737 Dapat Magkaroon ang Tao ng Pusong May Takot sa Diyos
Ang diwa ng Diyos ay may pag-ibig
at Siya’y may awa sa bawat tao.
Ngunit nakaligtaa’t nakalimutan na ng tao
na diwa Niya’y may dignidad.
Pag-ibig ng Diyos ay ‘di ibig sabihing
tao’y pwedeng magkasala sa Kanya’t
‘di makakapukaw sa damdamin Niya,
ni ang awa Niya’y
nangangahulugang Siya’y walang prinsipyo
sa pagtrato Niya sa mga tao.
I
Buhay ang Diyos, Siya’y tunay.
Kaya, dapat lagi tayong makinig sa tinig Niya
at pansining mabuti ang saloobin Niya.
‘Wag Siyang tukuyin gamit ang imahinasyon,
ni kaisipan ng tao’y igiit sa Kanya,
sanhi upang pagtrato Niya sa tao’y tulad ng sa tao.
Ganitong kilos ay magpapagalit sa Diyos,
hahamon sa dignidad at poot Niya.
Kaya alamin kung ga’no kaseryoso ito.
Hinihimok ng Diyos ang bawat isa sa inyo
na laging maingat kung kumilos,
at sa kung ano’ng sasabihin niyo rin.
Patungkol sa pagtrato niyo sa Diyos,
kung mas maingat ka, mas mabuti para sa iyo.
‘Pag ‘di mo nauunawaan ang saloobin Niya,
‘wag kumilos o magsalita nang padalus-dalos.
‘Wag basta-bastang magbansag.
Higit sa lahat, ‘wag magsalita ng tapos.
Sa halip, maghintay ka’t maghanap,
na kita’ng takot mo sa Diyos
at pag-iwas sa masama.
II
Kung kaya mong makamit ang mga ito,
at taglayin ang saloobing ito,
‘di ka sisisihin ng Diyos
sa iyong kahangalan at kamangmangan,
o kawalan mo ng pag-unawa
sa dahilan ng lahat ng nangyayari.
Dahil takot kang magkasala sa Diyos,
respetuhin Siya’t subukang sumunod,
gagabayan ka lagi ng Diyos,
aalalahani’t liliwanagan ka.
Pararayain ka Niya’t
uunawaing kailangan mo pang lumago.
Kung wala kang galang at hinuhusgahan Siya,
hinuhulaan at tinutukoy ang mga ideya Niya,
kokondenahin at parurusahan ka ng Diyos,
o magkokomento sa kahihinatnan mo.
III
Nilalayon ng Diyos na bigyang-diin:
Maging maingat sa lahat ng mula sa Diyos,
at sa kung ano’ng sasabihin o gagawin mo.
Tumigil at mag-isip bago magsalita:
Magagalit ba’ng Diyos sa kung ano’ng gawin ko?
Mapitagan ba ako sa Diyos?
Kahit sa pinakasimpleng bagay,
subukang unawain ang mga tanong na ‘to,
at mag-isip nang mas matagal tungkol sa mga ‘to.
Kung lagi mong isinasagawa’ng prinsipyong ito,
lalo na ‘pag may ‘di ka nauunawaan,
gagabayan ka ng Diyos sa landas na tatahakin.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang mga Resultang Makakamtan ng Kanyang Gawain