932 Nilikha ng Diyos ang Kalangitan, Lupa at Lahat ng Bagay para sa Sangkatauhan
Ⅰ
Lahat ng bagay ay magkaugnay, nagtutulungan,
sa pamamagitan nito,
ang kapaligiran ng tao ay napangangalagaan.
Sa ilalim ng prinsipyong ito,
ay makapagpapatuloy at mabubuhay.
Ang buhay sa ganitong kapaligiran,
tao ay maaaring lumago at magparami.
Ang tuntuning ito’y ginagamit ng Diyos
upang pangalagaan ang buhay
para sa lahat ng bagay,
panatilihin silang buhay
ng Kanyang nakakamanghang gawa.
Sa paraang ito tinutustusan Niya lahat ng bagay.
Gayon din ang Kanyang paraan
upang tustusan ang buong sangkatauhan.
Nilikha ng Diyos ang kalangitan,
lupa’t lahat ng bagay para sa sangkatauhan.
Nilikha Niya ang kapaligiran ng tao
at ginawang maganda ang mundo.
Ginagamit ng Diyos lahat ng Kanyang nilikha
upang pangalagaan at ingatan
tahanan ng tao na Kanyang nilikha,
tahanang nilikha ng Diyos.
Ganito Niya tinutustusan
ang lahat ng bagay at ang tao.
Ⅱ
Ang Diyos ang Panginoon
ng patakaran ng sansinukob,
patakarang namamahala kung paano
nabubuhay ang lahat ng bagay.
Ginagawa N’ya ‘to upang ang sansinukob
at lahat ng bagay ay mabuhay na magkaayon,
ginagawa Niya ito upang hindi sila mawala
o maglaho nang biglaan.
Ginagawa ito upang tao’y ma’aring umiral
at manahan sa kapaligirang ‘to sa pamamagitan
ng pangunguna ng Diyos.
Ang mga patakarang namamahala sa lahat
ng bagay ay nasa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos,
at hindi maaaring pakialaman
o baguhin ng sangkatauhan.
Tanging ang Diyos lamang ang nakaaalam
sa mga patakarang ito,
at Diyos lamang ang nakapamamahala
sa kanila mula sa itaas.
Nilikha ng Diyos ang kalangitan,
lupa’t lahat ng bagay para sa sangkatauhan.
Nilikha Niya ang kapaligiran ng tao
at ginawang maganda ang mundo.
Ginagamit ng Diyos lahat ng Kanyang nilikha
upang pangalagaan at ingatan
tahanan ng tao na Kanyang nilikha,
tahanang nilikha ng Diyos.
Ganito Niya tinutustusan
ang lahat ng bagay at ang tao.
Ⅲ
Lahat na buhay nasa ilalim
ng maka-Diyos na patakaran ng Diyos.
Ang bawat bagay na buhay ay binigyan
ng buhay noong likhain ng Diyos.
Nang may buhay na binigay ng Diyos,
ito ay sumusunod sa tuntunin ng buhay.
Hindi ito kailangang baguhin o tulungan ng tao,
ito ang paraan ng pagtustos ng Diyos sa lahat.
Nilikha ng Diyos ang kalangitan,
lupa’t lahat ng bagay para sa sangkatauhan.
Nilikha Niya ang kapaligiran ng tao
at ginawang maganda ang mundo.
Ginagamit ng Diyos lahat ng Kanyang nilikha
upang pangalagaan at ingatan
tahanan ng tao na Kanyang nilikha,
tahanang nilikha ng Diyos.
Ganito Niya tinutustusan
ang lahat ng bagay at ang tao.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII