195 Magpapasakop Ako sa mga Pagsasaayos ng Diyos sa Lahat ng Bagay

O Diyos, ipinahahayag Mo ang katotohanan

para iligtas ang sangkatauhan sa mga huling araw.

Narinig ko ang tinig Mo at nadala sa harap ng Iyong trono.

Ang paghatol at paglilinis Mo,

malinaw kong nakikita ang tunay Mong pag-ibig.

Maglinis at magligtas ang tanging ginagawa Mo.

Kahit na ako ay nagdusa, nakikita ko ang kagandahang loob Mo.

Pagmamahal at biyaya ang paghatol Mo, gusto kong sundin Ka

sa lahat ng Iyong mga pagsasaayos.

O Diyos, nauunawaan ko ang kalooban Mo.

Ipagkaloob Mo man ay paghatol,

pagkastigo, o ang Iyong biyaya,

lahat ng ginagawa Mo’y para iligtas ang tao.

O Diyos, lubos Kang kaibig-ibig,

determinado akong sumunod sa Iyo nang tapat.

Anuman ang harapin ko, anuman ang pagdusahan ko,

nabubuhay lamang ako upang matamo ang katotohanan at buhay.


O Diyos, nililinis ako ng paghatol ng Iyong mga salita.

Kapag dinaranas ko, kita ko pagmamahal at pagpapala.

Kapag Ika’y humahatol, kumakastigo’t sinusubok,

palagi Kang nasa tabi ko.

Kasama Kita ‘pag ako’y nasasaktan,

inaaliw ako at nangunguna.

Ginagamit mga tao, mga usapin,

at mga bagay para gawin akong perpekto,

upang malaman ko ang katotohanan at makilala Ka.

Pag-ibig ang paghatol Mo,

binubunyag ng pagpapalang ito

ang kapangyarihan at karunungan Mo.

O Diyos, nauunawaan ko ang kalooban Mo.

Ipagkaloob Mo man ay paghatol, pagkastigo, o ang Iyong biyaya,

lahat ng ginagawa Mo’y para iligtas ang tao.

O Diyos, lubos Kang kaibig-ibig,

determinado akong sumunod sa Iyo nang tapat.

Anuman ang harapin ko, anuman ang pagdusahan ko,

nabubuhay lamang ako upang matamo ang katotohanan at buhay.


Kahit na ibigay ako sa kapangyarihan ni Satanas,

tatayong saksi pa rin ako at luluwalhatiin ang Diyos.

Ang Diyos ay banal at matuwid,

at pupurihin ko Siya magpakailanman.

O Diyos, nauunawaan ko ang kalooban Mo.

Ipagkaloob Mo man ay paghatol, pagkastigo, o ang Iyong biyaya,

lahat ng ginagawa Mo’y para iligtas ang tao.

O Diyos, lubos Kang kaibig-ibig,

determinado akong sumunod sa Iyo nang tapat.

Anuman ang harapin ko, anuman ang pagdusahan ko,

nabubuhay lamang ako upang matamo ang katotohanan at buhay,

upang matamo ang katotohanan at buhay.

Sinundan: 194 Pagkamtan ng Pagpapadalisay sa mga Salita ng Diyos

Sumunod: 196 Minamahal ang Diyos Nang Walang Pagsisisi o Hinaing

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kaugnay na Nilalaman

998 Ang Mensahe ng Diyos

ⅠNakaraa’y lumipas na,huwag na ditong kumapit pa.Nanindigan kayo kahapon.Maging tapat sa Diyos ngayon.Ito’ng dapat n’yong malaman.Kahit...

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messnger