401 Ang Kabuluhan ng Paniniwala sa Diyos ay Napakalaki

1 Ngayon ay hindi pa rin kayo nakakatamo ng lubos na pagkaunawa tungkol sa kabuluhan ng paniniwala sa Diyos. Sa katunayan, ang kabuluhan ng paniniwala sa Diyos ay napakalalim kaya hindi ito naaarok ng mga tao. Sa bandang huli, ang mga bagay sa loob ng mga tao na mula kay Satanas at ang mga bagay ukol sa kanilang kalikasan ay dapat mabago at dapat maging kaayon sa mga kinakailangan ng katotohanan; tanging sa paraang ito lamang tunay na nakakamit ng isa ang kaligtasan. Kung, kagaya ng nakasanayan mo noong nasa relihiyon ka, nagsasalita ka lamang ng ilang mga salita ng doktrina o sumisigaw ng mga sawikain, at pagkatapos ay gumagawa ng kaunting mabubuting gawa, nagpapakita ng higit pang mabuting pag-uugali, at umiiwas sa paggawa ng ilang kapansin-pansing kasalanan, hindi pa rin ito nangangahulugan na nakatungtong ka na sa tamang landas ng paniniwala sa Diyos.

2 Ang kakayanan ba na makasunod sa mga tuntunin ay nagpapahiwatig na lumalakad ka sa tamang landas? Kung ang mga bagay sa loob ng iyong kalikasan ay hindi pa nagbago, sa huli ay lalaban at magkakasala ka pa rin sa Diyos. Ito ang magiging pinakamalaki mong suliranin. Kung, sa iyong pananampalataya sa Diyos ay hindi mo lulutasin ang suliraning ito, maituturing ka bang naligtas na? Ipinapahayag ng Diyos ang mga salitang ito upang ipaunawa sa inyong lahat sa inyong mga puso na ang pananampalataya sa Diyos ay hindi maihihiwalay sa mga salita ng Diyos, mula sa Diyos, o mula sa katotohanan. Dapat mong piliing mabuti ang iyong landas, pagsikapan ang katotohanan, at pagsikapan ang mga salita ng Diyos. Huwag ka lamang magtamo ng ilang hilaw na kaalaman, o magkaroon ng kung papaano mang pagkaunawa, at pagkatapos ay ipapalagay na ayos ka na. Kung niloloko mo ang iyong sarili, mapipinsala mo lamang ang iyong sarili.

3 Hindi dapat lumihis ang mga tao sa kanilang pananalig sa Diyos; sa huli, kung wala sa puso nila ang Diyos at humahawak lamang sila ng aklat at binabasa ito na parang humahanga sa mga bulaklak habang umaandar palayo sakay ng kabayo, tapos na sila. Sinasalungat ba ng mga salitang, “Ang pananampalataya ng tao sa Diyos ay hindi maihihiwalay sa mga salita ng Diyos,” ang “Ang pananalig sa Diyos ay hindi maihihiwalay sa Diyos”? Paano mo maaaring isapuso ang Diyos kung wala sa puso mo ang mga salita ng Diyos? Kung nananalig ka sa Diyos, ngunit wala sa puso mo ang Diyos, ni ang Kanyang mga salita, ni ang Kanyang patnubay, talagang tapos ka na. Kung hindi mo kayang gumawa ng kahit isang maliit na bagay alinsunod sa mga hinihiling ng Diyos, kapag naharap ka sa isang malaking usapin tungkol sa prinsipyo ay lalo mong hindi matutugunan ang mga hinihiling ng Diyos. Nangangahulugan ito na hindi ka magkakaroon ng patotoo.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pananalig sa Diyos, Pagpili ng Tamang Daan ang Pinakamahalaga

Sinundan: 400 Ang Paghahangad na Dapat Sundin ng mga Mananampalataya

Sumunod: 402 Yaon Lamang May Tunay na Pananampalataya ang Sinasang-ayunan ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito