402 Yaon Lamang May Tunay na Pananampalataya ang Sinasang-ayunan ng Diyos
Ⅰ
Nang hampasin ni Moises ang bato
at tubig ay bumukal, kaloob ‘yon ni Jehova,
dahil ‘yon sa pananampalataya.
Nang tumugtog si David para purihin si Jehova,
puno ng galak ang kanyang puso,
dahil ‘yon sa pananampalataya.
Nang mga kawan at ari-arian ni Job ay nawala,
at katawan niya’y nagkapigsa,
dahil ‘yon sa pananampalataya.
At habang naririnig pa niya ang tinig ni Jehova,
at kaluwalhatian Niya’y kita pa,
dahil ‘yon sa pananampalataya.
Dahil sa pananampalataya.
Pananampalataya lamang, wala nang iba!
Dahil sa pananampalataya.
Pananampalataya lamang, wala nang iba!
Ⅱ
Nang si Pedro’y sumunod kay Jesus
at nagpatotoo sa Kanya
habang nakapako sa krus,
dahil ‘yon sa pananampalataya.
Nang makita ni Juan ang
maluwalhating larawan ng Anak ng tao
at pangitain ng mga huling araw,
dahil ‘yon sa kanyang pananampalataya.
Nang matuklasan ng mga Gentil na
nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao
para gawin ang Kanyang gawain,
dahil din ‘yon sa pananampalataya.
Maraming nabagabag sa salita ng Diyos,
naligtas at naalo, dahil din ‘yon sa pananampalataya.
Dahil sa pananampalataya.
Pananampalataya lamang, wala nang iba!
Dahil sa pananampalataya.
Sa pananampalataya lamang, wala nang iba!
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig 1