67 Umawit at Sumayaw sa Pagpupuri sa Diyos
1 Ang Cristo ng mga huling araw ay nagpapakita upang gumawa at iligtas ang tao. Pag-ibig ng Diyos ibinubunyag Niya sa pagdidilig, pagpapalusog at paggabay sa tao. Ang mga salita ng Diyos may pagsinta’t kapangyarihan, nilulupig nito ang ating mga puso. Ating kinakain, iniinom at tinatamasa ang mga salita ng Diyos, sa piging tayo’y dumadalo. Sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, pagbubulay at pagbabahagi nito, nililiwanagan tayo ng Banal na Espiritu, at nauunawaan natin ang katotohanan. Iwinawaksi natin mga ugnayang makasanlibuta’t tungkulin natin ay ginagampanan. Anong pagpapala itong makapasok sa kaharian ng Diyos!
2 Ang mga salita ng Diyos ay tulad ng matalim na espada na sa’ting kalikasa’y naglalantad. Ang ating pagmamataas, pagmamatuwid sa sarili’t panlilinlang, inilalantad sa liwanag. Sa pagdaranas ng paghatol at pagkastigo, nakikilala natin ang ating mga sarili. Ang tiwali nating disposisyo’y nililinis, at tayo’y nagiging mga bagong tao. Gumagawa nang may pakikiayon sa iba, ginagampanan natin ang ating tungkulin. Tayo’y nabibigo, bumabagsak at naghahanap ng katotohanan. Napakahalaga ng salita ng Diyos at ng katotohanan, tayo’y nililinis nito. Nakalaya sa impluwensya ni Satanas, papuri ng Diyos ating natatamo.
3 Natitiyak na si Cristo ang katotohanan, sumusunod tayo sa Kanya nang may di-natitinag na paninindigan. Binabalikat natin ang ating misyon upang sumaksi sa Diyos at sa Kanya’y lubos na tapat. Walang pangungutya o paninirang-puri ang sa’ti’y makapagpapaatras. Ginagawa ang ating tungkulin upang bigyang-lugod ang Diyos, kaluwalhatian ng Diyos ay inuuna. Hindi tayo manginginig sa takot kapag naharap sa pagbihag ni Satanas. Bagama’t matinding inuusig, palagi tayong magiging tapat. Sa pamamagitan ng mga pagsubok at mga kapighatian, tumitibay ang ating pag-ibig sa Diyos. Ganap nating tinatalikuran ang malaking pulang dragon at sumasaksing lubos.
Umawit at sumayaw sa pagpupuri sa Diyos, sa pagpupuri sa Diyos. Magpasalamat sa Diyos para sa paggabay sa’tin sa landas ng buhay. Tinatamasa natin ang mga salita ng Diyos araw-araw at nabubuhay sa Kanyang presensya. Hindi tayo kailanman hihinto sa pagpupuri’t pagpapatotoo sa katuwiran ng Diyos!