157 Mayroong Gayong Grupo ng Tao
1 Mapalad kaming marinig ang tinig ng Diyos at makadalo sa salu-salo ng kaharian ng langit. Kumakain at umiinom kami ng mga salita ng Diyos at ibinabahagi ang katotohanan; walang kapantay na kasiya-siya ang buhay-iglesia. Naunawaan namin ang katotohanan at napalaya; umaawit at sumasayaw kami, at pinupuri ang Diyos nang may pinakamarubdob na damdamin. Dumating na sa mundo ang banal na lungsod sa langit; namumuhay kami sa duyan ng kaligayahan.
2 Tumutunog ang sirena ng pulis sa hindi kalayuan. Sumasambulat sa pintuan ang mga sundalo ng malaking pulang dragon. Sa isang putok ng baril, sinasabi nila sa lahat na huwag gumalaw, subalit desperado kaming lahat na tumatakas sa bawat direksyon. Nagtitipon kami katulad ng dati upang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos. Takot na takot ang mga duwag. Ang mga tunay na ninanasa ang Diyos ay nagpapatuloy sa kabila ng panganib—mayroong mga nangangahas na tahakin ang makipot na landas na ito.
3 Dumudurog sa aming mga puso ang pagsubok sa mga taga-serbisyo; sa pagpipino, umaagos sa mga ilog ang aming mga luha. Sumusumpa kami ng panunumpa ng katapatan na gumawa ng serbisyo hanggang sa huli, at sa aming kawalang pag-asa nakikita namin ang kamay ng Diyos. Dahil handa kaming magserbisyo, nagiging mga tao kami ng Diyos; nang magkahalo ang galak at pighati, nadarama namin ang labis na utang na loob sa Diyos. Sa ganitong takbo ng pagmamahal sa Diyos, desidido kaming lahat na mahalin Siya nang totoo.
4 Dumarating na parang buhos ng ulan ang magkakasunod na sipi ng mga salita ng Diyos upang hatulan kami. Tumatagos ang mga ito sa aming mga puso na parang matalim na espada. Nalupig ang lahat, nalulugmok sa lupa, namumuhay sa di-mailarawang sakit ng paghihirap. Maputla ang aming mga mukha at ang aming kahihiyan ay higit sa kayang tiisin. Ganap nang naibunyag ang katotohanan ng aming katiwalian. Naunawaan namin ang katotohanan at nakilala ang aming mga sarili, at tinatanggap namin ang pangangasiwa ng Diyos nang walang karaingan.
5 Lubos akong kumbinsido ng paghatol ng mga salita ng Diyos; sa mga pagsubok at pagdurusa, natamo ko na ang biyaya ng kaligtasan. Nagiging mas praktikal ang aking paniniwala, mayroon akong tunay na pananampalataya, at pinupuri ko ang pagiging makapangyarihan sa lahat ng Diyos at ang Kanyang karunungan. Sa mga pagsubok at pagdurusa, umaasa ako sa Kanya. Ang pagkakatawang-tao ang praktikal na Diyos. Hindi ako mapapaalis sa tunay na daan. Naging mabuti ko nang kaibigan ang “taga-serbisyo.”
6 Desidido akong maging isang bagong tao. Ang budhi at katinuan ang mga palatandaan ng pagkatao. Ang masasama ay gumagawa ng masasamang bagay, at inilalantad at inaalis. Ang mga nagsasagawa ng katotohanan ay sinasang-ayunan ng Diyos. Matibay ang aming kalooban na sumunod sa Diyos at mananatili kaming matapat hanggang sa kamatayan; ang mga pagsubok at pagdurusa ay gumagawa ng isang grupo ng mananagumpay. Hinahangad namin ang katotohanan, at may magagandang patotoo ang lahat, at ang mga nagmamahal sa Diyos ay ginagawang perpekto.