334 Kapag Dumating ang Araw ng Diyos

I

Karamiha’y may kondisyon

sa paglilingkod sa Diyos:

Wala silang pakialam

kung Siya ma’y Diyos o tao,

pinag-uusapan lamang nila

ang sarili nilang mga kundisyon

at hinahangad ang sarili nilang pagnanasa.


Nagtatrabaho kayo para sa Kanya,

tapos humihingi ng bayad,

kahit pagtakbo lamang, nagpapabayad pa.

Nagbibigay kayo sa iglesia

pagkatapos ay humihingi ng kabayaran.

Kahit yaong pinakitunguhan na

ng Diyos ay naniningil din.


Oh, ito ang dakila at matayog ninyong pagkatao.

Ang mainit ninyong konsensiya

ang nagdidikta ng ganitong mga pagkilos.

Nasaan ang inyong katinuan?

Nasaan ang inyong pagkatao?


Sa araw ng pagtalikod ng Diyos,

mamamatay kayo,

nilayuan ng liwanag, darating ang kadiliman.

Pagdating ng Kanyang araw

magpapaulan Siya ng apoy

sa mga masuwayin

na pumukaw sa Kanyang poot.


II

Parurusahan Niya lahat ng sa Kanya’y

tumalikod at sumumpa

sa nagniningas na apoy ng Kanyang galit,

yaong mga kumain at namuhay na kasama Niya

ngunit uminsulto at nagkanulo sa Kanya.


Oo, yaong mga pumukaw ng Kanyang galit

ay magdurusa sa mabagsik Niyang parusa,

kasama ng mga halimaw

na nag-akalang Siya’y kanilang kapantay,

subalit ‘di sumamba o sumunod sa Kanya.


Sa araw ng pagtalikod ng Diyos,

mamamatay kayo,

nilayuan ng liwanag, darating ang kadiliman.

Pagdating ng Kanyang araw

magpapaulan Siya ng apoy

sa mga masuwayin

na pumukaw sa Kanyang poot.


III

Yaong mga hayop na nasiyahan

sa Kanyang pangangalaga’t mga salita

at minsang sinubukang sunggaban

ang materyal na kasiyahan mula sa Kanya,

Sila’y hahampasin Niya ng Kanyang pamalo.

Wala Siyang patatawarin ni isa man

sa kanila sa pagtatangkang agawin ang lugar Niya.

Wala siyang patatawarin

sa sinumang sumubok sumunggab

ng pagkain at kasuotan mula sa Kanya.


Sa araw ng pagtalikod ng Diyos,

mamamatay kayo,

nilayuan ng liwanag, darating ang kadiliman.

Pagdating ng Kanyang araw

magpapaulan Siya ng apoy

sa mga masuwayin na pumukaw

sa Kanyang poot, Kanyang poot.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos

Sinundan: 333 Umaasa ang Diyos na Magiging Tapat ang Tao sa Kanyang mga Salita

Sumunod: 335 Walang Makaaarok sa Pinagmulan ng mga Salita ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

281 Panahon

IIsang malungkot na kaluluwa’ng naglalakbay,sinusuri’ng bukas, hinahanap nakalipas,masipag na nagsisikap,naghahangad ng isang pangarap.‘Di...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito