736 Sa Pagkatakot sa Diyos Lamang Malalayuan ang Kasamaan
Ⅰ
Ang disposisyon ng Diyos ay kamahalan at poot.
‘Di Siya tupa na kakatayin lang ng kahit sino.
Hindi Siya manika, pinaglaruan ng kahit sino.
Ni ‘di S’ya hangin, inuutusan lang ng tao.
Kung maniniwala ka sa pag-iral ng Diyos,
dapat puso mo’y may takot sa Kanya.
Alam mo dapat ang diwa ng Diyos ay ‘di maaaring magalit.
Ang paglabag ay marahil dulot ng salita,
kaisipan, kaalaman o masamang gawain.
Maaaring dulot ito ng isang malumanay na kilos
na katanggap-tanggap ng moralidad.
Pero ‘pag ginalit mo ang Diyos,
nawala mo na ang pagkakataong maligtas,
at ang mga huling araw mo’y malapit nang dumating.
Ito’y talagang nakakatakot.
Ⅱ
Kung ‘di mo alam ang Diyos ay ‘di maaaring magalit,
hindi mo S’ya kakatakutan at gagalitin lagi.
Kung ‘di mo alam papaano,
‘di mo Siya kakatakutan at ‘di lalayuan ang kasamaan.
‘Pag nababatid mo sa’yong puso
na ‘di pwedeng galitin ang Diyos,
lubos mong mauunawaan ang kahulugan
ng matakot sa Diyos at layuan ang kasamaan.
Alam mo dapat ang diwa ng Diyos ay ‘di maaaring magalit.
Ang paglabag ay marahil dulot ng salita,
kaisipan, kaalaman o masamang gawain.
Kung maniniwala ka sa pag-iral ng Diyos,
dapat puso mo’y may takot sa Kanya.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang mga Resultang Makakamtan ng Kanyang Gawain