66 Papuri para sa Bagong Buhay sa Kaharian
Ⅰ
Papuri para sa bagong buhay sa kaharian.
Narinig na namin ang tinig ng Diyos at nakabalik na sa Kanyang Sambahayan.
Dumadalo kami sa piging, kumakain at umiinom ng Kanyang mga salita.
Nagpapaalam kami sa mga kalungkutan, dinaranas namin ang isang bagong buhay.
Sumasaamin ang mga salita ng Diyos araw-araw, nasisiyahan kami sa mga ito.
Sa pagbabahagi ng katotohanan, lumiliwanag ang aming mga puso.
Pinagbubulayan namin ang mga salita ng Diyos, binibigyan kami ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu.
Sa pagkaalam sa katotohanan at napalaya,
ang aming mga puso ay kasintamis ng pulot-pukyutan.
Nawala na ang lahat ng pagkiling, namumuhay kami sa pag-ibig ng Diyos.
Minamahal namin ang isa’t isa, walang agwat sa pagitan namin.
Nauunawaan namin ang puso ng Diyos, wala na ang pagiging negatibo.
Sa pamumuhay sa mga salita Niya, nakikita namin ang Kanyang pagiging kaibig-ibig.
Sa patnubay ng Diyos, tinatahak namin ang landas ng liwanag.
Umaawit kami ng mga papuri sa Diyos, kami ay sumasayaw nang sumasayaw.
Pinupuri namin ang aming bagong buhay, maligaya sa kaharian ng Diyos.
Ganap na kaming nailigtas ng Diyos, kami ay naging Kanyang mga tao.
Ang pagiging naitaas sa harap ng Kanyang trono ay isang kagalakang walang katulad.
Ⅱ
Papuri para sa bagong buhay sa kaharian.
Ang mga salita ng Diyos ay mahalaga at buong katotohanan.
Ang paghatol ng mga ito ay ibinubunyag ang aming katiwalian.
May mapagmataas na disposisyon, talagang wala kaming katwiran.
Tinatabas at winawasto kami ng mga salita ng Diyos,
nakilala na namin ang aming sarili.
Kinamumuhian ang aming sarili, mayroon kaming tunay na pagsisisi.
Sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ay nalinis kami.
Isinasagawa namin ang mga salita ng Diyos, kami ay naging mga bagong tao,
ginagawang mabuti ang aming mga tungkulin at sinusuklian ang pag-ibig ng Diyos.
Ginagawa ng bawat isa sa amin ang aming bahagi, tapat kami sa Diyos,
pinapanindigan ang patotoo upang tuparin ang kalooban ng Diyos.
Bawat isa sa amin ay nagbibigay ng liwanag, nagpapatotoo sa Diyos.
Maligaya at matamis ang dalisay at tapat na pag-ibig sa Diyos.
Umaawit kami ng mga papuri sa Diyos, kami ay sumasayaw nang sumasayaw.
Pinupuri namin ang aming bagong buhay, maligaya sa kaharian ng Diyos.
Ganap na kaming nailigtas ng Diyos, kami ay naging Kanyang mga tao.
Ang pagiging naitaas sa harap ng Kanyang trono ay isang kagalakang walang katulad.
Ⅲ
Papuri para sa bagong buhay sa kaharian.
Pinagsasama-sama namin ang aming mga puso at kamay upang magpatotoo sa Diyos,
ipinapalaganap ang ebanghelyo ng kaharian, hindi kailanman natatakot sa paghihirap.
Sa mga pagsubok at mga pagdurusa,
kami ay umaasa at nananalangin sa Diyos.
Ang daan ay mahirap, ngunit nagbubukas ang Diyos ng isang landas.
Sa pagkaalam sa katotohanan ng mga salita ng Diyos, nakakamit ng aming puso ang lakas.
Pinapalakas ang loob namin ng mga ito upang magsumikap pa sa pagsulong.
Nagpapatotoo kami sa Diyos at ibinibigay ang lahat namin sa Kanya.
Gaano man ang pagdurusa, higit kaming handa.
Sa patnubay ng mga salita ng Diyos, nagtatagumpay kami laban kay Satanas.
Tunay na nagmamahal sa Diyos, wala kaming mga pagsisisi.
Tatalikdan namin ang malaking pulang dragon
at magiging matagumpay na mga kawal.
Palagi kaming magpapatotoo sa aming landas ng pag-ibig para sa Diyos.