644 Ang Magsilbing Isang Hambingan ay Habambuhay na Pagpapala
Ⅰ
Kayo’y nakatira ng Diyos
sa iisang mundo’t maruming lupain,
kayo’y Kanyang naging hambingan, nailigtas.
Kung ‘di Siya naging tao, sino’ng maaawa sa inyo?
Sino’ng kakalinga sa inyong abang tao?
Sino’ng mag-aaruga sa inyo?
Kung nagkatawang-taong Diyos ‘di gumagawa sa inyo,
kailan makukuha’ng kaligtasang
‘di nakamtan ng sinuman?
Kung Diyos ay ‘di nagkatawang-tao
upang kayo’y alagaa’t hatulan,
‘di kaya’y matagal na kayong nahulog sa Hades?
Pagiging hambinga’y gawaing angkop sa inyo;
kaligtasan ng paghatol ng Diyos natamo dahil dito.
‘Di niyo ba nakikitang isang biyaya’ng
maging tunay na hambingan?
Kayo’y hambingan lang ngunit
nakamit kaligtasang noo’y hindi.
Ⅱ
Kung Diyos hindi naging tao, nagpakumbaba sa inyo,
may karapatan ba kayong maging hambingan
para sa katuwiran Niya?
‘Di ba kayo’y mga hambingan dahil
Diyos naging tao upang kayo ay maligtas?
Kayo’y nailigtas dahil naging tao ang Diyos.
Kung ‘di sa pakikipamuhay ng Diyos sa inyo,
makikita niyo bang buhay niyo’y mala-impyerno,
masahol pa sa baboy at aso?
‘di ba’ng paghatol at pagkastigong
natamo ninyo’y dahil kayo’y mga hambingan
sa Kanyang gawain sa katawang-tao?
Pagiging hambinga’y gawaing angkop sa inyo;
kaligtasan ng paghatol ng Diyos natamo dahil dito.
‘Di niyo ba nakikitang isang biyaya’ng
maging tunay na hambingan?
Kayo’y hambingan lang ngunit
nakamit kaligtasang noo’y hindi.
Ⅲ
Tungkulin n’yong maging hambingan ngayon,
at walang hanggang biyayang
naghihintay magiging gantimpala ninyo.
‘Di panandaliang dunong inyong makukuha,
ngunit mas malaking biyaya,
isang walang hanggang pagpapatuloy ng buhay.
Pagiging hambinga’y gawaing angkop sa inyo;
kaligtasan ng paghatol ng Diyos natamo dahil dito.
‘Di niyo ba nakikitang isang biyaya’ng
maging tunay na hambingan?
Kayo’y hambingan lang ngunit
nakamit kaligtasang noo’y hindi.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Nakakamtan ang mga Epekto ng Ikalawang Hakbang ng Gawain ng Paglupig