274 Kilalanin na si Cristo ang Katotohanan Magpakailanman
1 Noon, nang manalig ako sa Panginoon, wala akong alam sa realidad ng katotohanan. Hindi ko matukoy kung sino ang tunay na mga lider, at ang huwad na mga lider at mga anticristo. Iginagalang, sinasamba, at sinusunod ko ang sinumang makapagpaliwanag ng mga teorya ng Biblia. Akala ko sinumang nagsikap o naghirap nang matindi para sa iglesia ay isang mabuting lider. Walang muwang na inisip ko na sa pagsunod sa kanila, makakapasok ako sa kaharian ng langit.
2 Matapos kong dumanas ng paghatol, saka ko lang napagtanto kung gaano kahangal at katawa-tawa ang iniisip ko. Hindi ko nakilala ang mga tao kailanman sa pamamagitan ng katotohanan, kundi sa pamamagitan ng mga pagkaunawa at imahinasyon. Ginawa ko ang anumang sinabi ng lider at inakala ko na sinusunod ko ang Diyos. Sinamba ko ang katayuan at kapangyarihan; wala ni katiting na lugar ang Diyos sa puso ko. Ngayon ko lamang napagtanto kung gaano ako talaga kamali sa aking pananalig sa Diyos.
3 Ngayon, pinahahalagahan ko kung gaano kahirap matamo ang katotohanan at ang buhay sa pananalig sa Diyos. Sa pagdanas lamang ng paghatol ng Diyos at sa pagsasagawa ng katotohanan ko tunay na makikilala ang Diyos. Kapag hindi kilala ng mga tao ang Diyos, gaano man kabuti ang kanilang pag-uugali, pagpapaimbabaw pa rin iyon. Gaano man kabuti ang mga pagkaunawa at imahinasyon ng mga tao, mali at hindi kaayon ang mga iyon ng katotohanan. Ang mga salita ng Diyos lamang ang katotohanan, ang Kanyang mga salita lamang ang maaaring maglinis at magligtas sa mga tao.
4 Kapag nananalig tayo sa Diyos, kailangan nating manalig na si Cristo ang katotohanan, at hindi tayo dapat sumunod sa mga tao. Kapag nauunawaan natin ang katotohanan at nakikilala ang Diyos, natural nating matutukoy ang iba’t ibang uri ng tao. Kapag nananalig tayo sa Diyos, kailangan lamang nating sumunod sa mga katotohanan ng mga salita ng Diyos, at maging maingat sa mga tao. Kung wala ang katotohanan, kung wala ang kakayahang matukoy ang pagkakaiba, malamang na malinlang tayo, at maghatid ng kapahamakan sa ating mga sarili. Kapag tinanggap natin na si Cristo ang katotohanan magpakailanman, saka lamang tayo tapat na makasusunod hanggang sa huli.