504 Ang Pagdurusa para sa Pagsasagawa ng Katotohanan ay Lubos na Makabuluhan

1 Inihayag na ng Diyos ang Kanyang mga salita sa inyo, at ang inyong susunod na hakbang ay ang talagang isagawa ang mga ito. Habang isinasagawa ninyo ang mga salitang ito, isasakatuparan ng Diyos ang gawain ng pagliliwanag at pagpatnubay. Ganyan iyon nararapat na gawin. Sa kaibuturan nito, ang inyong mithiin ay ang hayaang magkabisa ang salita ng Diyos sa inyong kalooban. Sa madaling salita, ito ay ang magkaroon ng isang tunay na pagkaunawa sa salita ng Diyos sa inyong pagsasagawa nito. Marahil ay wala kayong gaanong kakayahang unawain ang salita ng Diyos, ngunit kapag isinasagawa ninyo ang salita ng Diyos, maaari Niyang punan ang kakulangang ito, kaya hindi lamang ninyo kailangang malaman ang maraming katotohanan, kundi kailangan din ninyong isagawa ang mga ito. Ito ang pinakadakilang pagtutuon na hindi maaaring balewalain.

2 Tiniis ni Jesus ang maraming kahihiyan at pagdurusa sa Kanyang tatlumpu’t tatlong kalahating taon. Nagdusa Siya nang labis dahil lamang sa isinagawa Niya ang katotohanan, ginawa ang kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay, at nagmalasakit lamang sa kalooban ng Diyos. Ito ay pagdurusang hindi sana Niya dinanas kung nalaman Niya ang katotohanan nang hindi iyon isinasagawa. Kung sinunod ni Jesus ang mga turo ng mga Judio at sinunod ang mga Fariseo, hindi sana Siya nagdusa. Matututuhan mo mula sa mga gawa ni Jesus na ang bisa ng gawain ng Diyos sa tao ay nagmumula sa pakikipagtulungan ng tao, at ito ay isang bagay na kailangan ninyong kilalanin. Nagdusa kaya si Jesus na tulad ng dinanas Niya sa krus kung hindi Niya isinagawa ang katotohanan? Nanalangin kaya Siya ng napakalungkot na panalangin kung hindi Siya kumilos alinsunod sa kalooban ng Diyos? Samakatuwid, dapat kayong magdusa alang-alang sa pagsasagawa ng katotohanan; ito ang uri ng pagdurusang dapat danasin ng isang tao.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Sandaling Maunawaan Ninyo ang Katotohanan, Dapat Ninyo Itong Isagawa

Sinundan: 503 Talikdan ang Laman para Makita ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos

Sumunod: 505 Ang Pagdurusa para sa Pagsasagawa ng Katotohanan ay Tumatanggap ng Papuri ng Diyos

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messnger