276 Laging Sumunod sa Diyos
Naririnig ko ang tinig ng Diyos, bumalik sa Kanya.
Tinatanggap ko ang pagdidilig ng Kanyang mga salita.
Nararanasan ko ang paghatol at mga pagsubok,
nagdurusa ako ng matinding pasakit at nalinis ako.
Ⅰ
Mula sa mga problema at kabiguan, mula sa pagdurusa at pasakit,
pinipigilan nang maraming beses, nagtatamo ng lakas sa aking pag-ibig sa Diyos.
Ang Diyos ay matuwid, nasa Kanyang puso ang kabutihan.
Nagpipitagan ako sa Kanya, hindi ko matiis na mawalay.
Sumusunod tayo sa Diyos, lagi tayong susunod sa Diyos.
Tumatanggap tayo ng paghatol, patuloy na nagsisikap, naghahangad na magbago.
Itinatakwil natin ang katiwalian, nagbago ang ating disposisyon,
isinasabuhay natin ang wangis ng tao. Ang paghatol ng Diyos ay pag-ibig,
ito ang Kanyang dakilang pagliligtas. Ang Kanyang dakilang pagliligtas ay pag-ibig.
Ⅱ
Ang tao ay alabok, maliit, hamak, ngunit nakamtan ang pagliligtas ng Diyos.
Nabubuhay tayo sa dangal ng tao, nagbago ang ating disposisyon.
Sa paghatol, pagkastigo, sumasaatin ang pag-ibig ng Diyos.
Personal na gumagawa ang Diyos para gawing perpekto at baguhin tayo.
Sumusunod tayo sa Diyos, lagi tayong susunod sa Diyos.
Walang pagtatawaran, at walang karumihan.
Tungkulin nati’y ating ginagampanan, kaya misyon nati’y kumpleto na.
Kapag puso ng Diyos ay nalugod, naaaliw ang Diyos,
ang ating espiritu kung gayo’y nasisiyahan.
Ⅲ
Walang buhay sa pagtatamasa lamang ng biyaya ng Diyos.
Lahat ay hungkag sa katapusan kung katotohana’y di matamo.
Buhay ng tao’y napakaikli, pagmamahal sa Diyos ang pinakamataas.
Magpatotoong mabuti para sa Diyos, wala tayong pagsisisihan sa buhay.
Sumusunod tayo sa Diyos, lagi tayong susunod sa Diyos.
Gaano man kagaspang
ang daan ng kaharian,
hindi ako tatalikod sa kabila ng
pang-aapi’t kahirapan.
Mga salita ng Diyos ay inaakay ako, binibigyan ako ng pananampalataya.
Sinusundan natin ang mga hakbang ng Diyos,
nagpapakasipag para makasulong.
Mahal natin ang Diyos at hindi tayo tumatalikod.
Sumusunod tayo sa Diyos, lagi tayong susunod sa Diyos.
Sa pagliligtas sa sangkatauhan, inaalay Niya ang lahat.
Hawak ng pag-ibig ng Diyos ang ating puso,
at hindi tayo tatalikod kailanman.
Lagi tayong susunod sa Diyos.