823 Tanging sa Pag-alam sa mga Gawa ng Diyos Makapagpapatotoo nang Tunay ang Isang Tao sa Kanya
I
Kung ‘di mo makikita ang mga gawa ng Diyos
sa lahat ng bagay na nilikha Niya,
‘di ka makakapagpapatotoo sa mga ito.
Kung ‘di mo kayang magpatotoo sa Kanya
ngunit nagsasalita tungkol
sa maliit na Diyos na kilala mo
na limitado sa iyong mga palagay,
na umiiral lamang sa iyong isipan,
‘di kailanman pupurihin ng Diyos
ang pananalig mo.
Kung nais mong tunay na magpatotoo
sa tunay na Diyos,
sa paraang naaayon sa Kanyang kalooban,
dapat alam mo kung ano’ng mayroo’t
ano Siya sa mga gawa Niya,
makita ang awtoridad ng Diyos
sa Kanyang pagkontrol ng lahat,
at makita ang paraan
ng Kanyang pagtutustos sa lahat ng tao.
II
Kung nagpapatotoo ka lang sa Diyos
sa kung ano ang binibigay Niya sa iyo,
tinatamasa ang lahat ng biyaya ng Diyos,
at ang pagtanggap mo ng mga paraan ng Diyos,
ng disiplina’t pagtutuwid Niya,
‘di ‘to nalalapit sa pagbibigay-saya sa Kanya.
Kung nais mong tunay na magpatotoo
sa tunay na Diyos,
sa paraang naaayon sa Kanyang kalooban,
dapat alam mo kung ano’ng mayroo’t
ano Siya sa mga gawa Niya,
makita ang awtoridad ng Diyos
sa Kanyang pagkontrol ng lahat,
at makita ang paraan
ng Kanyang pagtutustos sa lahat ng tao.
Kung kinikilala mo lang na ang
mga pang-araw-araw na pangangailangan mo’y
mula lahat sa Diyos,
ngunit bigo kang makita ang katotohanang—
ginagamit Niya’ng mga nilikha Niya
upang tustusan ang mga tao,
at na namumuno Siya sa lahat ng tao
sa Kanyang pamamahala sa lahat ng bagay—
kung gayon kailanma’y
‘di mo kayang magpatotoo sa Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX