1016 Kapag Ganap Nang Dumating ang Kaharian
‘Pag ganap nang dumating ang kaharian sa lupa,
lahat ng tao’y mababawi’ng
orihinal na wangis nila.
I
Nasisiyahan ang Diyos
sa kaitaasan ng trono Niya,
naninirahan Siya kasama ng mga bituin.
At nag-aalay ang mga anghel
ng mga bagong awit
at mga bagong sayaw sa Kanya.
‘Di na sanhi ng pagtulo ng luha
sa mukha nila ang kahinaan nila;
‘di na umiiyak ang mga anghel
sa harapan ng Diyos.
Wala na ring nagrereklamo ng paghihirap.
‘Pag ganap nang dumating ang kaharian sa lupa.
‘Pag ganap nang dumating ang kaharian sa lupa.
Ang araw na natatamo ng Diyos
ang kaluwalhatian
ay ang pagtamasa ng tao
sa kanilang kapahingahan.
‘Di na sila nagkukumahog
dahil sa panggugulo ni Satanas.
Mundo’y ‘di na uunlad
at tao’y mabubuhay sa kapahingahan.
‘Pag ganap nang dumating ang kaharian sa lupa.
‘Pag ganap nang dumating ang kaharian sa lupa.
II
Ang napakaraming bituin sa kalawakan
ay ganap na binabago.
Mga bundok at ilog sa langit at lupa’y
binabago, pati ang araw at buwan.
At dahil ang tao at ang Diyos ay nagbago na,
lahat ng bagay ay magbabago rin.
Itong dakilang plano ng Diyos ay makakamtan.
Ito ang layon Niya sa huli.
‘Pag ganap nang dumating ang kaharian sa lupa.
‘Pag ganap nang dumating ang kaharian sa lupa.
‘Pag ganap nang dumating ang kaharian sa lupa.
‘Pag ganap nang dumating ang kaharian sa lupa.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 20