738 Dapat Mong Palugurin ang Diyos sa Pag-Abot sa Kanyang Pamantayan
Ⅰ
Bago magpasya sa’yong konklusyon,
unawain ang tingin ng Diyos sa’yo.
Alamin iniisip Niya, saka ka magpasya
kung paraan ng pag-iisip mo’y tama.
‘Di sinusukat kinalabasan ng tao
sa oras, o ga’no sila naghirap.
Bagay na ‘di ayon sa pamantayan ng Diyos
mula sa pagkaunawa o haraya ng tao.
Kung bitawan mo paraan mo ng pag-iisip
at iwasto maling pananaw sa nakaraan,
kung matakot ka sa Diyos, umiwas sa masama,
parangalang dakila ang Diyos sa lahat,
kung ‘di mo gamitin ang sariling pagkaunawa,
o paniniwala sa pagtukoy sa’yo at sa Diyos,
kung hanapin mo ang layunin N’ya at
unawain ang saloobin Niya sa sangkatauhan,
kung abutin mo ang pamantayan Niya,
ito ay magiging kahanga-hanga,
ipapakita nitong ika’y nagsisimula sa paglalakbay
ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa masama.
Ⅱ
Kung ipilit mo ang ‘yong pagkaunawa,
ang bunga’y pagtanggi ng Diyos sa’yo.
Pinagyayabang mo’ng sarili sa Kanya,
nakikipagtalo’t lumalaban sa Diyos.
‘Di sinusubukang alamin kalooban Niya,
o ang saloobin N’ya sa tao.
Kung tahakin mo’ng landas na ito,
tinataas mo’ng sarili mo sa lahat.
Hindi nito dinadakila ang Diyos.
Naniniwala ka sa sarili mo, ‘di sa Diyos.
Ayaw ng Diyos sa ganitong tao,
hindi N’ya bibigyan’g kaligtasan.
Kung bitawan mo paraan mo ng pag-iisip
at iwasto maling pananaw sa nakaraan,
kung matakot ka sa Diyos, umiwas sa masama,
parangalang dakila ang Diyos sa lahat,
kung ‘di mo gamitin ang sariling pagkaunawa,
o paniniwala sa pagtukoy sa’yo at sa Diyos,
kung hanapin mo ang layunin N’ya at
unawain ang saloobin Niya sa sangkatauhan,
kung abutin mo ang pamantayan Niya,
ito ay magiging kahanga-hanga,
ipapakita nitong ika’y nagsisimula sa paglalakbay
ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa masama.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang mga Resultang Makakamtan ng Kanyang Gawain