194 Pagkamtan ng Pagpapadalisay sa mga Salita ng Diyos

1 Sa loob ng maraming taon, nanampalataya ako sa Diyos at umasal nang mabuti, iniisip na nakapagsisi na ako at nagbago. Gumawa ako ng kaunting gawain, at pagkatapos ay humingi sa Diyos ng mga pagpapala; inisip ko na tama lamang iyon at angkop. Nangaral lamang ako ng mga kaalaman at teoryang teolohikal, at inakalang taglay ko ang katotohanan. Pagkatapos lamang akong hatulan at kastiguhin ng mga salita ng Diyos ko nakita ang liwanag. Wala ako ni katiting na pag-unawa sa katotohanan at sa buhay; ang ninais ko lamang ay magtamo ng pagpapala ng kaharian ng langit kapalit ng aking paggawa, pagdurusa at pagbabayad ng halaga. Hindi ko kailanman isinagawa o naranasan ang mga salita ng Panginoon, ngunit ninais ko pa ring makamit ang Kanyang papuri. Subalit ngayon, napagtanto ko nang nabulag ako ng mga kuro-kuro at haka-haka ko. Kung hindi dahil sa paghatol at pagliligtas ng Diyos, namumuhay pa rin ako sa kadiliman.

2 Lahat ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, at kumakausap sa kaibuturan ng aking puso. Ang Kanyang mga paghatol at paghahayag ay totoong lahat; wala akong mapagtaguan ng mukha ko sa kahihiyan. Sakim at makasarili ang kalikasan ko; nanalig lamang ako sa Panginoon upang magtamo ng mga gantimpala. Nangusap ako tungkol sa kung gaano ko Siya kamahal, ngunit sa kaibuturan ko, ang pagmamahal ko ay para sa mundo at makalamang kasiyahan. Kahit tila mabait ako, puno ng mga satanikong disposisyon ang puso ko. Gumawa at nangaral lamang ako para sa posisyon, at walang anumang paggalang sa Diyos. Sa bawat salita at kilos ko, ako ay gumaganap lamang ng mga relihiyosong ritwal na walang kaugnayan sa katotohanan. Napakatiwali ko; paano ako magiging karapat-dapat pumasok sa kaharian ng langit nang hindi muna hinahatulan at dinadalisay? Napagtanto ko na ngayon na ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ay ang aking kaligtasan.

3 Pinamamahalaan ng Diyos ang lahat at pinangangasiwaan ang lahat ng kapaligiran. Araw-araw ay maraming matututunan. Pinatatahimik ko ang puso ko sa harap ng Diyos at binabasa ang mga salita Niya, palaging nabubuhay sa Kanyang presensiya. Habang ginagampanan ang aking tungkulin at isinasagawa ang Kanyang mga salita, nakikita kong napakarami kong kakulangan. Sa pagmumuni-muni sa aking katiwalian, nakikita kong hindi ko isinasabuhay ang normal na pagkatao. Sa pamamagitan ng paghatol, pagdaan sa mga pagsubok, pagtatabas at pagwawasto, natitikman ko ang pagmamahal ng Diyos. Dinadala ko ang mga salita Niya sa aking totoong buhay at hinahangad ko ang katotohanan sa lahat ng bagay. Sa mga praktikal na karanasan ko, nakikita kong ang bawat salita ng Diyos ay ang katotohanan. Sa pagkilos ko ayon sa mga salita ng Diyos, unti-unting nadadalisay ang aking mga tiwaling disposisyon. Sa paggalang sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan, namumuhay ako sa Kanyang harapan.

Sinundan: 193 Muli Akong Itinataas ng mga Salita ng Diyos

Sumunod: 195 Magpapasakop Ako sa mga Pagsasaayos ng Diyos sa Lahat ng Bagay

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

IKung ang tanongay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.Ang Diyos ay ‘di mapapabayaano maiiwan sa likod ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito