933 Dapat Pahalagahan ng Tao ang mga Likha ng Diyos

1 Tinutulutan ng Diyos ang sangkatauhan na pamahalaan ang lahat ng bagay at magkaroon ng kapangyarihan sa lahat ng mga ito, nguni’t nagagawa ba ito nang maayos ng tao? Sinisira ng tao ang anumang makakaya niya. Hindi lamang niya talaga kayang mapanatili ang lahat ng ginawa para sa kanya ng Diyos sa orihinal nitong kalagayan—kabaligtaran ang kanyang nagawa at sinira ang nilikha ng Diyos. Inilipat ng sangkatauhan ang mga bundok, nagtambak ng lupa sa mga dagat, at ginawang mga disyerto ang mga kapatagan kung saan walang tao ang maaaring mabuhay. Subali’t sa disyerto gumawa ang tao ng industriya at nagtayo ng mga baseng nukleyar, naghahasik ng pagkawasak sa lahat ng dako. Ngayon ang mga ilog ay hindi na mga ilog, ang dagat ay hindi na ang dagat….

2 Sa sandaling sinira ng sangkatauhan ang balanse ng likas na kapaligiran at ang mga patakaran nito, ang araw ng kanyang kapahamakan at kamatayan ay hindi nalalayo; hindi ito maiiwasan. Kapag dumating ang sakuna, malalaman ng sangkatauhan ang kahalagahan ng lahat ng nilikha ng Diyos para sa kanya at kung gaano ito kahalaga sa sangkatauhan. Para sa tao, ang paninirahan sa isang kapaligiran kung saan ang mga hangin at mga ulan ay dumarating sa panahon nila ay katulad ng paninirahan sa paraiso. Hindi napagtatanto ng mga tao na ito ay isang pagpapala, nguni’t sa sandaling mawala sa kanila ang lahat ng ito, makikita nila kung gaano kabihira at kahalaga ito.

3 At kapag wala na ito, paano ito muling makukuha ng isang tao? Kung walang ginagawa ang Diyos, kung ayaw na ng Diyos na gumawa ng kahit anuman para sa sangkatauhan—ibig sabihin, kung hindi Siya nakikialam sa usaping ito—ang pinakamahusay na solusyon para sa sangkatauhan ay ang tigilan ang lahat ng paninira at pahintulutan ang kanilang buhay na kapaligiran na makabalik sa likas nitong katayuan. Ang pagtigil sa lahat ng paninirang ito ay nangangahulugan ng pagtigil sa pandarambong at pamiminsala sa mga bagay na nilikha ng Diyos. Magbibigay-daan ito sa kapaligiran na tinitirhan ng tao na makabawi nang paunti-unti, habang ang hindi paggawa nito ay magdudulot sa lalo pang mas kasuklam-suklam na kapaligiran para sa buhay na ang pagkawasak ay mapapabilis kasabay ng oras. Ang tao ay hindi maaaring umiral nang nakahiwalay sa iba pang nilikha. Kaya, ang saloobin ng tao patungkol sa lahat ng bagay ay dapat: Iniingatan ang mga ito, pinapangalagaan ang mga ito, hindi sinasayang ang mga ito.

Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII

Sinundan: 932 Nilikha ng Diyos ang Kalangitan, Lupa at Lahat ng Bagay para sa Sangkatauhan

Sumunod: 934 Diyos ang Pinuno ng Lahat ng mga Bagay

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito