158 Sino ang Mapagsaalang-alang sa Puso ng Diyos?
Ⅰ
Nasa kadiliman ang mundo, napakabangis ng mga demonyo.
Nagpakita at gumawa na ang Diyos, nagdurusa sa pagtugis at paninisi.
Nagpapahayag ang Diyos ng katotohanan, ngunit tinatanggihan ng kapanahunan.
Wala Siyang unan para makapagpahinga, nagdusa ng matinding kahihiyan.
Hinahatulan at sinisiraan Siya ng mga kalabang puwersa ng relihiyon.
Nangyayari muli ngayon ang mga kasawian ni Jesus.
Dahil hindi kilala ang Diyos, ipinapako nila Siyang muli.
Napakalupit at sama nila, mas masahol pa kaysa noong panahon ni Jesus.
Gumagawa ang Diyos ng dakilang gawain, ngunit walang nakakaunawa sa Kanya.
Napakalungkot ng puso ng Diyos; sino ang maaaring maging mapagsaalang-alang sa puso Niya?
Napakamapanghimagsik ng sangkatauhan; darating ang sakuna.
Matutupad ang lahat ng mga salita ng Diyos, mabibigyang-wakas si Satanas.
Ⅱ
Kahit maraming mananampalataya, kaunti lamang ang nakakakilala sa Diyos.
Pumupunta kami sa lahat ng dako, ngunit mahirap ang magpatotoo.
Nagdadala ng kapahamakan ang pagpapatotoo sa pagpapakita ng Diyos.
Pinalayas mula sa bahay ng mga tao; hinahabol nila kami nang may dalang mga panaksak at pamalo.
Namumuo ang luha sa aming mga mata, nasasaktan ang mga puso namin dahil sa pighati.
Ang daan ng krus ay mahirap, magkahalo ang dugo at luha.
Nagkalat ang mga diyos-diyosan, at sinasaktan ng masasamang tagapaglingkod ang kapwa.
Kilala sila na nananampalataya sa Diyos, ngunit sumusunod sa mga huwad na pastol.
Gumagawa ang Diyos ng dakilang gawain, ngunit walang nakakaunawa sa Kanya.
Napakalungkot ng puso ng Diyos; sino ang maaaring maging mapagsaalang-alang sa puso Niya?
Napakamapanghimagsik ng sangkatauhan; darating ang sakuna.
Matutupad ang lahat ng mga salita ng Diyos, mabibigyang-wakas si Satanas.
Kaya nasaan ang mga nagmamahal sa Diyos? Nasaan ang mga naghahanap?
Tumatawag ang Diyos, kumakatok sa pinto, ngunit ang pinto ay mahigpit na nakasara.
Naibigay na ng Diyos ang Kanyang dugo, pawis, at luha upang iligtas ang tao.
Ilang taon na Siyang gumagawa, ipinapalaganap ang pagmamahal sa sangkatauhan.