1014 Ang Kagandahan ng Kaharian

Kumikilos ang Diyos sa ibabaw

ng lahat, nagmamasid.

Walang tao ni bagay ay tulad ng dati.

Siya’y namamahinga sa trono,

sumasandig sa sansinukob.

Ito ang kinalabasan ng gawain ng Diyos.


Mga hinirang ng Diyos bumabalik sa unang anyo,

mga anghel napalaya sa sakit, tulad ng sabi Niya,

ang kanilang mukha’y gaya ng banal na isa sa puso ng tao.

Dahil mga anghel ay naglilingkod sa Diyos sa lupa’t

luwalhati Niya’y lumalaganap sa mundo,

langit ay ‘binaba sa lupa, lupa’y ‘tinaas sa langit.

Sila’y inuugnay ng tao.

Langit at lupa’y ‘di na magkahiwalay;

langit at lupa’y naging isa.

Diyos at tao’y magpakailanmang magkakasundo.

Diyos at tao ay laging magkakasundo,

‘di kailanman magkakabukod.

Ito ang kagandahan ng kaharian.

Ito ang kagandahan ng kaharian.


Sa buong mundo mayro’n lang tao at Diyos.

Walang dumi, lahat ng bagay ay parang bago,

gaya ng mga munting tupa sa luntiang damuhan,

tinatamasa ang biyaya ng Diyos.

Pagkaluntia’y nagdadala ng buhay,

pagka’t Diyos ay kasama ng tao

sa lupa magpakailanman.

Tabernakulo Niya’y nasa mundo ng tao,

Diyos ay nasa Sion muli. (Pagkatalo ni Satanas.)

Magiging araw ng pahinga ng Diyos ito

ginugunita’t ‘pinapahayag ng lahat.

Gawain Niya sa lupa’y

matatapos ‘pag Siya’y nasa trono.

Misteryo Niya’y ‘pinakikita.

Langit at lupa’y ‘di na magkahiwalay;

langit at lupa’y naging isa.

Diyos at tao’y magpakailanmang magkakasundo.

Diyos at tao ay laging magkakasundo,

‘di kailanman magkakabukod.

Ito ang kagandahan ng kaharian.

Ito ang kagandahan ng kaharian.

Kumikilos ang Diyos sa ibabaw

ng lahat, nagmamasid.

Walang tao ni bagay ay tulad ng dati.

Siya’y namamahinga sa trono,

sumasandig sa sansinukob.

Ito ang kinalabasan ng gawain ng Diyos.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 16

Sinundan: 1013 Hindi Inililigtas ng Diyos ang Masasama

Sumunod: 1015 Ang Pinakadakilang Pagpapala na Ipinagkakaloob ng Diyos sa Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito