643 Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos sa mga Inapo ni Moab
Ⅰ
Sa mga inapo ni Moab, ang Diyos ay gumagawa
inililigtas ang nasa pinakamadilim.
Isinumpa sila nguni’t nais Niyang
Siya’y luwalhatiin nila,
dahil sila ang mga tao sa simula,
na walang Diyos sa puso nila.
Ang tunay na paglupig ay ang magawa
ang mga walang Diyos na Siya’y mahalin.
Walang kasinghalaga’t nakakukumbinsi ang bunga.
Ito ang pagtatamo ng kaluwalhatian,
na Diyos sa mga huling araw, nais makamtan.
Ito ang kabuluhan ng paggawa sa mga inapo ni Moab.
Ⅱ
Kahit aba, maililigtas sila; ang Diyos itinataas sila.
Gawaing ito’y malalim ang kahulugan.
Sa paghatol, Diyos ay natatamo sila.
Ayaw Niyang parusahan sila, kundi iligtas sila.
Kung sa mga huling araw Israel ay nilulupig Niya,
ito’y mawawalan ng halaga.
Kahit mabunga, wala itong halaga,
hindi lahat ng kaluwalhatian ay matatamo Niya.
Gumagawa Siya sa inyong nasa
kadiliman na pinakanapag-iwanan.
Ang tunay na paglupig ay ang magawa
ang mga walang Diyos na Siya’y mahalin.
Walang kasinghalaga’t nakakukumbinsi ang bunga.
Ito ang pagtatamo ng kaluwalhatian,
na Diyos sa mga huling araw, nais makamtan.
Ito ang kabuluhan ng paggawa sa mga inapo ni Moab.
Ⅲ
‘Di alam ng mga taong ‘to na may Diyos.
Ginawang tiwali ni Satanas, kaya nalimutan na Siya,
binulag ni Satanas, ‘di alam na may Diyos sa langit.
Satanas, mga idolo, sinasamba n’yo,
‘di ba’t kayo ang pinakaabang tao?
Wala kayong laya, nahihirapan,
pinakamababang antas sa lipunan,
ni wala kayong layang sumamba.
Kaya gumagawa ang Diyos sa inyo, oo.
Ang tunay na paglupig ay ang magawa
ang mga walang Diyos na Siya’y mahalin.
Walang kasinghalaga’t nakakukumbinsi ang bunga.
Ito ang pagtatamo ng kaluwalhatian,
na Diyos sa mga huling araw, nais makamtan.
Ito ang kabuluhan ng paggawa sa mga inapo ni Moab.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kabuluhan ng Pagliligtas sa mga Inapo ni Moab