156 Ang Pagmamahal Ko sa Diyos ay Hindi Kailanman Magbabago
I
Buong buhay na paghihirap,
pagala-gala sa hangin at ulan;
sino’ng makakabatid sa pagdurusa Niya?
Sa mapagkumbabang katawan,
Siya’y matiyagang gumagawa—
ngunit pag-ibig ng tao’y mahirap makamit.
Binigkas na Niya’ng mga salitang ‘di mabilang;
upang tao’y iligtas, Siya’y nagpapagal
at nagdurugo nang ilang dekada.
Puso’t pag-ibig ng Diyos—
tao’y kailan ‘to mauunawaan,
upang mapaginhawa nila ang Diyos?
Nilulupig ng mga salita ng Diyos ang puso ko;
matatag kong susundan ang Diyos
hanggang sa wakas at
mangangako ng katapatan
hangga’t ako’y may natitira pang hininga,
hangga’t ako’y may natitira pang hininga.
II
Sa mga salita ng Diyos,
nauunawaan ko’ng katotohanan
at alam kung pa’no maging tao.
Sa mga salita ng Diyos,
kita ko ang lahat ng bagay;
katotohanan lang ang pinakamahalaga.
Ga’no man katindi’ng pagsubok,
nais ko lang matamo’ng katotohanan.
Pag-ibig sa Diyos ang pinakamakabuluhan.
Tungkulin ko’y tapat kong tutuparin
at huling pagdurusa’y titiisin
upang magpatotoo sa Diyos
at Siya’y luwalhatiin.
Puso ko’y inaalay ko sa Diyos;
nais ko lang na suklian ang pag-ibig Niya.
Mga salita Niya’y dinadalisay ako.
Pag-ibig ko sa Diyos ay ‘di magbabago.
Pag-ibig ko sa Diyos ay ‘di magbabago.
Puso ko’y inaalay ko sa Diyos;
nais ko lang na suklian ang pag-ibig Niya.
Mga salita Niya’y dinadalisay ako.
Pag-ibig ko sa Diyos ay ‘di magbabago.
Pag-ibig ko sa Diyos ay ‘di magbabago.