275 Isang Awit ng Magiliw na Babala
1 Si Cristo ay nagtagumpay. Si Cristo ay nagtagumpay. Sundin ang Diyos, magkamit ng katotohanan, at lakarin ang landas ng buhay. Hangarin ang teolohiya, ipangaral ang teoriya, at parehong mapinsala ang sarili mo at ang ibang tao. Sa pangangaral ng doktrina at pagkapit sa mga patakaran, tunay na walang realidad. Ang pagsigaw ng mga salawikain at hindi pagsasagawa ay malinaw na pandaraya sa Diyos. Ang pakikipagpaligsahan para sa katayuan at paghahangad ng katanyagan ay pagmamataas at pag-aakalang mas matuwid kaysa sa iba. Ang pagsunod sa sariling mga pagnanasa at paglabag sa katotohanan ay paglaban sa Diyos. Ang pagkimkim ng mga kuro-kuro at paglaban sa Diyos sa iyong puso ay ang pagsalungat sa Kanya. Ang isang taong hindi nakakaintindi at nakikinig sa lahat ay talagang isang hangal. Ang isang taong sumasamba sa tao at sumusunod sa tao, sa katunayan ay isang hindi mananampalataya. Sa pag-asa sa kanilang mga talento at pagdepende sa kanilang mga sarili, wala silang anumang makakamit. Tanging ang taong natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan ang marunong. Ang pagganap sa tungkulin nang may mga prinsipyo ay nagkakamit ng papuri ng Diyos. O, o, o, si Cristo ang katotohanan magpakailanman. O, o, o, si Cristo ang katotohanan magpakailanman.
2 Si Cristo ay nagtagumpay. Si Cristo ay nagtagumpay. Ang matatapat na tao ay hindi pabaya o daskol sa kanilang mga tungkulin. Ang mapanlinlang na mga tao ay maaaring magsikap nang kaunti, ngunit wala silang katapatan. Ang isang mabuting puso at mabubuting gawa ay dapat na makatagpo ang kaligtasan ng Diyos. Ang isang mapaminsalang puso at masamang pagkatao ay dapat ilantad ng Diyos. Ang isang taong naghahangad ng biyaya at tumatangging mahatulan ay isang taong pinagtataksilan ang Diyos. Ang pagsasagawa sa mga salita ng Diyos at pagkakaroon ng realidad ay dapat na makatagpo ang pagpapala ng Diyos. Ang paglikha ng pagkakahati at panlilinlang sa mga tao ay mga gawa ni Satanas. Ang pagtatatag sa sarili at pagpilit sa ibang tao na magpasakop sa iyo ay tunay na sukdulang pagmamataas. Ang pagbihag sa iba at pagtatayo ng sariling kaharian ay ginagawang demonyo at anti-Cristo ang isang tao. Ang isang taong sumusunod sa Diyos at namumuhay ayon sa Kanyang mga salita ay tunay na marunong. Ang pagpapatotoo sa Diyos at pagdadakila sa Kanya ay tunay na serbisyo. Ang pagmamahal sa Diyos at pagsasagawa ng katotohanan ay ang landas ng tagumpay ni Pedro. O, o, o, si Cristo ang katotohanan magpakailanman. O, o, o, si Cristo ang katotohanan magpakailanman.