo sa piging ng kaharian ng langit. Sa pagsasagawa at pagdanas ng mga salita ng Diyos, nauunawaan natin ang katotohanan at pinalalaya ang ating mga kaluluwa. Dahil tiyak na si Cristo ang katotohanan, nalupig na ang ating mga puso, at matatag tayong sumusunod sa Diyos na may liwanag sa ating harapan. Mga kapatid, sama-sama tayong umawit! Awitin nang malakas ang pagmamahal sa Diyos na nasa puso natin. Inihahatid sa atin ng pagpapahayag ng Diyos ng katotohanan ang daan tungo sa buhay na walang-hanggan, at tinutulutan tayo ng katotohanan na maisabuhay ang wangis ng tao.

2 Inilalantad ng paghatol ng mga salita ng Diyos ang tunay na mukha ng katiwalian ng sangkatauhan, at ipinapakita ang katuwiran at kabanalan ng Diyos. Ang ating mga tiwaling disposisyon, ang ating mga pananalita at kilos—ang lahat ng ito ay nalalantad sa liwanag; dahil nadarama ang sukdulang pagsisisi, yumuyuko tayo sa harapan ng Diyos. Sa pagdanas ng mga pagsubok, nagiging malinaw sa atin ang ating kalikasan; nagsisisi tayo sa Diyos at nagsisimulang muli. Dahil tiyak na si Cristo ang katotohanan, nalupig na ang ating mga puso, at matatag tayong sumusunod sa Diyos na may liwanag sa ating harapan. Mga kapatid, sama-sama tayong umawit! Awitin nang malakas ang pagmamahal sa Diyos na nasa puso natin. Inihahatid sa atin ng pagpapahayag ng Diyos ng katotohanan ang daan tungo sa buhay na walang-hanggan, at tinutulutan tayo ng katotohanan na maisabuhay ang wangis ng tao.

3 Sa harap ng malupit na pang-aapi ni Satanas, hindi tayo umaatras; ginagabayan tayo ng mga salita ng Diyos upang mapagtagumpayan ang matitinding pagdurusa. Sa pag-unawa sa katotohanan, masusi nating nakikilala at mas malinaw na nalalaman kung ano ang mamahalin at kung ano ang kapopootan. Sumusumpa tayo sa ating mga buhay na tatalikuran si Satanas. Sa pagdanas ng mga pagsubok at matitinding pagdurusa, nagkakaroon tayo ng mas dakilang pagmamahal para sa Diyos sa puso natin; maayos nating ginagampanan ang ating mga tungkulin, at sinusuklian ang pagmamahal ng Diyos. Dahil tiyak na si Cristo ang katotohanan, nalupig na ang ating mga puso, at matatag tayong sumusunod sa Diyos na may liwanag sa ating harapan. Mga kapatid, sama-sama tayong umawit! Awitin nang malakas ang pagmamahal sa Diyos na nasa puso natin. Inihahatid sa atin ng pagpapahayag ng Diyos ng katotohanan ang daan tungo sa buhay na walang-hanggan, at tinutulutan tayo ng katotohanan na maisabuhay ang wangis ng tao.

Sinundan: 68 Ang Kaligayahan sa Mabuting Lupain ng Canaan

Sumunod: 70 Purihin ang Diyos Nang May Pusong Nagmamahal sa Kanya

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito