Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Dapat Hangarin Mong Magkaroon ng Kusang-loob na Pag-ibig sa Diyos

Bilis

`

Dapat Hangarin Mong Magkaroon ng Kusang-loob na Pag-ibig sa Diyos

I

Ngayo'y kailangan mong tahakin ang tamang landas

dahil naniniwala ka sa praktikal na Diyos.

Sa pagsampalataya, huwag lang hangarin ang pagpapala Niya,

kundi hangaring mahalin at makilala ang Diyos.

Sa Kanyang pagliliwanag at sa iyong paghahanap,

totoong unawain ang Diyos,

magkaroon ng tunay na pag-ibig sa puso mo.

Kapag tunay ang pag-ibig mo sa Diyos,

na walang makakasira o makahahadlang,

nasa tamang landas ka ng pananampalataya.

Kapag tunay ang pag-ibig mo sa Diyos,

oo, pinatutunayan nito na pag-aari ka ng Diyos,

dahil ang puso mo'y inaangkin ng Diyos,

at walang ibang sumasakop sa iyo.

Kapag tunay ang pag-ibig mo sa Diyos,

oo, pag-ibig mo sa Diyos ay tunay.

II

Dahil sa binabayara't dinaranas mo,

at sa gawa ng Diyos, may kusang pag-ibig ka.

Sa gayon pinalaya ka sa impluwensya ni Satanas,

at nabubuhay ka sa liwanag ng mga salita Niya.

Kung nakalaya ka sa madilim na puwersa,

masasabing nakamtan mo ang Diyos.

Sa pananampalataya mo, hangarin itong mithi.

Ito ang tungkulin mo.

Kapag tunay ang pag-ibig mo sa Diyos,

na walang makakasira o makahahadlang,

nasa tamang landas ka ng pananampalataya.

Kapag tunay ang pag-ibig mo sa Diyos,

patunay ito na pag-aari ka ng Diyos,

dahil ang puso mo'y inaangkin ng Diyos,

at walang ibang sumasakop sa iyo.

Kapag tunay ang pag-ibig mo sa Diyos,

oo, pag-ibig mo sa Diyos ay tunay.

III

Wag masiyahan sa lagay ng mga bagay-bagay.

'Di kayo maaaring 'di lubos ang puso sa gawain ng Diyos,

o bale-walain ang gawain ng Diyos.

Sa lahat ng larangan, isipin ang Diyos sa lahat ng oras.

Gawin lahat para sa kapakanan N'ya, unahin tahanan ng Diyos,

kapag ikaw ay nagsasalita o gumagawa.

Ito'y ayon sa kalooban ng Diyos.

Kapag tunay ang pag-ibig mo sa Diyos,

na walang makakasira o makahahadlang,

nasa tamang landas ka ng pananampalataya.

Kapag tunay ang pag-ibig mo sa Diyos,

patunay ito na pag-aari ka ng Diyos,

dahil ang puso mo'y inaangkin ng Diyos,

at walang ibang sumasakop sa iyo.

Kapag tunay ang pag-ibig mo sa Diyos,

oo, pag-ibig mo sa Diyos ay tunay.

oo, pag-ibig mo sa Diyos ay tunay.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ang mga Naninindigan sa Kapighatian ang mga Mananagumpay

Sumunod:Ang Paghatol ng Salita ng Diyos Ay Upang Iligtas ang Tao

Baka Gusto Mo Rin