645 Ang mga Pagkabigo’t mga Sagabal ay mga Pagpapala mula sa Diyos

1 Pinararanas sa iyo ng Diyos ang lahat ng uri ng unos, pagdurusa, hirap, at maraming kabiguan at dagok, nang sa gayon, sa dakong huli, habang dinaranas mo ang mga bagay na ito, matutuklasan mo na tama ang lahat ng sinasabi ng Diyos, at maling lahat ang iyong mga paniniwala, kuru-kuro, imahinasyon, at karunungan. Hindi ka nila maaakay sa tamang landas sa buhay, hindi ka nila maaakay na maunawaan ang katotohanan at humarap sa Diyos, at ang landas na iyong tinatahak ay ang landas ng kabiguan. Para sa iyo, kinakailangan ang prosesong ito, at ang dapat mong matamo sa proseso ng pagdanas ng kaligtasan. Ngunit pinalulungkot din nito ang Diyos: Sapagkat suwail ang mga tao, at nagtataglay sila ng mga tiwaling disposisyon, kailangan silang sumailalim sa prosesong ito at magdanas ng mga dagok na ito.

2 Anuman ang gawin ng Diyos, ninanais Niya ang pinakamainam para sa tao. Anuman ang kapaligirang itinakda Niya, lagi Niyang nais na makita ang pinakamagandang kalalabasan. Sabihin nang nahaharap ka sa mga dagok at kabiguan. Hindi nais ng Diyos na makita kang hindi makabawi mula sa kabiguan at nasadlak sa kalungkutan. Nais ng Diyos na makita na nagagawa mong hanapin ang katotohanan, na makita mo ang dahilan ng iyong pagkabigo, at na natatanto mo na maling kumilos gaya ng ginawa mo, na nasa pagkilos lamang ayon sa mga salita ng Diyos ang tama. Nauunawaan mo ang mga bagay at lumalago ka sa kabila ng dagok at kabiguang ito. Ito ang nais makita ng Diyos. Kumikilos ang Diyos nang may mabuting layunin, at lahat ng kilos Niya ay naglalaman ng Kanyang nakatagong pagmamahal. Kaya nga, Makabubuti para sa mga tao na magdanas ng kabiguan—bagama’t isang bagay rin ito na masakit, isang bagay na nagpapahinahon sa kanila. Ngunit kung ang gayong pagpapahinahon ay magpapabalik sa iyo sa harap ng Diyos sa dakong huli, tanggapin ang Kanyang mga salita, at tanggapin ang mga ito bilang katotohanan upang ang gayong pagpapahinahon, mga dagok at kabiguan ay maging kapakinabangan sa iyo.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Matukoy ang Kalikasan at Diwa ni Pablo

Sinundan: 644 Ang Magsilbing Isang Hambingan ay Habambuhay na Pagpapala

Sumunod: 646 Ang Pinakamagandang Bagay sa Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito