503 Talikdan ang Laman para Makita ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos
Ⅰ
Kung totoong mahal mo ang Diyos,
at ‘di pinasasaya ang laman,
makikitang lahat ng gawain Niya ay tama at mabuti.
Ang sumpa Niya sa’yong paghihimagsik
at hatol sa’yong ‘di pagkamatuwid,
ito’y tama, at tunay na makatwiran.
Minsa’y patitibayin ka Niya gamit ang kapaligiran.
Ididisiplina’t itutuwid ka, nang mapilitang lumapit sa Kanya.
Madarama’ng gawain Niya’y kay ganda,
at wala nang gaanong sakit.
Madarama mo ang pagiging kaibig-ibig Niya.
Dapat mong labanan ang laman,
at huwag magpatalo rito.
Ito ang dapat mong pasya,
“Ang pamilya ko’t inaasam ay walang halaga.
Sa puso ko ay ang Diyos lamang.
Dapat kong sikaping bigyang
kasiyahan Siya at hindi ang laman.”
Ⅱ
Kung natatalo ka ng laman
at sinasabi mong sobra na ang Diyos,
lagi kang masasaktan, at palaging malulumbay.
Lalabo sa’yo ang gawain Niya
awa Niya’y ‘di makikita sa kahinaan at paghihirap ng tao.
Madarama mo ay kalungkutan, tila hindi makatarungan.
Sa oras na ‘to, ikaw ay magrereklamo.
Dapat mong labanan ang laman,
at huwag magpatalo rito.
Ito ang dapat mong pasya,
“Ang pamilya ko’t inaasam ay walang halaga.
Sa puso ko ay ang Diyos lamang.
Dapat kong sikaping bigyang
kasiyahan Siya at hindi ang laman.”
Ⅲ
‘Pag bumigay ka sa kahinaan ng laman,
lalo mong madarama na sobra na ang Diyos,
hanggang sa tinatanggi mo na’ng
gawain Niya’t nilalabanan Siya,
hanggang ikaw ay mapuno na ng pagsuway.
Dapat mong labanan ang laman,
at huwag magpatalo rito.
Ito ang dapat mong pasya,
“Ang pamilya ko’t inaasam ay walang halaga.
Sa puso ko ay ang Diyos lamang.
Dapat kong sikaping bigyang
kasiyahan Siya at hindi ang laman.”
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos